14

91.6K 917 5
                                    

"Kanina pa tawag ng tawag ang lola mo hija" sabi agad ni manang ng makababa ako sa kotse ni grey,

"H-ha..Oho." sagot ko, Pakiramdam ko naka-hiwalay ang kaluluwa ko sakin ngayon.

"Wag kang mag alala, Hindi ko sinabi na hindi ka umuwi ngayon. Tsk tsk! kung sinabi ko malamang andito na ang matandang yon." ani manang na umiiling-iling. Napatigil ako sa pag lalakad paakyat ng harapin niya ko.

"Hindi ko itatanong kung saan ka nang galing hija. Sa susunod lang mag paalam ka ng maayos sa lola mo ng hindi siya nag aalala. Naiintindihan mo ba?" nahihiyang napatango na ako.

"P-pasensya na po." tumango siya bago pumasok sa sarili niyang silid. Patay talaga ako kay lola nito! Ano bang idadahilan ko sa kanya?

"Ala-una pero ngayon ka lang nakauwi. Nakailang round ba kayo?" Salubong ni farrah sakin pagbukas ko ng pinto, Nadapa siya sa kama niya katabi si loisa habang kumain ng chit-chirya.

"H-ha?" Anong round ang sinasabi niya? narinig ko ang pag tawa ni loisa, "Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko kay loisa, habang papalapit sa kama ko.

"Dito ako natulog, Wala ka naman kasi," nang-aasar ang tono ng boses niya, Umayos sila ng upo sa kama paharap sakin.

"So? anong nangyari sa inyo ni grey?" naka patong ang dalawang brasong tanong ni farrah sakin. Dahil don naalala ko ang nangyari kanina sa kotse niya.

"You didn't answer my questioned." napalingon ako sa seryosong tono niya. Galit ba siya?

"H-ha?"

"Never mind." sagot niya tapos tahimik nang minaneho ang sasakyan.

Nakita kong dadaanan na namin ang esklelahan namin, Pakiramdam ko tuloy napaka-bilis lang ng byahe namin. Inabot ko ang seatbelt ng huminto kami sa tapat ng dorm.

"Salamat sa pag hatid ha." umamba na kong bababa pero nagulat ako sa sinabi niya.

"Wala man lang kiss.." naramdaman ko ang paginit ng aking pisngi. d

"A-ano?" kiss? tinuro niya ang pisngi niya habang ngiting-ngiti sakin.

"T-tigilan mo nga ako.." shit! Ayan na naman siya! Sana tahimik na lang siya katulad kanina.

"What? Kagabi nga kung makahalik ka sakin wagas eh!"

"S-inungaling.." ano bang pinagsasabi niya? wala akong maalala na nag k-kk.. Shit!

"Totoo kaya, Sabi mo pa mahal mo ko,"

"E-ewan ko sayo!" nanigas ako sa pag kakaupo ko ng lumapit ang mukha niya sakin.

"Totoo lahat ng sinasabi ko," Seryosong sabi niya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang paghinga niya..
"Except don sa hinawakan ko yung boobs mo ha, Niloloko lang kita non." naiilang ako sa paraan ng pag tingin niya sakin kaya tinulak ko siya ng bahagya.

"O-oo na.. lumayo ka na." Pero imbis na lumayo siya mas lumalapit pa siya sakin.

"T-teka nga.." halos madikit na ko sa upuan kakaiwas sa kanya. Eto na ba ang first kiss.. teka nga! Shit talaga!

Sobrang lapit na talaga ng mukha niya kaya napapikit na ko,

Tok tok tok!

Natulak ko kaagad siya ng marinig ang katok na yon sa bintana ng kotse. Kinabahan lalo ng makita si manang na nasa labas. Nakita niya kami? Binuksan ko kaagad ang pinto para bumaba,

"Manang.."

Sobrang hiyang-hiya ako non. Pero hindi naman pala kami kita sa labas ni grey kaya nakahinga ako ng malalim. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong maniwala sa pinagsasabi niya sakin..

"Hoy! Tulala ka na!" napakurap ako ng maramdaman ang pagtama ng unan sa mukha ko.

"Hahaha! Mukhang hindi pa nakaka move-on si Virgin sa nangyari! masakit ba?" ani loisa na kanina pa ako tinutukso.

"W-walang nangyari noh! Ano bang pinagsasabi niyo.." binato ko pabalik ang unan sa kanila. Teka.. Alam nila na kasama ko si grey?

"Bakit alam niyo'ng kasama ko si grey?..Iniwan niyo na naman ako!" naka-kunot noong sagot ko. Mga babaeng to! bakit kasi hindi pa ako nadadala sa kanila at sama pa ko ng sama! Kung ano-ano tuloy nangyayari sakin.

"Excuse me?..Hindi ka namin iniwan noh! Sinasama ka namin pauwi, Ikaw tong ayaw bumitaw kay grey, Puro ka ilove you grey bakit hindi mo ko pinapansin" ani loisa na parang may ginagaya. "Grabe! hindi ko alam na ganon ka pala mag tatapat ng feelings mo sakanya.." dagdag pa niya. Pakiramdam ko nanigas ako sa kama dahil sa sinabi niya..

"And you know girl? you're so digusting! Sinukahan mo si papa grey! Grabe ka!" ani farrah na mukhang nangdidiri nga, Sinukahan ko siya? Shit! Bakit ba hindi ko maalala lahat yon? totoo ba talaga yung sinasabi niya! Shit! nakakahiya! gusto kong magpagulong-gulong sa kama ko ngayon at mag sisigaw! Paano kung hinalikan ko talaga siya! Double shit! Nakakahiya ka leyla! Hindi na talaga ako iinom kahit kailan.

*****

Monday na naman kaya may pasok! hindi ko alam kung paano ko haharapin si grey ngayon dahil sa mga kahihiyan na ginawa ko. Pakiramdam ko mababaliw na ko!

"Dalian mo na girl!" ani farrah habang nag bibihis. Tulala pa rin ako sa kama ko at hindi pa naliligo. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinabi nila nung sabado. Bahala na nga! Tumayo na ko para mag ayos na..

Pagdating sa school halos mag matang lawin ako kakatingin sa paligid ko, Baka biglang sumulpot si grey eh. mabuti na ang handa,

"I'll see you later then." napatigil ako sa pag akyat ng hagdan ng marinig ko ang boses na yon. Boses ni grey yon ha!

"Sure grey," malandi ang tinig ng boses na narinig ko. Hindi pa nag sisimula ang klase may kalandian na agad siya! Grabe talaga!

Mabilis ang lakad na tinuloy ko ang paglalakad ko, Hindi ko na talaga papansinin ang grey na yan!

"Uh..Leyla!" narinig kong tawag niya, pero hindi ko pinansin. Manigas ka! naramdaman ko ang pag akbay niya sakin. "Na miss mo ba ko?" tanong niya pa. "Silent treatment huh!" tumawa siya. "Sumama ka sakin mamaya." hindi ko alam kung nagyayaya ba siya o inuutusan ako, Mamaya? Akala ko ba may usapan na sila ng malanding babae kanina?

"Ayoko." sagot ko na hindi siya tinitignan. Huminto siya bigla kaya napahinto rin ako,

"Hahantayin kita sa labas mamaya," Nasa tapat na pala kami ng room ko, Hindi ko napans--

Tsup..

Hinalikan niya ko?! pero bakit..

Sa pisngi lang?!

One month akong hindi mag hihilamos! Teka nga leyla! Ano bang sinasabi mo? Singit ng isang parte ng isip ko, Sinampal-sampal ko ang dalawang pisngi ko bago huminga ng malalim.

"Nababaliw na talaga ako.."

****

GreenMasCARA

LOVELUST (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα