18

87.5K 779 6
                                    

"Leyla," Naramdaman ko ang mahihinang tapik niya sa pisngi ko,

"Uhmm?" kinusot ko ang isang mata ko, Grabe ang sakit ng katawan ko, Lalo na sa baba.

"Seven na, May pasok pa tayo, bumangon ka na" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sinabi niya. Shit!

"Bakit ngayon mo lang ako ginising?" Nakatingin lang siya sakin habang may ngiti sa labi.

"I love the view," View? napatingin ako sa sarili ko, At don ko nalaman kung anong view ang sinasabi niya!

"Shit!" agad kong hinigit yung kumot patakip sa katawan ko, Nawala sa isip ko na wala pala akong saplot ngayon! Nakakahiya! "L-lumabas ka muna..Mag bibihis lang ako.." pero imbis na lumabas Humiga pa siya sa kama, Ang paa niya ay nasa gilid, habang ang kamay ay nakapatong sa side ng ulo niya.

"Mag bihis ka," Hinawakan niya ang dulo ng kumot na hawak ko,

"B-bakit ngayon mo lang ako ginising?" sabay hawi ko sa kamay niya,

"Ang sarap ng tulog mo kaya, hindi na lang kita ginising." tinignan niya ko ng seryoso, "Are you okay? masakit ba?" Bumalik sa alaala ko lahat ng nangyari kagabi, namula ang pisngi,

"M-medyo.."

"Kiss ko para mawala agad!" Lumapit ang ulo niya palapit sa legs ko pero tinulak ko kaagad ang ulo niya.

"T-tigilan mo nga ako!"

"Pakipot ka talaga masyado!" sabi niya habang tumatawa, Good mood na naman ang bastos na to. Tinignan ko siya ng masama. "Oo na, Dito ka muna, Ihahatid na lang kita mamaya." umiling agad ako,

"Papasok ako,...Labas na,"

"Bahala ka.." Tumayo siya."Ayaw mong sabayan kitang maligo?" Sumilay ang pilyo niyang ngiti.

"L-labas na!" tumawa siya, pero sinunod ang sinabi ko.

Pagpasok ko ng banyo nakita kong nakasabit sa gilid ang uniform kp.

"Nilaban niya?" Napangiti na lang ako at mabilis nang na ligo,

"Nag order ako ng pagkain, Kumain ka muna," sabi niya paglabas ko ng kwarto,

"Sa dorm na lang," pilit kong tinutuwid ang blouse ko gamit ang palad ko, "Salamat pala sa paglaba ng uniform ko," nagkibit-balikat siya.

"Tara na," hindi manlang ako pinilit na kumain. Tsk!

Naiilang ako habang nasa loob ng kotse niya, Ang tahimik niya tapos paulit-ulit kong naaalala yung nangyari kagabi, Mababaliw ako nito eh,

"Sabi ko sayo wag ka nang umuwi eh," nagulat ako sa biglang pag sasalita niya.

"H-ha?"

"Parang ayaw mo ng bumaba eh," don ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng dorm, Shit! bakit ang bilis naman?

"S-sige, Salamat.." bumaba ako,

"I'll see you later." Ngumiti siya pag tango ko,

"Bye.." saad ko bago siya umalis, Napahinga ako ng malalim, Takot at lungkot, yan ang naramdaman ko pag aalis niya. Natatakot ako na baka iwasan na niya ako, Nalulungkot ako na hindi ko alam kung bakit. Ano na ba kami ngayon? Boyfriend ko na ba siya.

Mabilis akong tumakbo paakyat ng hindi ko nakita sa sala si manang. Pagbukas ko ng kwarto mapanuring tingin ni farrah ang sumalubong sakin.

"Goodmorning." Saad niya.

"G-goodmorning.." Nakayuko akong naupo sa kama ko,

"So, sa bahay ka ni grey natulog." siguradong saad niya.

"H-hindi ah!" inirapan niya ko,

"Safe sex ba ang ginawa niyo?" halata bang may ginawa kami o hinuhuli niya lang ako? Hindi ko na lang siya sinagot.

"H-hindi ka pa ba mag aayos?" pag iiba ko ng usapan, Nakaramdam ako ng kaba ng makita ang seryoso niyang tingin.

"Leyla, alam ko malaki ka na, pero sana handa kang masaktan sa pinapasok mo," Seryoso niyang saad , tumayo siya at nag unat, "Maliligo na ko girl."

Simula ng makikila ko si farrah puro kalokohan ang sinasabi niya sakin, Nakakapanibago, Na magsalita siya ng seryoso, Pero alam ko nag aalala lang siya sakin. Kahit ako nag aalala na para sa sarili ko, Hindi ko alam kung ano ng mangyayari samin ni grey ngayon..

Pagpasok namin halos humaba ang leeg kakatingin sa paligid,

"Grabe talaga si loisa kagabi girl, Lasing na lasing siya!" ani farrah. Kanina niya pa kinukwento yung nangyari sa kanila ni loisa sa bar na pinuntahan nila, Pero wala akong maintindihan.

"Nag wawala sa dancefloor ang malandi, kung sino-sino pa ang nilalandi, Mukha talaga akong yaya ng gagang yon kagabi!"

"Hindi ba siya papasok?...pero nakauniform na siya kanina ha" bulong ko

"Sure ako hindi, Baka nga tulog pa ang babaeng yon eh!"

"Sino?" tinignan niya ko ng masama.

"Kainis ka naman girl eh! kanina pa ko daldal ng daldal dito, Hindi ka naman pala nakikinig!" inirapan niya ko.

"Sorry farrah,"

"Ewan ko sayo girl,"

Natapos na lahat ng klase ko pero ni anino niya hindi ko pa nakikita. Eto na ba ang kinakatakutan kong mangyare?




******

Short UD XD

GreenMasCARA

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now