2-24 (FINAL CHAPTER)

80.9K 731 26
                                    

Namamawis ang mga palad ko, sobrang kinakabahan ako ngayon. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin na nasa harap ko. Eto na yung araw na hinintay ko.

Huminga ako ng malalalim.

Parang hindi ako yung babae sa harap ng salamin ngayon. Nakapuyod ang buhok ko at may ilang hiblang nakalabas. Light lang ang make-up ko pero parang sobrang ganda ko.

"Sister tayo ka muna, double check ko lang ang gown mo" saad ni tita ang bakla na nag aayos sakin.

"Perfect!" Pumalakpak pa si tita habang paikot-ikot sakin

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.

"Perfect!" Pumalakpak pa si tita habang paikot-ikot sakin.

"OMG! girl! You look so stunning in that wedding dress! Pak na pak!" Nakita ko sa salamin na papasok si farrah kasunod si loisa. Pareho silang nakasuot ng red na gown.

"Long time no see," saad ni loisa habang nakangiti bago ako yakapin. Na miss ko ang babaeng to!

"Kamusta na?" Excited na saad ko. "Akala ko si farrah lang ang bridesmaid ko eh, ' buti nakapunta!" Dugtong ko. Silang dalawa talaga ang magiging bridesmaid pero mahirap ma-contact si loisa kaya akala ko hindi na siya makakapunta.

"Pwede bang palagpasin ko ang wedding ng virgin kong kaibigan?" Tumawa siya. "Congratution, here" inabot siya sakin ang puro pulang bulak-lak na hawak niya.

"Salamat, namiss kita!" Niyakap ko siya ulit. Tumawa siya,

"I miss you too girl" saad niya.

"Sige! Magyakap lang kayo wag niyo kong isali!" Natawa kami pareho sa sinabi ni farrah,

"Inggit ka, halika dito" saad ni loisa.

"No thanks!" Umikot ang mata niya, "Leyla! Make sure na sakin mo ibabato ang flower na yan ha!" Tinuro niya ang hawak ko.

"Ha! Asa! Hindi ka pakakasalan ni green no!' Sakin mo ibato leyla" singit ni loisa.

"Ambisyosa! Mas lalong hindi ka pakakasalan ni fray no! Ayokong maging sister-in-law ka! Sakin mo ibato!" Singit ni farrah,

"No leyla sakin!" Tinulak niya si farrah

"Sakin!" Tinulak naman niya pabalik si loisa

"Sakin leyla!" Tinulak niya ulit si farrah

"Ang kulit mo sakin sabi eh!" Tinulak niya rin si loisa, muntikan pang mataob si loisa sa lakas ng tulak niya. "Winner!" Saad ni farrah habang nakataas pa ang dalawang kamay.

"Hah! Isa--"

"Hay nako mga sister, wag na kayo mag talo" naagaw ni tita ang atensyon ng dalawa. "O heto pa isang bouquet 'bato mo pareho sa kanila yan." Inabot niya sakin ang kumpol ng white na bulaklak.

Dalawang bouquet tuloy hawak ko ngayon. Natawa na lang ako, hindi pa rin talaga sila nag babago.

"May extra flower ka naman pala hindi mo agad sinabi 'kaloka! Red sakin ha" ani farrah,

LOVELUST (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu