2-3

77.6K 1.1K 57
                                    

"Nanay Nanay! May kumakatok!" kanina ko pa naririnig yon pero hindi ako makatayo sa pag kakahiga, Sobrang sama ng pakiramdam ko. Gusto ko lang mahiga mag-hapon.

"Nanay!" Inalog niya ang braso ko,

"Andyan na!" sigaw ko tapos tinatamad na bumangon ako sa banig, tsk! Oo nga pala kailangan kong bumili ng kama, mga gamit. Ang dami ko pang kailangang asikasuhin,

Napahilamos ako sa kamay tsyaka binuksan ang pinto,

"Special delivery!" nakangiti siya habang nakaangat ang isang box na hawak niya, sabay tingin sa dibdib ko, "Uhhmm.." lumabi siya,

"Shit!"

Agad na sinara ko ang pinto kaya gumawa iyon ng malakas na tunog,

Nagtataka ang mukha ni gael, habang nakatingin sakin, Napangiti tuloy ako ng tabingi,

"May impakto baby," Saad ko, Kumunot ang noo niya,

"Impa--"

"Shss.. Bad words yon," Putol ko sasabihin niya, tumango siya tapos bumalik na ulit sa paglalaro,

tama ba kasi na magsalita ka ng ganon, Pangangaral ng isang bahagi ng isip ko,

TOK TOK TOK ....

Hindi ko pinansin ang pagkatok niya, Dumiretso ako sa cr,

Hinubad ko kaagad ang manipis na sando ko at nag suot ng bra,

"Bastos talaga.." Bulong ko, paano niya nalaman kung saan kami-- Shit! baka kunin niya si gael!

Kinakabahan ako, hindi ko gusto ang mga naiisip ko ngayon.. Hindi niya kukunin ang anak ko, wala siyang karapatan kay gael,

Mabilis akong nag hilamos tapos lumabas na ng cr,

"Gael dyan ka lang, Wag kang lalabas okay." saad ko tapos binuksan ko ang pinto,

Tumambad sakin ang nakangiting mukha ni grey,

"Good morning" sabi niya, Tumingin-tingin ako sa paligid, buti naman at wala siyang ibang kasama, naisip ko na baka bigla na lang may humawak sakin at sapilitang kunin ang anak ko, Kagaya sa mga drama, nababaliw na ko!

"Anong ginagawa mo dito?" Nakasimangot na tanong ko sa kanya,

"Dinadalaw ka," Nakangiti niyang sagot,

"Wala akong sakit! Umalis ka na." Parang nag paawa ang mukha niya, O nag papa-cute!

"Nag dala pa naman ako ng pizza" Paawa niyang saad sabay tingin sa hawak niya,

"Akin na," sabi ko sabay kuha sa box pero nailayo niya agad ang box ng pizza,

"Papasukin mo muna ako," sabi niya sabay taas ng kamay niya,

"Hindi pwede," kung makataas siya akala mo aabutin ko, Pinag patong ko ang dalawang braso ko sa dibdib ko, "Sayo na yang pizza mo, Umali--Gre--Hindi ka nga pwedeng pumasok!" pinigilan ko kaagad ang braso niya ng magtangka siya sa pagpasok pero parang wala lang na dinaanan niya ko, Shit!

"Grey!" sumunod ako sa kanya tapos pareho kaming natigilan ng makitang nakatingin si gael samin,

"Hell--O" sabi ni grey sabay kamot sa likod ng ulo niya, Walang reaksyon si gael habang nakatingin sa kanya,

Napangiwi si grey habang pilit na nakangiti kay gael, Parang kinabahan na natataranta siya, Natatawa ako sa reaksyon niya pero pinigilan ko ang sarili ko,

"Ipakilala mo ko..." bulong niya sakin, Ipakilala? Baliw ba siya, Paano ko sasabihin kay gael na siya ang tatay niya? Ang alam niya nasa heaven na siya eh! baka maguluhan lang ang anak namin, namin? ko. KO lang pala,

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now