Chapter 11

969 42 1
                                    

Ngayong Nandyan Ka Na


Mahalagang paalala ang jowa ay hindi gamot at hindi pang-gamot sa ano mang uri ng sakit. Joke hahaha. Babala sa kabanatang ito. May bahid ng kaunting pagkapabebe at kahalayan ng mga karakter na tampok sa kabanatang ito. Enjoy!

___________________________________

MATAPOS ang nangyari sa amin kanina ay naka-ilang ulit na niyang sinisiil ang aking labi, pakiramdam ko tuloy nawalan na akong labi, paano ba naman kasi 'tong si Matteo eh, akala mo ngayon lang natikman 'tong labi ko. Pero infairness sarap pa rin niyang humalik yung banayad sa una pero 'di kalauna'y nagiging agresibo. Too much info na ako tee.

"Last na lang, after that we'll go back to the office." Pasusumamo nito sabay lapit ng mukha niya sa aking mukha. "Oops bago 'yan, pirmahan mo na muna 'to" ihinarang ko ang liham bago pa man niya ako mahalikan. "P'wede bang sa opisina ko na 'yan pirmahan?" Nagpakyut ang loko. "Hindi p'wede. Sige ka wala ka halik sa'kin." Pananakot ko. Agad naman nitong kinuha sa akin at pinimahan, and the next thing is, nakalapat na yung labi niya sa labi ko. Lalaki talaga.

Ako na mismo ang pumutol sa halikan namin dahil kailangan ko na itong ipasa kay ate Kristell, at tsaka dadaan pa ako kay tito upang tignan kung ayos lang ang lagay niya. Tumayo na ako at nag-ayos ng sarili sa tapat ng salamin nang may yumakap mula sa aking likod. Kung pagmamasdan mo si Matteo ay dumoble ang kanya ngiti at mas naging maganda ang aura niya. "Enough. Tara na alis na tayo." Pag-aya ko sa kanya. Ang kulit nitong ulupong na 'to, ayaw pang kalasin ang sarili sa pagkakayapos sa'kin. Hmmm. Kyutie niya! Alande.

"How am I suppose to drive?" Sambit nito sabay pakita ulit ng brasong may bandaid. Kahit kailan talaga, 'di na nag bago. "Ako na magmamaneho. Akin na yung susi mo." Agad naman siya kumalas at kunuha ang kanyang wallet para kunin ang kanyang susi nang may mapansin ako. "Teka. Driver's licence ko 'yan ah. Paano napunta sa'yo 'yan?" Napatingin naman sa'kin si Matt. "A-ah, ito ba? Ibinigay 'to sa'kin ng isang traffic enforcer nang sinabi kong kilala kita, at ito yung nagbigay sa'kin ng pahiwatig na nandito ka na. Na nakauwi ka na dito sa Pilipinas." Sambit niya sabay abot ng lisenya ko. "Anim na buwan kong hindi nagamit yung kotse ko dahil dito. Bakit hindi mo ibinigay agad sa'kin 'to?" Muntik na akong matawa dahil sa naging turan ni Matteo. Para siyang iiyak, akala niya siguro galit ako. Agad ko siyang binigyan ng mahigpit na yakap upang ipabatid sa kanya na hindi ako galit bagkus tuwang-tuwa pa nga 'ko eh.

Nagsimula na ako sa pagmamaneho at bwisit na 'yan, nangangapa ulit akong magmaneho. Kamuntikan na kaming mabangga. Nakakahiya sa kanya. Wahhh.

Dahil sa awa siguro ng Diyos ay ligtas kaming nakarating sa kumpanya. "Thank God we are here, I thought we're going to die. Thanks to my Moonlight that drives the car SAFELY." Pang-aasar ng kumag, pero legit may muntik na akong masagasaan. "Pasalamat ka at good mood ako, dahil kung hindi kanina ka pa binawian ng buhay." Hindi sa napikon ako pero parang gano'n na nga. Sabay nagpatiuna ako sa paglalakad. Tinatawag ni Matteo ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon.

Hanggang sa maka-akyat kami sa opisina ni ate Kristell ay hindi ko siya kinikibo kaya naman nagsusumamo na ang huli. "Ate Kristell heto po oh. Napapirmahan ko na ho." Halatang na barda ako dahil sa tono na pananalita ko. "Salamat. Nga pala nagkita kayo ni Matt?" Buti hindi niya na pansin. "Actually we did." Nagulat ako ng magpakita ang ulopong at hinawakan ang aking kanang kamay sabay sumabat. "Oh my gosh! Kayo n-" Agad kong tinakpan yung bibig ni ate Kristell, baka may mga makarinig pa edi panibagong isyu nanaman. "Ano ba. Yieee!Nagkabalikan kayo, that's awesome, nag-alala ka 'no?" Nawindang ako sa sinabi ni ate. Pinagplanuhan ba nila? Nako kapag napatunayan ko lang talaga, hihiwalayan kita agad Matteo sinasabi ko sa'yo. "Ha?" Nangunot agad ang noo ko. "Mali kasi ako ng nasabi sa'yo, pati nga si Matt pinagalitan ako dahil pinag-alala daw kita ng todo." Tila nakalanghap ako ng sariwang hangin ng marinig ko ang paliwanag ni ate Kristell. "Oh, siya mauna na ako sa inyong dalawa."

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang