EPILOGUE/PROLOGUE

82.2K 827 36
                                    

FIVE YEARS LATER...

"Tao po!" Kanina pa ako kumakatok sa gate ng malaking bahay na to pero walang lumalabas, May nakatira pa ba dito?

Ginala  ko ang paningin ko sa buong paligid, Halos walang pinag bago ang lugar, ganon pa rin.

Limang taon na ang lumipas, Parang kailan lang kumakatok din ako sa gate na ito para dito manirahan ngayon andito na naman ako.

hindi ko inakalang babalik pa ako dito. Sa lugar na na tinakasan ko noon, Para makalimot..

Tatlong buwan na ang nakalipas nang malaman kong may brain cancer ang lola ko, Biglaan ang lahat at hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap yon.

Para magamot si lola kinailangan kong isangla ang lupa nami don, Pero parang lalo lang siyang lumala ng sinimulan na ang pag gamot sa kanya.. Nanghina ang katawan niya hanggang sa hindi na niya kinaya..

Isang linggo na, Isang linggo na simula ng iniwan niya ko..

Wala na siya..

Wala na ang tumayong Ina,Ama,Lola, at kaibigan ko sa loob ng twenty-five years.. Wala na.. hanggang ngayon hindi ko matanggap yon..

Sobrang sakit..

Kaya binenta ko na ang ng tuluyan ang lupa namin at bumalik sa maynila..

"Ineng, Wala ng nakatira diyan," Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ang tinig na yon.

"Ganon po ba, Alam niyo po ba kung nasaan na po ang kahera dito dati?" tanong ko.

"Hindi ko alam iha eh, Ilang buwan na rin simula ng umalis ang mga tao diyan." sagot ng matandang babae.

"Ganon po ba, Maraming salamat po.." kinuha ko sa maleta ko ang backpack at sinuot sa likod ko sabay hila sa maleta.

Hindi ko alam kung saan ako maninirahan ngayon dito. Ayaw ko man na umalis ulit sa probinsya namin pero kailangan.. Hindi ko kayang manatili don, Lahat ng alaala ni lola andon, lahat.. at hindi ko kaya yon.. hindi ko pa kaya..

Huminto ako sa paglalakad para tignan ang malalaking building sa loob ng malaking gate. Lahat ng alaala sa lugar na ito bumabalik sakin.

"Oxford University.." ngumiti ako ng may pait. Limang taon, Pero hanggang ngayon malinaw pa rin sakin ang mga nangyari..

Umalis ako para makalimot pero paano ko gagawin yon kung...

"Nanay na gugutom na si gael.." Napalingon ako sa batang nakahawak sa kamay ko habang nakayakap sa stuff toys na panda.

Kung sa bawat pag tingin ko sa kanya nakikita ko siya..

"Kakakain lang ni gael diba? bakit gutom agad?" natatawa kong tanong.

"Gutom na si gael," nakanguso niyang saad, apat na taon pa lang siya pero matatas na siyang magsalita, Sobrang kulit pa..

Dahil sa kanya kaya pinag titibay ko ang loob ko, Kung wala siya baka sumunod na ko sa lola ko,

"Oo na, Ano bang gusto ni gael?"

"Jabee!" Tumalon-talon siya, Excited masyado.

"Jabee na naman.." bulong ko, Tsk! Kailangan kong tipirin ang perang nakuha sa pag benta ng lupa namin, Maliit lang yon dahil malaki ang naging utang namin dahil sa pag papagamot ni lola, Kailangan pa namin mag hanap ng matitirahan ng anak ko, Hindi ko alam kung saan kami matutulog ngayon.

May malapit na jollibee sa lugar na ito, Doon ko dinala si gael para kumain, Napangiti ako ng makapasok ako sa loob, Unang punta ko dito siya ang kasama ko..

"Ano bang gusto ni gael?" binuhat ko siya. Ang takaw takaw niya pero ang payatot naman.

"Uod!"

"Spaghetti po hindi uod, Ikaw talaga.." ngumuso na naman siya.

"Nanay kamukha ng uod sa Bakuran yon eh" natawa ako sa kanya. Puro uod kasi nakikita niya sa kubo namin dati, Mga pataba ni lola, kaya nung nakakita ng spaghetti uod daw, Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Habang kumakain siya isip ako ng isip kung saan ba kami pupunta ngayon, Maya-maya rin ang punas ko sa bibig niya.

Kay manang sana muna kami tutuloy habang wala pa kaming mauupahan pero wala na pala sila,

Nasan kaya si farrah at loisa? Kamusta na kaya sila?

Wala na kong balita sa kanila simula ng umalis ko, Pinutol ko lahat ng ugnayan namin,
Hindi ko alam kung galit ba sila dahil sa pag alis ko ng walang paalam,

Napahinga ako ng malalim, Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon..

Natatakot ako,

Paano kung makita ko ulit siya..
Paano kung makita niya si Gael..

Anong gagawin ko..

Tama ba na bumalik ako dito kasama ang anak ko...

Anong mangyayari samin ng
anak ko dito sa maynila..

Paano kami ni gael ngayon..

Ang daming tanong ang gumugulo
sa isip ko na wala pang kasagutan...

LOVELUST 2NDHALF

PROLOGUE


*****

A/N

Hindi ko pa alam kung kailan ko i-pa-publish ang Unang part, Pero gagawin ko na XDXD

Guys pahingi ng feedbacks sa prologue ko, Kahit may critics okay lang, need ko lang malaman mga reaction niyo salamat po XD


VOTE AND COMMENT

GreenMasCARA













LOVELUST (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें