2-5

74.9K 871 16
                                    

Pag mulat ng mata ko, puting kisame ang tumambad sakin, Gael!

Agad na bumangon ako at mabilis na lumabas ng silid na yon ng maalala ang anak ko, Bakit nasa hospital ako ngayon, Kailangang hanapin ko ang anak ko, Baka umiiyak na siya kakahanap sakin, Parang dinudurog ang puso ko sa naisip,

"Maam" Nagkagulatan kami ni kuyang guard ng lumiko ako at nasalubong ko siya.

"Saan po kayo pupunta? Tumawag na kami ng police para mahananap ang anak niyo, mag pahinga po muna kayo," saad niya,

"Ilang oras na ko dito kuya?" Tanong ko,

"Tatlong oras po siguro," Shit! three hours?! paano kung may nangyaring masama sa anak ko habang tulog ako! shit! Hindi pwede! Kalma lang leyla, Wag kang mag isip ng kung ano-ano.

Naramdaman kong namasa na naman ang pisngi ko, huminga ako ng malalim bago punasan yon,

"M-araming salamat kuya.." saad ko,

"Wala po yon maam, Ang mabuti po umuwi ka muna, Check niyo po sa bahay niyo baka nakauwi na ang anak niyo.."  Imposibleng makauwi si gael sa bahay, Matalino ang anak ko pero hindi yon uuwi na wala ako, hindi ko alam kung paano siya nawala bigla sa gilid ko, Nakakapit lang siya sakin kaya paano? bakit? nawala ang anak ko?

Tumango ako kay kuya, Pero binigay niya sakin ang no. Niya tapos kinuha niya rin ang  no. ko bago ako umalis,

Napag desisyonan kong umuwe nga muna, Baka nga may nag uwi kay gael, Baka

Pero

Kahit maliit lang ang tyansa, umaasa pa rin akong makikita ko siya sa bahay...

Iyak ako ng iyak habang nakasakay sa taxi, Hinang hina ako at pakiramdam ko mamamatay ako kung hindi ko pa makikita ang anak ko ngayon.. Lord please sana po ayos lang ang anak ko, Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya..

"Maam saan po tayo?" napakurap ako ng biglang magsalita yung driver ng taxi, Tumingin ko sa bintana,

"K-aliwa po, tapos sa pangatlong kanto na lang.." saad ko habang pilit na pinipigilan ang pag hagulgol ko,

"S-alama--GAEL!" mabilis akong lumabas ng taxi ng makita ko siya na nakatayo sa harapan ng isang kotse, agad akong lumapit doon,

"Nanay!" Excited na saad niya nakahawak siya sa kamay ni Grey?!

PAK!

Paglapit ko agad na sinampal ko siya at masamang tinignan, Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero mabilis rin nag bago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Walang anuman leyla." sabi niya.

"Nanay.." napalingon ako kay gael,

"Gael! ano bang sabi ko sayo! wag kang sasama sa hindi mo kilala, kumapit ka lang sakin. Bakit bigla kang nawala!" yung takot ko kanina napalitan ng galit, parang sumabog na lang ako bigla,

Natigilan ako ng biglang umiyak ng malakas si gael,

"Nanay...sorry po...hindi na po uulitin ni gael..." sabi niya sa pagitan ng pag iyak niya. Lumuhod ako sa harapan niya.

"Sorry gael, Natakot lang si nanay hindi ako galit.." niyakap ko siya agad, hindi ko alam kung bakit nagalit ako ng makita kong kasama niya si grey.. tsk! sa pagod siguro to,

Binuhat ko si gael tapos tinignan ko si grey, Halata yung pamumula ng pisngi niya, Ang lakas yata ng sampal ko,

"S-sorry..." mahinang saad ko, Nag kibit balikat lang siya tapos nilagay niya sa bulsa niya ang isang kamay niya.

"Pero sana hinanap niyo ko hindi yung dinala mo siya dito, hindi ko alam kanina kung saan ko siya hahanapin." Dugtong ko pa,

"Nanay hinanap ka namin kaya lang nagutom si gael kaya kumain kami ng bulate," excited na naman siya, "Binili rin ni tito grey si gael ng car, Nasaan na po ang car ni gael tito?" Tito?

"Nasa car," Ngumiti siya kay gael, "Wait kukunin ko lang," ngiting-ngiti na si gael tapos tumango-tango sa kanya.

"Nanay ang laki ng car ni gael, pwedeng sakyan!"

"Gael ha, Wag mo ng uulitin yon, Hindi ka dapat umaalis sa tabi ko," sabi ko, Ngumuso siya,

"Opo nanay, Sorry po..Pero hinanap ka po namin, Kaya nga lang po nagutom ako, tapos bumili kami ng toys, Tapos nag punta kami ng play ground tapos kumain po kami ng cake tapos sarado na ang mall, Hindi ka na namin nakita nanay.." Natawa ako sa mahabang kwento niya.

"Tapos?" tanong ko pa sabay kurot sa pisngi niya,

"Tapos na po!" sabay taas ng dalawang kamay niya. Hyper masyado,

"Ayy! Meron pa po!" nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko,

"Nag pupu si gael tapos hinugasan ni tito grey.." sabay tawa niya ulit, Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa kay grey kanina, Ano kayang itsura niya habang ginagawa yon?

"Wag malikot, Mahuhulog ka sige.." tumawa siya sabay yakap sa leeg ko, nayupi nga yata ang pisngi ko sa ginawa niya eh,

Nakahinga rin ako ng maluwag, Salamat sa dyos at okay lang ang anak ko,

"Nanay ayan ang kotse ni gael! ang laki diba!" sabay turo niya sa kotse na malaki nga, pwede talagang sakyan ni gael, Mag kano kaya ang bili niya don,

"Salamat.."

"Nanay nag thankyou na si gael ten times pa!"

Umiling na lang ako, dapat bang tanggapin namin yon? Pero paano ko tatanggihan yon kung tuwang-tuwa si gael, Tsk!

"Nanay ang baet ni tito grey, Sana siya na lang ang tatay ko.." bulong niya ulit pero alam ko narinig rin ni grey,

"Pasok na tayo." Sabi ko na lang,

Pagpasok sa loob nilapag ni grey malapit sa lababo yung car, Ang liit lang ng bahay namin kaya hindi ko alam kung saan isisik-sik yon, tapos umupo si grey sa gilid ng pinto sabay hubang ng sapatos niya.

"Hindi ka pa uuwe?" takang tanong ko, Ano pang gagawin niya dito?

Tinigil niya ang pag alis ng sapatos niya tapos tumayo siya,

"Pinapauwi mo na ba ako?" Tanong niya rin,

"Ha? Hindi, tinanong ko lang," tumango siya,

"Hindi pa," tapos umupo ulit at tinuloy na ang pag alis ng sapatos niya,

Umuwi ka na! Gusto kong sabihin pero paranv napaka bastos ko naman pag sinabi ko yon, dapat nga mag thankyou ako sa kanya pero sinampal ko pa siya, Leyla naman!

Hinayaan ko na lang siya don at hinilamusan na si gael,

"Alam mo nanay may nakita kaming buhat ng guard kanina sa mall, bakit kaya.." guard? shit! Oo nga pala, kailangan kong itext si kuyang guard,

"Mag toothbrush na," sabi ko bago lumabas ng cr, Hinanap ko kaagad ang phone ko tapos tinext si kuyang guard, Nag pasalamat na rin ako sa kanya, Hinanap niya talaga si gael kanina eh,

babalik na sana ako sa cr pero nagulat ako ng makita si grey na nakaluhod sa harap ni gael habang pinapunasan siya, Sige naman sa daldal ang anak ko, 

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko,

Masaya ako..

masaya akong makita na magkasama sila

pero

natatakot ako..

hindi ko alam kung bakit...



******

@Violet_Blood bakit alam mo na yung mangyayari? ang daya! XDXD


A/N

2 UD para sainyo, Bawi nga eh! XD

About pala sa POV ni grey, ON-GOING na po yon sa isip ko, Wait wait lang XDXD



VOTE AND COMMENT PO!


GreenMasCARA











LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now