2-19

67K 770 7
                                    

"I like this one leyla, What do you think?" Tanong ni mama, Mama ni grey habang nakaturo sa mga dessign ng wedding gown.

Iniwan samin kahapon ng dessigner yung mga dessign na yon para makapili daw kami. Next month na gaganapin ang church wedding namin tapos next month birthday naman ni gael. Mas gusto ko pang pag handaan yon kesa sa kasal na ito eh.

kung hindi lang talaga mapilit si mama hindi ko gagawin to, pati pag tawag ko ng mama sa kanya sapilitan din.
Hindi naman sa ayaw ko, Hindi lang ako sanay. Hays!

"Maganda po.." sagot ko, kinuha niya ang isa pang dessign ng gown.

"Pero parang mas okay to eh, uhmm..." nag isip siya habang palipat-lipat ng tingin sa dalawang hawak niya. Hinayaan ko na lang siya.

Tumayo ako upang mag tungo sa kusina, Kumuha ako ng tubig at uminom.

Nakakapagod pala gawin to, ang daming gusto ng mama niya kaya nahihirapan rin ako, kung saan-saan niya pa ako dinadala.

"Tired?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni grey sa likod ko at ang pag hawak sa balikat ko.

Tumango ako sa kanya.

"Pagbigyan mo na lang," saad niya tapos tumawa.  Kinuha niya ang basong hawak ko at uminom doon.

Namula ang pisngi ko saginawa niya pero kinalma ko ang sarili ko.

"Si gael tulog na ba?" Tanong ko.

Sa dalawang linggong lumipas masasabi ko na okay na kami. Hindi naman sa okay na kami na ulit. Parang mag asawa na talaga kami,

"Yeah. kaya matulog na rin tayo" tumaas baba pa ang kilay niya habang nakatingin sakin. Napailing ako sa kanya.

Minsan sweet siya sakin pero madalas ang manyak niya. Hindi na siguro talaga mag babago yon. Tsk!

"Mauna ka na, para magising ka rin ng maaga. dalawang linggo ka na hindi pumapasok ha" saad ko. Grabe siya lagi niya na lang sinasabi sakin na...

"Bahala na si green don" diba? tsk!

"Hindi naman porke kayo ang may-ari non ganyan ka na, tsk! May responsibilidad ka rin don no" pinag patong niya ang dalawang braso niya at sumandal sa ref.

"Alam ko, pero may responsibilidad din naman ako sa inyo ni gael. Family first" ngumiti siya sabay hahawak sana sa bewang ko pero nilayasan ko siya.

Family first ha..

"Oo na grey." Naramdaman ko na nakasunod siya sakin. pero nakangiti ako. Masaya ako marinig sa kanya na kami ang priority niya..

"Matulog na tayo, hayaan mo na si mama dyan." Sabi niya pa pero hindi ko na siya pinansin. Nang makarating kami sa sala Umupo ako sofa katabi ng mama niya.

"Ma matutulog na kami." Saad niya sa mama niya.

"Matulog ka na, leyla look..eto na lang kaya?" Pinakita niya sakin ang hawak niya.

"Sige po.."

"Ma naman eh!" Sabay kaming napatingin sa kanya.

"Matulog ka na kung matutulog ka, shoo!" ani mama sabay tingin sa hawak niya.

"Baliw talaga ang anak ko..." bulong niya..
"Magandang kulay nito cream, diba?" Umalis si grey na may binubulong, natawa ako sa kanya. Mag kaugali silang mag-ina eh
pero para silang aso't pusa't kontrahan ng kontrahan eh! Sa pagsunod lang kay gael sila nag kakasundo.

Hindi kagaya ng papa niya, sa unang tingin iisipin mo strikto siya. pero napakabait naman pala.

Napalingon ako kay mama ng maramdaman ang paninitig niya sakin.

"B-bakit po?" Nakangiti siya sakin.

"Wala naman, tingin ko lang okay na kayo ni grey..Masaya ako dahil don."  umiling siya pero nakangiti pa rin na binalik niya ang tingin sa hawak.

"M-medyo okay na nga po kami.." nahihiya kong sagot sa kanya. Hindi ko alam na napapasin kami ni mama. Eh si papa kaya?

"Masaya rin ako dahil pumayag ka, na pakasalan ang anak ko..and I know he's happy too.." saad niya pa, Natigilan ako, parang ibang tao talaga siya ngayon kumpara noon.

"I know you think that I'm a bad person..but I did that for my son..For him to be happy.." saad niya pa, pero hindi ko siya naintindihan. naguluhan ako sa sinabi niya.

"Ano pong ibig niyong sabihin..hindi ko po kasi naintindihan.." huminga siya ng malalim.

"Wel..you see I'm a jolly person..Unlike sa first meeting natin..feeling ko nga kontrabida ang tingin mo sakin eh," tumawa siya.

Totoo pakiramdam ko talaga sa kanya kontrabida, paano bigla na lang siyang dumating tapos sasabihin niya na kukunin ang anak ko pag hindi ko pinakasalan si grey. Ilang araw rin ako nag isip kung ano ang gagawin ko non eh,

"Ginawa ko lang yon para sa anak ko.. and he asked me too.." tumawa ulit siya. Pero ako nagulat sa sinabi niya.

he asked me too? Anong ibig niyang sabihin?

parang natigilan siya ng makitang nagulat ako sa sinabi niya. Huminga siya ng malalim at seryoso akong tinitigan.

"Leyla.." nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Wag ka sana magalit sa anak ko sa sasabihin ko.. Ayokong sabihin ito pero baka pag mas matagal mo pang malaman mas magalit ka..." huminto siya saglit parang nag aalangan siya kung itutuloy ba ang sasabihin.

"Pinakiusapan niya akong gawin yon. Para matakot ka at pakasalan siya. He plan it everything..yung pag sulpot ko don, yung pananakot sayo..yung pagkuha kay gael plano niya lahat yon...At first, I don't want to do it. but he's desperate...pero naintindihan ko siya.. gusto niya lang na makasama kayong mag ina niya dahil mahal niya kayo.. I'm sorry leyla, gusto kong maging honest sayo kaya sinabi ko to, but please..don't be mad at him. ginawa niya lang yon dahil gusto niyang makasama kayo ng anak niyo..."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tinignan ang kamay ko na hawak niya.

hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Plano?

Planado niya lahat to ganon? shit!

Pakiramdam ko naloko ako

Pero..

Naramdaman ko na mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. kaya napatingin ako sa kanya.

Sumikip ang dibdib ko ng makitang may butil na ng luha ang kanyang mata..

Nasasaktan ako na makita ang mama niya sa ganitong itsura.

Simula ng magkita ulit kami puro kabutihan na ang pinakita niya sakin.. ayokong masaktan ang mama niya.

Pero niloko nila ako, Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Naloko ako pero hindi ko makuhang magalit.. bakit ganito?

"Leyla..are you mad..please don't be mad...please.." kitang-kita ang pag mamakaawa sa mukha niya.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"H-hindi po ako galit..nagulat lang po talaga ako.." ngumiti ako sa kanya.

"T-Talaga! ..You scared me" ngumiti siya kasabay ng paglaglag ng luha.
"I almost regretted that I told you that.." napahawak siya sa dibdib niya sabay hinga ng malalim.

Siguro nga mas maganda na maaga kong nalaman yon.. at siguro nga ginawa lang ni grey yon para makasama kami ni gael..dahil mahal niya kami...hindi ko kailangan na magalit dahil don, nakaraan na rin yon..

Ngumiti ako,

"Salamat po..." Saad ko ngumiti rin siya sakin.

"Sige na matulog ka na at sundan niyo na si gael! gusto ko na talaga ng grand daughther!" pag iiba niya ng usapan na tinawanan namin pareho.





--------

2DAYS NA LANG PASKO NA! GIFT KO! XD

VOTE AND COMMENT!


GreenMasCARA

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now