2-23

68.7K 684 9
                                    

'Leyla I love you'
'Leyla I love you'
'Leyla I love you'

Paulit-ulit kong naririnig ang sinabi niya kagabi. Para akong tanga na bigla na lang tatawa tapos matatahik. Yon ba talaga ang sinabi niya o mali lang ang rinig ko? Nakakabaliw!

Pagkatapos kong marinig sa kanya yon natahimik ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Na blangko ang isipan ko. Hindi ko inakala na bigla niyang sasabihin sakin ang mga salitang yon.

"Uh.. Sa kwarto na lang ako matutulog. Goodnight" mabilis siyang tumayo at lumabas ng kwarto. Naiwan akong nakatulala.

Ngayon, maliwanag na sa labas pero ayoko pa ring lumabas sa kwarto. hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Sa sobranh gulat ko, hindi ko siya nakausap ng maayos.

Tinatamad na bumangon ako sa kama at dumiretso sa CR.

Hindi pwedeng magkulong ako mag hapon sa kwarto na ito. kailangan pa namin mag usap.

Lakas ng kabog ng dibdib ko habang bumababa ako ng hagdan, pero dumaan na ako sa sala at nasa  kusina na ako, hindi ko pa siya nakikita.

"Tulog pa siya?" Bulong ko habang iniikot ang paningin sa buong kusina. Sana pala sinilip ko muna---

"Sino?" Napalundag ako sa gulat ng magsalita siya, lilingon na sana ako pero nilagpasan niya ako bigla. Tumambad sakin ang basang likod niya na walang damit.

Kalma leyla. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Anong nangyari sayo?" Takang tanong ko. Tumaas ang isang kilay niya. Hindi naman umuulan pero bakit basa siya?

"I'm cleaning the pool. medyo marumi na" sagot niya. Umiinom siya ng tubig. "Kumain ka na, nagluto ako 'malapit na rin ako matapos." Ngumiti siya bago umalis sa harap ko kunot noo ko siyang sinundan ng tingin.

"Ano na naman trip yan?" Umiiling na saad ko habang nakasunod sa kanya.

"Marumi nga kasi 'tumawag si mama kanina at mukhang nahihiligin daw ni gael ang pag swi-swimming. Tuturuan ko siya pag balik nila kaya nililinis ko" kumindat pa siya sakin bago bumaba sa pool na wala ng tubig ngayon.

Pinagmasdan ko lang siya habang seryoso siya sa paglilinis 'todo is-is talaga ang ginagawa niya.

"Tama na yan grey! Mukhang malinis na eh!" Tawag ko sa kanya ng mainip ako sa kakahintay na matapos siya. Medyo mainit na rin kasi. Hindi siya sumagot kaya naisip kong bumaba na rin sa pool.

"Gre--AHHH!"

"Ohh!"

naramdaman ko kaagad ang pagkabasa ng short ko. Shit! Malas naman! "Ahh...' Ang sakit.." Daing ko habang tumatayo.

"Pfft--Okay ka lang?" Tinignan ko siya ng masama.

"Ang sama mo! Nadulas na nga ako 'Tatawa ka pa!" Asik ko sa kanya. Akala ko ba mahal niya ko? Tsk! 'May pa iloveyou-iloveyou pa kagabi ' bulong ko. Nainis talaga ako sa pag-tawa niya sakin.

"Alam ko hindi ka naniniwala sakin, 'But, I really love you leyla..." Natigilan ako sa pag lalakad. Parang biglang nawala yung sakit ng pwet ko sa sinabi niya. Kanina ko pa talaga gustong itanong sa kanya to.

"T-totoo?" Nanginig ang boses ko.

"Totoo" tumango siya. "Please marry me again" pakiramdam ko uminit ang sulok ng mga mata ko. Naiiyak ako sa sobrang sayang nararamdaman ko.

"I-ikakasal na ulit tayo diba.. " Tumulo na nang tuluyan ang luha ko.

"Gusto kong mag propose sayo" pinusan niya yung luha sa pisngi ko."This time, let me show you how much I love you leyla" hinawakan niya ang parehong pisngi ko "And how much I lust you. 'Kaya be ready" nag akyatan yata lahat ng luha ko pabalik dahil sa sinabi niya.

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now