10

94.2K 1K 29
                                    

Nakayuko ako habang papasok sa Eskwelahan. Alam ko para na kong baliw ngayon. Sana lang talaga wag ko siyang makita!

"Hoy!"

"Puke mo!" Nakatingin ng nakakaloko si farrah sakin, Bakit ba nakalimutan kong kasama ko ang babaeng to.

"Bastos mo na girl ha!" tumawa siya ng mahina, "Sino bang pinagtataguan mo? masyado kang halata eh" dagdag niya.

"W-Wala ha!" papasok na kami sa loob ng building nang mapatakbo ako palabas.

"Shit!" ang malas ko talaga!

"Leyla saan ka pupunta?" narinig kong sigaw ni farrah pero hindi ko pinansin. Inikot ko ang building para sa likod na lang dumaan, Grabe!

Nakahinga ako ng matapos ang tatlong klase ko na hindi ko na siya ulit nakita, Buti na lang, Naglakad agad ako papunta ng cafeteria, at nakita ko naman agad si farrah na nakatingin ng masama sakin, Ano bang problema niya?

"So bakit mo tinataguan si grey?" tanong niya pag upo ko pa lang. Hindi man lang ako inalok ng pagkain eh!

"Bakit ko naman tataguan yon?" Umakto akong nagtataka para hindi niya ko mahalata.

"Obvious ka na girl, Wag ka ng mag-deny!" singhal niya sakin.

"Hin-"

"Gusto kong maglasing ngayon" napalingon kami pareho sa biglang umupo,

"Why naman girl?" Buti na lang dumating bigla si loisa, halatang nacucurious si farrah sa sinabi niya kaya napahinga ako ng malalim,

Hindi ko kayang sabihin sa kanya yung nangyari samin ni grey, Nakakahihiya kaya! Isipin niya pa malandi ako, Hindi nga ba? shit!

"Buntis ako." sagot ni loisa.

"WHAT?!"

"Ha?!"

Sabay na sigaw namin ni farrah.

"Girl naman ang mura lang ng Condom, Bakit hindi ka makabili!" Ani farrah ng maka-recover siya sa gulat, Condom?

"A-ano nang gagawin mo ngayon?" tanong ko, ang bata niya pa para magkaron ng baby, Grabe naman,

"Kaya nga! kanino ka ba kasi bumukaka? pananagutan ba?" tanong ni farrah na halatang nag aalala rin.

"Hahahaha!"

Nagulat ako sa biglang pagtawa ni loisa, pumapalakpak pa siya na parang baliw o nababaliw na talaga siya?

PAK!

"Aray naman"

"Anong nakakatawa? nababaliw ka na bang gaga ka?" ani farrah pagkatapos niyang batukan si loisa,

"Masakit yon ah!" tinuro niya si farrah "Hindi ako buntis noh! seryoso niyo kasi kanina, ano bang meron?" Sabi niya pa, tama bang gawing biro yon? Ewan ko na lang pag nabuntis talaga ang babaeng to!

"Gaga ka!" umambang babatukan niya ulit si loisa bago tumingin sakin "Well eto kasing virgin natin mukhang may tinatago." nagulat ako ng batuhin ako ng kung ano ni farrah. Shit! ako na naman ang topic!

"W-wala n--"

"Why bakit?" tanong ni loisa,

"Halata kasing tinataguan niya si grey kanina."

"Baka tumuwad na, Hahaha!" ani loisa,

"Oy hindi--"

"Speaking of grey, ayun siya oh." kinabahan agad ako sa sinabi ni loisa kaya napayuko ako sa lamesa. Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko pero wala naman siya.

Pagtingin ko sa dalawa nakita ko ang nakangisi nilang mukha. Double shit!

"See."

"So tumuwad ka nga"

Sabay na sabi nila, Tuwad agad? Grabe talaga bibig nila, parang mga hindi babae kung magsalita eh!

"H-hindi nga.." mahinang sabi ko,

"Sus! Swerte mo nga eh! Ilang taon ko nang pinagnanasaan yon pero ikaw, Wala pang buwan natikman mo na" Napailing na lang ako sa sinabi ni loisa, Hindi ko alam kung baliw ba sila o baliw lang talaga, Puro kabastusan na lang ang alam nila, Imbis ata na pag aaral ang matutunan ko dito eh puro kalaswaan ang matutunan ko, Makabalik na nga lang sa probinsya namin!

"Anong oras ba susunod na klase niyo?" pag iiba ko ng usapan.

"Mamaya pa, Kaya wag mong ibahin ang usapan girl." sagot ni farrah.

"Ewan ko sainyo. Mauna na ko," tumayo na ko para malayasan ang dalawang berde ang utak.

"Pikon!" napairap ako kay farrah bago tuluyang umalis, Narinig ko pa ang tawanan nila, Kaasar sila ah!

dumitretso ako sa hagdanan dahil sa third floor ang susunod kong room, mamaya pa naman ang klase ko kaya lang hindi ko na sila matagalan, Mamaya mapilit nila ako, makwento ko pa ang kahalayan ko kagabi! shit lang.

Kinabahan agad ako ng makita ko ang tatlong pababa ng hagdanan, Shit! Sana pala hindi na ko umalis ng cafeteria.

"Tigilan mo nga ako Violet."

"Kj mo talaga Green! Tayo na lang Grey, dalawang round lang."

"Pass muna ako, Mauna na kayo." Napatigil ako sa pagakyat dahil sa pag harang niya.

"Psh! babae na naman." umirap yung babae bago lumagpas samin.

"hindi ka ba nakokonsensya sa ginawa mo sakin kagabi?" tanong niya agad, naramdaman kong uminit ang mukha ko, Shit! ayoko na nga maalala yon eh!

"B-bakit ako makokonsensya? wala naman akong ginawa sayo ha.." titig na titig siya sakin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Ayon na nga eh. Wala ka kasing ginawa sakin. Sumakit tuloy puson ko." Bakit ba napaka prangka niya magsalita?

"Bakit ba puro kabastusan ang alam mo?" nakasimangot na tanong ko bago siya lagpasan pero hinawakan niya bigla ang braso ko,

"Tigi--"

"Bakit ba napakapakipot mo. Pero kagabi kung makaungol ka halatan--AHH SHIT!" Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya sinuntok ko siya sa mukha!

"Sadista ka talaga! ahh shit dugo!" medyo nakayuko siya habang nakatingin sa palad niya, at gulat na gulat siya, Naawa ako ng makitang tumutulo yung dugo sa ilong niya pero..

"Bagay lang sayo yan!" sigaw ko bago tumakbo paakyat.

"YAHH!"

Ewan ko sayo! Mamatay ka sana sa nosebleed na yan! shit ang sama ko na!

Sorry po lord joke lang yon..

*****

KailynAlday22

prettyMeindisguise

Eto na po ang update,
SABAW ba? Dedicate sana kaya lang Cellphone lang gamit ko eh. XD

VOTE and COMMENT PO XD


GreenMasCARA

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now