1

167K 1.8K 25
                                    

"Leyla wag kang tatanga-tanga sa maynila! Aba iba ang mga lalaki ron. Hindi kagaya dito, Mababait!" pangaral ng lola ko sakin. Kahapon niya pa paulit-ulit na sinasabi yan. Ewan ko ba kay lola, napa-nega! akala niya ata napaka tanga kong dalaga, Hindi naman.

"Opo lola." sagot ko na lang ng hindi na humaba ang usapan namin. "Aalis na ho ako." paalam ko bago lumakad palabas ng kubo namin.

"O siya sige, Ang mga bilin ko wag mong kalilimutan. Hindi mababait ang mga lalaki ron!"

"Oho." Sumakay na agad ako sa trysikel na nag hihintay sakin.

Pagdating ko sa sakayan ng bus napahinga ako ng malalim bago sumakay. Eto ang unang pagkakataon na makakapunta ako ng maynila. Hindi ko alam kung ano bang mangyayari sakin don.

Makalipas ang apat na oras nakababa na ko sa bus, Puro matataas na gusali ang agad kong nakita. Mukhang nakakatakot nga ang maynila para sa probinsyana na katulad ko, Pero alam ko sa sarili kong kakayanin ko ang manirahan dito, kahit ako lang mag-isa.

Kinuha ko ang papel sa bulsa ko, Andito ang address ng paaralan na papasukan ko sa dalawang taon na pananatili ko dito.

Lumapit ako sa matandang nag bebenta ng yosi sa gilid ng kalsada, para mag tanong.

"Ale saan po ito?' pinakita ko ang papel na hawak ko,

"Tawid ka don, may sakayan na roon." tinuro niya ang likuran ko na tinignan ko naman agad.

"Maraming salamat ho." ngumiti ako bago tumawid sa kabilang kalsada, papunta sa sakayan. Nakasakay agad ako ng Jeep at ilang minuto ng nakababa na ko sa kanto ng papasukan kong paaralan.

Kahapon pa nagsimula ang unang semester pero bukas pa ako makakapasok. Nahirapan kasi akong pilitin ang lola kong payagan akong lumuwas, Tinignan ko ang malaking gate ng paaralan, May malaling gusali sa loob at mukhang maganda ang loob. Ang linis pang tignan.

"Oxford University..." mahinang basa ko sa nakasulat sa pinakataas ng gusali.

"Ano kayang mangyayari sakin dito?" muli kong bulong bago huminga ng malalim.

"Manong!" tawag ko sa guardiya na nasa loob ng maliit na bahay sa gilid ng gate.

"Ano yon neng?" takang tanong niya.

"Saan po ba ang dorm ni manang ising?" tanong ko. Dahil wala akong kamag-anak dito. Sa isang dormitoryo ako maninirahan para sa dalawang taon,

"Diretso ka lang at makikita mo ang malaking bahay diyan." tinuro niya ang gilid ko.

"Salamat ho." ginawa ko ang sinabi niya at nakita ko ang kahoy pero malaking bahay, Mukhang maganda rin ang titirahan ko. Sobrang lapit pa sa pasusukan ko.

"Tao po!" sigaw ko habang kumakatok sa green na gate. Lagpas lang ng konti sa ulo ko ang gate.

"Bakit hija?" binuksan ng isang matabang babae na nakaduster ang gate.

"Ako po si leyla navarro. Yung makikiupa po sa inyo." Saad ko.

"Ah! oo, Yung apo ni dellia?" tumango ako. "halika't pumasok ka!" niluwangan niya ang bukas ng gate kaya tumuloy ako.

"Maupo ka." tinuro niya ang sofa sa gilid lang ng pinto. Tumango ako bago naupo.

"Nakausap ko na ang lola mo, pinapabantayan ka niya sakin" nakangiti niya saad.

"Opo."

Matalik na kaibigan daw siya ng lola ko, ng kabataan pa nila. Pero ngayon ko lang siya nakita. Mukhang bata pa si manang ising kaya nag tataka ako kung paa paano siya naging kaibigan ng lola ko, matanda na talaga ang lola ko eh.

"May mga rules sa bahay ko." seryosong niyang saad. "Una, Bawal ang lalaki dito. puro babae ang nakatira dito kaya yun ang number one rule ko. Pangalawa, Magsabi ka kung gagabihin ka ng uwi dahil pagdating kasi ng alas dose naka lock na ang gate. Naiintidihan mo ba ako hija?"

"Opo manang." sagot ko.

"mabuti. Halika na sa taas" sumunod ako sa kanya paakyat ng hagdan, Na katapat lang ng pinto. Puro saradong pintuan ang dinadaanan namin sa mahabang hallway. Huminto si manang sa pinakadulo ng pasilyo at binuksan ang pinto,

"Dito ang kwarto mo. May kasama ka dito, bale dawala kayo." saad niya.

Nilibot ko kaagad ang paningin ko sa loob. May dalawang kama na pangisahan lang ang kasya. Sa mag kabilang dulo non. May maliit na lamesa sa gitna at may electricfan na nakasabit sa taas. Ayon lang ang laman ng maliit n kwatong ito, Pero malinis ang paligid.

"Ang cr nasa baba, katabi ng kusina. Gusto mo bang makita?"

"Mamaya na lang po." gusto ko ng magpahinga dahil sa pagod na nararamdaman ko.

Paglabas ni manang naupo agad ako sa kaliwang bahagi na may kama. Magpapahinga muna ako bago ayusin ang mga gamit ko. Bukas na mag sisimula ang pag aaral ko, Kailangan kong paghandaan yon...

*****

A/N

Ang dami ko pa lang mga palpak na words kaya in-edit ko na.

VOTE AND COMMENT XD

GreenMasCARA

LOVELUST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon