2-11

69.2K 804 24
                                    

Nagising ako dahil sa ingay at tawanan na naririnig ko,

"Shhh, Wag kang maingay baka magising si nanay mo." Saad ng isang boses,

"Tatay, Nakikiliti po kasi si gael eh," sabay hagikgik niya,

"Stop calling me tatay na, daddy na lang. Mas maganda pa," Saad ni grey, Kahit hindi ko sila tignan alam kong silang dalawa ni gael ang nag uusap,

"Daddy? .. Hindi naman po partner ng nanay yon eh, Dapat po tatay" sagot ni gael, Imbis na bumangon ako sa higaan nag tulog tulugan ako,

Gusto kong pakinggan kung anong pag uusapan nila.

"Then call your nanay mommy, para partner na,"

"Mommy..uhhmm..ayaw ni gael!" napangiti ako, ang kulit talaga ng anak ko.

"Bakit ayaw ni gael?"

"kasi...Ayaw lang ni gael" sabay hagikgik niya ulit.

Halata sa boses ng anak ko ang na masaya siya ngayon, Alam ko naman na sabik talaga siya sa tatay niya, at masaya ako dahil makakasama niya na ito,

Kahit parang pakiramdam ko mali na naman ang ginawa ko.

Hindi ko alam kung handa na ba akong ulit papasukin sa buhay ko, sa buhay namin ni gael si grey,

Parang nagpadalos-dalos na naman ako sa naging desisyon ko, Hindi ko alam kung tama ba na pinakasalan ko siya,

Tama bang bumalik pa ako ako dito sa maynila.

Ang gulo pa rin ng isip ko, ang daming tanong sa isip ko na hindi ko mabigyan ng sagot.

"Papa na lang,"

"Ayaw..."

"Tsk. Ayaw mo talaga?"

"Ayaw ni ga---Ahhh" sigaw ni gael, Sabay tawa ng malakas,

"Ayaw mo, Ha? Ha?"

"Ta-ma napo!" malakas ang sigaw ni gael na may kasamang malakas na tawa,

Ang sarap marinig ang tawa ng anak ko,

"Na--nanay tulong!"

"Ahh"

Nagulat ako ng bigla akong daganan ni gael at pilit na sumisiksik sakin,

"Nanay monster!" Saad niya sakin,

"W-what monster?" Saad ni grey,

Napailing ako,

"Ano bang ginagawa niyong dalawa?" Patay malisyang saad ko, bago ako lumingon kay grey, Shit!

Mabilis na humarap ulit ako kay gael,

Bakit naman wala siyang pang itaas! Naman!

Feeling ko namumula ang pisngi ko, Grabe!

"Kinikiliti niya si gael nanay," sumbong niya sakin.

Ngumiti ako tapos hinaplos ko ang buhok niya,

"Nag almusal ka na ba?"

"Tapos na po! madami pa nga pong kinain si gael eh"

"Talaga?"

"Yes po! si tatay nagluto! Ang sarap!" bibong sagot niya, Si grey nag luluto? Ngayon ko lang nalaman ha,

"Talaga, very good" sagot ko sabay bangon sa kama, "Hilamos muna si nanay ha," Saad ko pa, tapos tumayo ako, Hindi ko talaga tinignan si grey kahit napansin ko ang pag titig niya sakin.

Shit naman!

"Good morning." Nagulat ako sa biglang pag sasalita niya.

"M-morning .." halos bulong na sabi ko habang nag lalakad ako papasok sa cr, Hindi ko siya matignan,

Sobrang naiilang talaga ako sa kanya,

Pag pasok ko sa banyo agad kong tinitigan ang itsura ko sa salamin,

"Shit naman! ang pangit ko!" sabog sabog yung buhok ko tapos parang may panis na laway pa ako sa gilid ng labi ko,

"Nakakahiya itsura ko! shit!" saad ko sa sarili ko,

Mabilis akong nag ayos ng sarili,

Kinakabahan ako habang papalabas ako ng cr, naman! bakit ba nacoconsious ako masyado sa kanya! nababaliw na talaga ako!

napahinga ako ng malalim ng makitang wala na silang dalawa sa kwarto.

"Umayos ka leyla..Hindi ka na teenager.." Bulong ko sa sarili ko.

Inayos ko muna ang higaan ni gael bago ako bumaba,

Nakita ko sila sa sala habang na nunuod ng mala-sine na tv. Grabe ang laki ng tv nila at sobrang laki rin ng bahay nila, Parang mansion na nga eh! tsk!

Lumapit ako sa single na sofa at naupo doon.

"G-grey.." Lumingon siya sakin at bahagyang umangat ang isang kilay niya.
"K-kailangan kong bumalik sa bahay para kunin yung mga gamit namin ni gael," mahabang lintay ko,

"Mag breakfast ka muna." sagot niya,

"Hindi ako nagugutom, Pwede ba pakibantayan muna si gael?" Tinignan niya lang ako sabay tingin kay gael,

"Dito ka lang, Wag kang aalis. Okay?" tanong niya kay gael,

"Aye aye captain!" Nakasaludo pang sagot ng anak ko. Saan galing yun?

Tumayo so grey tapos lumapit sakin sabay hawak sa braso ko sabay higit sakin patayo,

"Kumain muna tayo." sabay hila niya sakin,

"Hindi naman ako nagugutom no!" Saab ko,

"Tsk. Kaya ang payat payat mo eh, Wala ka tuloy boobs." Tinignan ko agad siya ng masama,

"Joke lang, Sasamahan kita. pero kumain muna tayo,"

"Sino mag babantay kay gael?" sabi ko bago ako maupo sa hinila niyang upuan,

"Si manang," Manang?

Nilagyan niya ng pagkain ang platong nasa harap ko, bago siya umupo sa gilid ko,

"Hindi ka pa kumakain?" tanong ko,

"Hindi pa."

Wow ha, Wag mong sabihin na hinintay niya talaga ako?

Napailing ako sa naisip ko,

Wag assuming leyla!

"Nasan pala sila tita?" tanong ko, naiilang ako pag natatahimik kame,

"Umalis sila." sagot niya, Umalis? kaya pala hindi ko pa sila nakikita ngayon.

"Saan nagpunta?" Nagkibit balikat siya.

"I dont know." psh!

"Ahh," Wala na akong masabi! Ano ba yan!

"By the way, Farrah wants to see you."

Farrah? Si farrah?!

"Talaga! Kailan daw?" Excited na tanong ko.

"Hindi niya sinabi, baka bigla na lang sumulpot yon dito." Sabi niya bago uminom. "Lets go?"

Tumango ako sa kanya pero ang isip ko na kay farrah,

Sa wakas! makikita ko na ulit siya! excited na ako! Na mimiss ko na talaga sila!

Sobrang miss!




-----

NAKAPAG UD RIN SA WAKAS! GRABE ANG HIRAP MAGING COLLEGE STUDENT ! SOBRAA!!

SORRY KUNG NGAYON LANG
NAKAPAG UD HA! BUSY LANG TALAGA!
BABAWI AKO! (MGA NEXYEAR! XDXD)
DEJOKELANG!

KAMUSTA NAMAN PO KAYO!
NA MISS NIYO BA AKO?!

AT

SANA MAY READER PA ANG LOVELUST KO AT SANA HINDI SABAW ANG UPDATE KO!! ✌✌

xx--
GREENMASCARA

















LOVELUST (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara