12

89.6K 987 12
                                    

Hindi ako makatulog kakaisip sa sinabi ni loisa, Shit! Leyla hindi ka pwedeng ma-inlove sa bastos na yon! Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Naiinis ako sa mga babaeng kasama niya. Naiinis ako dahil hindi na niya ako pinapansin. Naiinis ako kasi...Na mimiss ko na siya. Bakit ko ba nararamdaman to? mahal ko na ba talaga siya..

Nagulat ako ng biglang tumunog ang alarm clock ni farrah. Shit! Alas-otso na agad? tumayo ako para patahimikin yon. Ayokong pumasok!

Ring Ring Ring..

Agad kong kinapa sa ilalim ng unan ang cellphone ko.

Lola calling..

"Aga naman tumawag ni lola," sinagot ko na ang tawag niya.

[Hello po.]

[Goodmorning apo ko,] malambing na sabi niya.

[Morning la,]

[Sige na, Ginising lang kita. Mag ayos ka na at mag sisimula na ang klase mo.] tumawag siya para lang don? ano bang trip ng lola ko?

[Sige po la, Bye..] binaba ko na, Pagkatapos niyang mag paalam, Sinaniban na naman ata ng kapraningan si lola,

Tinatamad akong pumasok kaya halos wala akong maintindihan sa pinagsasabi ng prof. ko,

"Dissmised."

Napaunat ako bago tumayo, Siguradong baksak ang aabutin ko kung patuloy akong hindi nakikinig sa mga lecture namin. Umayos ka leyla! pag aaral ang pinunta mo dito, Hindi kalandian, Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko yan.

"Ano ba grey, nakikiliti ako" napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang malanding boses na yon. Napalingon ako sa gilid ko.

"Grey ano baa," napataas talaga ang kilay ko ng makita siyang may kaharutan sa baba ng hagdan,

"Bwiset" bulong ko bago padabog na nilagpasan sila, Kahit saan pwede na, Makalandi lang ang grey na to! mahulog sana sila!

"Bakit busangot ang face mo girl?" tanong ni farrah habang kumakain kami sa cafeteria.

"Wala," dahil sa eksenang nakita ko kanina hindi na nawala ang inis na nararamdaman ko, Buong klase ko nga kanina nakasimangot lang ako,

"Wala daw, Eh bakit mukhang pinagtaksilan ka ng jowa mo?" tumawa pa si loisa na halatang inaasar ako, "Kaya lang wala ka namang jowa, So sino ang nagtaksil sayo?" dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung bakit parang palagi nilang alam kung may problema ako, Masyado ba kong halata o tsismosa lang talaga sila? Grabe! matutuyo dugo ko sa kanila.

"Ewan ko sa inyo,"

"Si grey ba? Ano inlove ka na nga?" tanong ni farrah na nagpatigil sakin, Siguro nga inlove na ko sa kanya, Hindi siguro ako magugulo ng ganito kung hindi eh.. Napahinga ako ng malalim bago niyuko ang ulo ko sa lamesa,

"Parang gusto kong uminom.." bulong ko.

"Tara!"

"Gora girl!"

Sabay na sigaw, Shit! ayoko pala!

Nagsisi ako kung bakit ko sinabi yon,

"Girl try mo to!" inabot sakin ni farrah ang maliit na baso na parang tubig lang ang laman,

"Ano to?" sigaw ko dahil sa lakas ng tugtug, Akala ko hindi na ko babalik sa bar na ito, Pero wala pang isang buwan nandito na naman ako,

"Tequila," Nilagyan ni farrah ng kung ano ang kamay ko, "Diretsong inom lang, then dilaan mo ang asin na yan, Tas eto, lemon." nilapit niya yung mga lemon sa harap ko na nasa babasagin na mangkok, Ginawa ko lahat ng sinabi niya, Pakiramdam ko may gumuhit sa lalamunan ko tapos sobrang init sa tiyan. Ang sama ng lasa!

"Whooo!"

"Ang sama ng lasa!" parang masusuka agad ako!

"Sa una lang yan, Lalasingin ka namin! but dont worry, Hindi kami manglalaki para mabantayan ka!" nag ok sign pa si loisa sakin.

Hindi daw mang lalaki, Eh wala pa kaming isang oras dito nawawala na siya!.

"Makati talaga ang babaeng yon!"

"Ha?" Hindi ko na masyadong marinig ang sinasabi ni farrah,

"Wala, Shot!" tinaas niya ang basong hawak niya at binunggo sa basong nasa harap ko, Ininom ko yon ng makitang tinungga niya ang hawak niya.

Hindi ko na alam kung gaano karami ang naiinom ko, Umiikot na rin ang paningin ko.

"Faarrah..ShiR tayoo.." Tumayo ako pero napaupo rin ako agad, Shit!

"Ano kaya pa!"

"ShiR tayo!" naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko at inalalayan ako patayo,

Shit! bakit umiikot ang paligid ko? lasing na ba ako,

"A..ray!"

"Okay ka lang?" tumango lang ako bago tinuloy ang pagpasok sa cubicle.

BOGGHSS!

Paglabas ko ng cubicle wala na si farrah,

"Nasyan na yon?" bulong ko bago naglakad, Puro bangga sa pader ang ginawa ko bago makalabas ng cr.

"Grey?" takang tanong ko habang nakaturo sa lalaking nakita kong nakasandal sa pader katapat ng pinto.

"Leyla?"

"Grey nga! tumawa ako habang nakaturo pa rin sa kanya.

"Lasing ka ba?" nagulat ako ng gumalaw siya, pero bigla ring napangiti,

"Grey! namimiss na talaga kita!" Pagewang-gewang akong lumapit sa kanya para yakapin siya, "Nakakainish ka ah! bakit hindi mo ko pinapansyin?!"

"Ha?"

Tinitigan ko siya tapos hinawakan ang dalawang pisngi niya..

"Ahh-mashakit!"

"Hahaha! ang cute mo talaga!" tinanggal niya ang dalawang kamay ko sa pisngi niya at tinitigan ako.

"Ano bang ginagawa mo dito? sinong kasama mo?" Wala akong naintindihan sa sinabi niya basta tinitigan ko lang siya,

"Galit..kaba sakin?..Bakit hindi mo ko pinapanshin?...arawaraw tuloy kitang naiiship nagugulo na ko...kakaiship sayo...Nakakainish ka!!"

Nagulat na lang ako ng maramdaman ang labi niya sa labi ko....

******

BITIN XD

VOTE and COMMENT po.

GreenMasCARA

LOVELUST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon