Chapter 29

552 20 0
                                    

His Arrival


ISANG linggo na makalipas ang reunion at heto nanaman kaming dalawa sa harutan at landian. Hahaha. Charot!

Si Raphael naman ay bumalik ng Australia at simula no'ng reunion ay pinutol ko na ang kumunikasyon ko sa kanya dahil hindi ko lubos na maisip na kayang gawin ng matalik kong kaibigan ang ganoong bagay para lang sa ikasisira naming dalawa.

Lahat ng kaugnayan at contact ko sa kanya ay inalis ko na rin, pati ang mga sosyal midya ay blinock ko siya. About sa isyu ko naman ay Kyhell ay ayos lang dahil napag-utusan lang naman siya eh.

Speaking of, nakasama namin ang buong pamilya ngayon at nasa isa kami resort ngayon.

"Earth to Ace speaking." Tawag sa'kin ng pamilyar na boses at bigla akong nabalik sa aking ulirat. Napapadalas na ako sa kakaganito. "Jet lag?" He ask worriedly. "Nah, just thinking." Tipid kong sagot. "Thinking of what?" Tanong nito at alam ko kung para saan ang tanong niya na iyon.

Pinaningkitan ko siya. "What? Maybe it's true. You're thinking of something while I'm half naked, aren't you?" Ang singit kong tigtig ay naging matalim. Humagikgik naman ang mokong.

Nasa beach kasi kami ngayon dahil kaarawan ni tita Celestina. Walang engrandeng kainan o paparty dahil ayaw nila ng bisitang aasikasuhin. True though, nakakatamad kaya mag-accommodate ng mga tao.

Hinatak ako ni Matteo upang makisalo sa pagtatampisaw nila. Kasama niya si Kyhell at Ari andoon din ang mga tropa nila. Ayaw ko sana pero nakakaamoy ako ng makati eh. Ang lagkit kasi ng tingin ni Ari sa katawan ng Teo ko at dapat ako lang ang nakakakita niyan eh, kaso hindi naman maiiwasan sa lalaki ang hindi i-show off ang pinaghirapan nila. Boys~

Nagtampisaw na ako sa dagat at jusme para kaming bata kung magbasaan at maghabulan hanggang sa magyaya si Migs na magvolleyball. Ay G ako dyan!

Kung hindi ninyo naitatanong magaling ako sa larangan ng volleyball kahit pa pungok ako. Share ko lang.

Nagkampihan kami pero sa grupo ako nila Zaib napunta samantalang si Matt ay sa grupo ni Ari. Nako! May sa higad din yang baklang yan ah?!

Sorry mga inengs my regreg ata ako kaya puro si Ari na lang ang pinagiinitan ko. Hahahaha.

Nag-umpisa na ang laro.

Todo pakitang gilas si Ari dahil sa tangad nitong taglay, ay syempre 'di ako papakabog. Halos lahat ng opensa niya ay nahaharang ko. Belat!

Kasi naman kapag bebe ko bebe ko lang. Walang nakikibebe. Humanap ka ng sa'yo kung ayaw mong napuno ka ng dugo. Charot! Uy hindi ko yun kaya 'no!

Sinet ni Zaib ang bola at agad ko itong hinampas at sasaluin sana ni Ari ng sa ulo niya tumama.

Natumba ito, agad naman nila itong nilapitan ako nama'y napatakip sa aking bibig. Hindi naman gaano kalakas yun ah?!

Nakita ko ito kung paano pumulupot yung kamay niya sa katawan ng Teo ko. Ano siya pugita? Naku nagdidilim na paningin ko sa maarang baklang 'yan ah?!

Sa sobrang selos ko ay padabog akong nagwalk-out. Rinig ko pa ang pagtawag nila dahil may isa pa daw set pero hindi ko ito pinansin at pumunta na ako sa cottage namin at kinuha ang tuwalya.

Doon na lang ako tatambay sa pool. Naku! Sarap niyang sabunutan! Tita Celes patawarin niyo ako kapag nasakal yung anak niyo ah? Ang ara kasi eh.

Nakasalubong ko si Tita at nagulat ito. "Oh?! Bakit andidito ka? Hindi ka ba sumali sa kanila?" Tanong niya sa akin. Nginitian ko siya sabay. "Hindi po tita eh, tsaka po ang init doon. Mas masarap pa po sa pool." Palusot ko. Ayaw ko talagang makita si Ari.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon