2-17

64.6K 818 40
                                    

One week na simula ng makabalik ang magulang ni grey at sobrang close na sila kay gael lalo na ang papa niya. Spoiled na nga ang anak ko eh.

Pero one week na rin ako'ng hindi kinakausap ni grey. pagkatapos namin mag usap ng andito si farrah hindi na niya ako pinansin.

Kinakausap niya lang ako pag kailangan, Pag kaharap lang ang magulang niya.

Naiinis na ako sa ginagawa niya, Bakit niya ba ginagawa yon.

"MA!"

natigil ako sa pag baba ng marinig ko ang sigaw ni grey.

"Ano bang ginagawa niyo sa anak ko?!"

Anak ko? Eto ang unang pag kakataon na narinig ko na tinawag niyang anak si gael,

"What? Ang cute niya naman ha"

Kahit ako ng nagulat ng makita ko si gael habang kumakain ng cake.

Kinuha ni grey yung towel sa gilid ng sofa tapos pinunasan yung mukha ni gael,

"Baka naman maging bakla to pag laki, Tsk!" pinatayo niya si gael tapos hinubad yung suot niyang blue na gown tyaka yung wig. elsa?

"Eh ikaw nga ginaganyan kita noon, Hindi ka naman naging bakla! Leyla bagay naman kag gael diba?"  Ngumuso ang mama niya.

Napakamot ako sa ulo ko sabay tango, Ganto ba talaga siya?

"See?"

"Tsk. childish"  Bulong ni grey

"Bigyan niyo na kasi ako ng babaeng apo," Mukhang nalungkot naman ang mama niya.

Uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Parang andali lang gumawa ng bata eh

"I'm leaving." Paalam ni grey pagkatapos niyang bihisan si gael. Ginulo niya muna ang buhok nito bago umalis.

Sumunod ako sa kanya.

"Nag almusal ka na ba?" tanong ko.

"Hindi pa, Sa trabaho na lang."

"Anong oras ka uuwe?"

"I don't know " Tumigil ako sa paglalakad, Kausap ako ng kausap sa kanya pero hindi niya ako tinatignan. Naiinis na talaga ako sa akto niya.

"Grey" Hindi niya ako pinansin  diretso lang ang lakad niya papunta sa kotse niya. bwiset!

Hinawakan ko ang braso niya bago siya makasakay sa kotse niya.

"Ano bang problema mo?" Inis na tanong ko.

"Wala." sagot niya pero hindi niya pa rin ako tinitignan.

"Wala? Eh bakit ganyan ka? Bakit hindi mo ako kinakausap..Ni hindi mo ako tinitignan...Nakakainis ka na!" Feeling ko sasabog na ako inis na nararamdaman ko sa kanya. Binaba niya ang tingin niya sakin.

"Hindi kita maintindihan leyla. Pag lapit ako ng lapit sayo lumalayo ka. Ngayon hindi kita pinapansin naiinis ka, Ano ba gusto mo?" Seryosong saad niya habang nakakunot ang noo niya. Natigilan ako. binitawan ko ang kamay niya tapos yumuko.

Ano nga bang gusto ko? Naguguluhan na rin ako sa sarili ko.

"I asked you start over, but you walk out from me. Ayaw mo ba maayos tayo?"

"A-akala mo ba ganon lang kadali yon?" tinignan ko siya,

"I said I'm sorry and I regret it all. Ano pa bang gusto mong gawin ko..Bakit hindi na lang tayo mag move on at kalimutan lahat yon? shit.. walang mangyayari satin kung paiikutin mo yung buhay natin sa nangyari na leyla.." gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko.

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now