2-15

68.4K 723 15
                                    

(LEYLA P.O.V)

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ba namin inulit yung zipline hanggang sa mag sawa kami ni grey. Marami kaming pinuntahan. Meron yung parang garden na puno ng ibat-ibang klase ng bulaklak tapos sa puro puzzle na ang gaganda May mga nakalagay pa sa puzzle kung ilan buwan nila ginawa yon. Grabe sa sobrang laki nung iba pakiramdam ko hindi ko matatapos yon eh. tapos last na yung sa people's park. Doon ako pinaka nagandahan. Sobrang nakaka-relax yung lugar tapos tanaw-tanaw pa ang buong tagaytay. Dadalhin ko talaga si gael dito, Ang saya dito eh, pagkatapos namin bumili ng mga pasalubong kay gael

"Gutom ka na ba?" tumango ako kay grey, pababa na kami ngayon para pumunta sa kotse niya. Dahil pataas yung lugar. hindi kinaya ng kotse niya kaya kailangan namin iwan yon. 

"Sa bahay na lang tayo kumain," saad ko sabay tingin sa nag oorange na kalangitan. "Mag gagabi na, baka anong oras pa tayo makauwe eh," dugtong ko,  

Pinatunog niya ang sasakyan niya pagkatpos ay pinag buksan niya ako ng pintuan. 

"Hindi naman mawawala si gael don," saad niya pagkaupo niya sa driver seat.

"Alam ko, hindi mo kasi kilala si gael eh, hindi yon makakatulog ng hindi ako katabi." mag aalas-sais na baka mga eight pa kami makuwe nito. kung hindi pa matraffic yon. paano kung traffic? kahit nagugutom na ako  ayoko naman makita si gael mamaya na maga ang mata. 

"If you told me before that you're pregnant, edi sana kilala ko rin siya diba?" halata ang inis sa tono ng boses niya. Wow ha! ako nga ayaw niya noon si gael pa kaya. tsk! ang saya ng mood ko kanina eh bakit kailangan niya pa akong bwisitin ngayon. Mag sasalita pa sana ako ng biglang tumunog ang cellphone niya. 

"Hello" sagot niya, dahil nag mamaneho siya naka loudspeaker yung cellphone niya. Tinuon ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana.

[I think you two should go home] sagot nung kausap niya hindi ko alam kung sino. napatingin ako kay grey nung narinig ko yung ingay sa backround niya. 

[nanay!! uwaahh!] 

[Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo, gugulpihin ko tatay mo! sige!]

[Monster! uwaaah!] 

[Abat--]

[Enough farrah.]

[Bakit kasi kamukhang-kamukha ni grey ang tyanak na to! nabwibwiset tuloy ako! pauwian mo na nga sila! baka na rape na si leyla!] 

"Pauwe na kami." sagot ni grey

[okay.] sagot nung kausap niya na tingin ko ay si green. mag salita pa lang eh!

napailing na lang si grey, 

"Baliw talaga ang babaeng yon..." mahinang bulong ni grey. sabi na nga mag iiyak si gael eh, kakausapin ko sana kaya lang binaba agad niya yung tawag. kawawa naman si gael ko.

----x

halos tatlong oras ang binyahe namin. sa tatlong oras na yon walang nag salita saming dalawa. kasalanan niya naman eh! bwiset!

Pag tungtong pa lang ng paa ko sa loob ng bahay narinig ko na ang iyak ni gael, mabilis akong nag tungo sa sala namin.

"Nanay! uwaah!" tumakbo siya sakin at agad ko siyang binuhat.

"shhh..wag ka nang umiyak.." 

"Saan ka ba galing..nanay..bakit ang tagal mo?" sumusikbi na sabi niya

"LEYLA!!" nagulat ako sa biglang pag yakap sakin ni farrah "Grabe! namiss kita! bakit ngayon ka lang bumalik? marami kang ichichika sakin gaga ka!" excited na sabi niya. "Patulugin mo muna ang tyanak na yan" dugtong niya pa sabay tulak sa noo ni gael. ang sama niya.

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now