2-12

67.3K 697 22
                                    

Kapansin pansin na sobrang tahimik ng buong bahay pag baba ko, wala ang ingay ng tv kapag na nunuod si gael, walang tunog ng hagikgik niya kada umaga.

nasaan si gael?

nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. imposibleng tulog pa ang anak ko ngayon dahil alas nueve na tsyaka magkatabi kaming natulog kagabi sa kwarto niya. pag gising ko wala naman siya don.

Isang buwan na kaming kasal ni grey pero hanggang ngayon hindi parin kami nag tatabi sa iisang kwarto. Hindi dahil ayaw niya kungdi ayaw ko. Hindi ko kayang makasama siya iisang kwarto eh!

Naisipan kong bumalik sa kwarto ni gael. Baka hindi ko lang siya napansin don.

"Gael!" tawag ko sa kanya, pero nalibot ko na ang buong kwarto ni anino niya hindi ko pa rin nakita.

Lumabas ako para puntahan ang kwarto ni grey. Kakatok na sana ako ng biglang bumukas iyon.

"Oh..Good morning." nakangiti niyang saad.

"Nasaan si gael?" tanong ko kaagad.

"Wala dito."

nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya.

"P-paanong wala? nasan siya? nilibot ko na ang buong bahay per--"

"Easy." putol niya sa pag sasalita ko "Wala siya dito ngayon, iniwan ko muna siya kay farrah." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Naguguluhan ako. Bakit niya iniwan kay farrah? paano? nagkita ulit sila? "Mag breakfast ka na leyla. Aalis tayo" saad niya pa.

lalo lang ako naguluhan.

"A-aalis?...Saan tayo pupunta? bakit iniwan mo siya kay farrah?" gulong tanong ko. Umalis siya sa harapan ko

"Mag da-date tayo." saad niya ng malagpasan na niya ako. Nagulat ako sa sinabi niya.

D-ate?

Hindi ko namalayan na natulala na pala ako at wala na siya. Ano bang kabaliwan ang pinagsasabi niya? anong Date? bakit kami mag da-date?

bumaba ako at nakita ko siyang nakaupo sa mahabang sofa habang nanunuod ng tv.

"A-ano bang date ang pinagsasabi mo?...tara at kuhain na natin si gael tsk!" saad ko kaagad sa kanya. nakakahiya naman kay farrah!

"C'mon leyla, I just want to spend my day with you." seryosong saad niya.

spend his day with me? baliw siya? araw-araw naman kaming nag kikita ha, napansin niya yata na nanahimik ako kaya muli siyang nag salita.

"Look leyla, kasal na tayo pero feeling ko hindi naman, palagi mo akong iniiwasan."tumayo siya palapit sakin.

"B-bakit pa kailangan mong iwan si gael kay farrah?...Pwede naman natin siyang isama ha," saad ko, dinedma ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung ano bang isasagot ko sa sinabi niya.

nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang dalawang balikat ko.

"Sige na, mag bihis ka na, ngayon lang naman to. Next time isasama na natin si gael..uhmm?" saad niya hindi ko alam pero lumakas ang kaba ng dibdib ko.

Bakit parang nag lalambing siya?

Wala na akong magawa kaya tumango na lang ako.

"P-pero bakit kay farrah mo iniwan si gael? nakakahiya naman sa kanya"

binitiwan na niya ang balikat ko.

"Don't worry. Kasama naman si Green." ngumiti siya "Mag bihis ka na. Sa labas na lang tayo mag breakfast." saad niya pa.



Sumunod na lang ako sa sinabi niya. Hindi ako mapakali habang tinitignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Naupo ako sa gilid ng kama ko at huminga ng malalim.

Hindi ko alam kung anong nakain ni grey at gusto niyang mag date kami.Hindi na kami mga teenager ngayon para mag date-date pa tsk! tapos kay farrah niya iniwan si gael, baka mabadtrip lang yon sa kakulitan ni gael. Hindi pa nga kami nag kikita ulit pag aalagain ko na agad siya ng anak ko. Shit naman!

Tumayo ako para sipatin ulit ang itsura ko sa salamin. Naka simpleng pantalon lang ako at puting t-shirt. Puro ganito naman ang damit ko eh, at kahit na ang dami kong nakitang dress sa kabinet ko hindi ko sinuot yon, Ayoko ng mga ganon. Feeling ko hindi bagay sakin tsyaka hindi ko alam kung saan galing yon.

Napabuga ulit ako ng hininga.

"Bahala na nga!"



Pagkakita sakin ni grey agad siyang napakamot sa ulo niya sabay iling. Kumunot ang noo ko.

"Wait lang." saad niya bago tumayo

"Date nga nakapantalon naman." narinig kong bulong niya pag lagpas sakin pero hindi ko naintidihan ang sinabi niya.

"Problema niya?"

Pag baba niya naka white t-shirt at pantalon na rin siya.

"Tara na." aya niya.

Gaya-gaya!

Pero ...



Bakit kinakabahan na, na eexcite ako? shit naman!











-------

VERY SHORT UD

SORRINA! KUNG NGAYON LANG NAG UD XD PERO TRY KO MAG UD HANGGANG UMAGA! XD



VOTE AND COMMENT!



GREENMASCARA





LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now