20

84K 771 37
                                    

Tumigil ako sa harap ng pinto pag sara ko, Ang sakit ng nararamdaman ko pero umaasa pa rin ako na lalabas siya para pigilan akong umalis. Nanatili akong nakatayo habang tinitignan ang nakasaradong pinto. Nangalay na ang paa ko pero ni kaluskos galing sa loob wala akong marinig.

Unti-unting tumulo ulit ang luha ko. Wala ba talaga siyang pakelam sakin? Ganon na lang ba yon, Lumapit ako sa gilid ng pinto at doon umupo, Pinatong ko sa tuhod ko ang dalawang kamay ko at yumuko don.

"A-ano bang gagawin ko..." shit! leyla umuwi ka na! ano pa bang ginagawa mo dito? May parte sakin na gusto ng umalis dito pero may isang part din na ayaw, gusto kong makausap siya at nilawin ang lahat samin. Nagsisisi tuloy ako kung bakit lumabas pa ako kanina, naguguluhan na ko sa sarili ko! Mababaliw na ata ako..

Hindi ko alam kung gaano na kong katagal nakaupo dito ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Sinakop agad ng kaba ang dibdib ko pero hindi ko magawang tignan kung sino anf lalabas.

"Bakit nandyan ka?" disappointment. Yan ang naramdaman ko ng tinig ni green ang narinig ko. Pinili ko na lang manahimik. "Tanga ka ba? bakit nag hintay ka dyan kung pwede ka naman kumatok." tumikhim siya. "Girls and their drama.." mahina lang ang pagkakasabi niya pero narinig ko parin. Nakakaasar siya! bakit hindi na lang umalis kung aalis siya!

"Grey!" Shit! napaangat ang ulo ko sa pagsigaw niya.

"Wh--Leyla?! akala ko ba uuwi ka na?" hinawakan niya agad ang braso ko para makatayo ako. "Ano bang ginagawa mo dyan?" Hindi ko alam.. gusto kong sabihin pero na di-distract ako sa  Namamanhid kong paa. Ang sakit! hindi tuloy ako makatayo ng maayos. "Okay ka lang?" Dahil sa tanong niya parang sumabog lahat galit ko sa kanya. Agad kong hinablot pabalik ang braso ko.

"Anong okay ka lang! kasalanan mo lahat to eh!" Pareho silang nagulat sa biglang pagtalon ko para hablutin ang buhok ni grey.

"Ahh--aray!" Gigil na gigil kong hinatak ang buhok ni grey na dahilan para mayuko siya.

"Kasalanan mo lahat to! napaka-Sama mo! Wala kang kwenta!"

"Shi--Leyla--Ahh! Bitaw!"

"Nakakainis ka---Ahhh!" sigaw ko ng sa isang iglap nasa likod ko na ang dalawang kamay ko at mahigpit niyang hawak.

"Stop leyla. You're pissing me off." natakot ako ng mahimigan na seryoso ang tono ng boses niya. Shit! nababaliw na talaga ako!

"She's crazy." biglang saad ni green bago kami lagpasan. "Im going home." sabi niya pa. Isa pa ang green na to! nakaka-inis!

Nagulat ako ng biglang bitawan ni grey ang kamay ko,

"Akala ko ba uuwi ka na, bakit andito ka pa?" Lumingon ako sa kanya na nakahawak sa kamay kong hawak niya kanina, Feeling ko mag kakapasa yon dahil sa higpit ng hawak niya kanina.

"I-iniiwasan mo ba ako?" Kahit ako nagulat sa tanong na lumabas sa bibig ko. Kumunot ang noo niya.

"Iniiwasan? Bak--" tumigil siya at umiling. "Let's go inside." aniya pa bago itulak ang pinto at tuluyang pumasok. Huminga ako ng malalim, Bago pumasok.

Nakita kong papunta siya ng kusina, Habang ako naglalakad papalapit sa sofa niya.

Paglabas niya may dala na siyang juice na pinatong niya sa kulay gray na lamesa na nasa tapat ko.

"Walang pwedeng kainin sa kitchen, So nag pa-deliver na lang ako. Nagugutom ka na ba?" Umupo siya sa pang isahang sofa na nasa gilid ko, Umiling lang ako. Hindi ako makatingin sa kanya kaya tinignan ko na lang ang kamay ko.

"Ang arte mo talaga no," tinignan ko siya ng masama, na tinawanan niya lang. Seryoso ako dito tapos tatawanan niya lang ako! "Kung nag seselos ka sinabi mo na lang sana, Nag walk-out ka pa talaga, tapos hindi ka naman pala aalis," Niloloko niya ba ako? Bwiset siya! ang bilis niyang magbago ng mood, Kanina lang seryoso siya ngayon parang natutuwa na naman siya sakin!

"Bakit may karapatan ba kong mag selos ha?" natigilan siya sa sinabi ko. Shit! Bakit ko ba sinabi yon!

"Look leyla, Wala kang mapapala sakin. I am sexually attracted to you, that's all. No romantic feeling." Oo alam ko sex lang ang gusto niya sakin.  pero bakit parang nawawasak ang puso ko ngayong narinig ko na mismo sa kanya yon. Pinilit kong pigilan na pumatak ulit ang luha ko,

"K-kaya..mo ba k-ko iniiwasan...?" halos bulong na sabi ko.

"No. Hindi kita iniiwasan leyla, Last day papasok talaga ako pero tumawag si mama, Inatake daw ang lolo ko, So I need to rushed to hospital, But he's okay now. Tapos ngayon" Pinutol niya na ang sinasabi niya, Alam ko naman kung anong ginawa niya ngayon kaya hindi siya nakapasok.

Ano na ngayon? nakuha niya na ang gusto niya sakin kaya tapos na siya. Ganon ba yon?

Kailangan ko bang umakto na parang walang nangyari? Makakalimutan ko ba lahat yon ng parang wala lang?

Nagulat ako sa biglang pag tunog ng telepono sa gilid ko. Inabot niya ng kamay niya yon.

"Hello"

Tinitigan ko ang side ng mukha niya. Hindi ko kayang gawin yon.

"Okay!"

"What?" takang napatingin siya sakin habang binababa ang telepono.

"Sex lang ang gusto mo sakin, Mag sesex tayo hanggang sa magsawa ka! gagawin ko lahat ng gusto mo." dire-direrso kong saad, gusto ko ngang palakpakan ang sarili ko dahil sa lakas ng loob kong sabihin yon. GOD!

"Ha?" gulat na tanong niya kasabay ang pag tunog ng doorbell.

Gagawin ko lahat mahalin niya rin ako!









*******

A/N

Magulo ba guys? parang naguguluhan na

ko sa takbo ng storya eh! XD

PLEASE DONT FORGET TO
VOTE AND COMMENT XD

GreenMasCARA

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now