5

98.6K 1K 29
                                    

"Umuulan pala.." sinahod ko ang mga patak ng ulan sa kamay ko, "Bakit ba hindi ako nag dala ng payong.." bulong ko sa sarili ko, Umatras ako papasok sa loob ng building, Mag papatila muna ako ng ulan.

"Ahh!" impit na sigaw ko ng may mabangga ako sa likod ko, "Sorr---" natigilan ako ng makita kung sino ang nabangga ko.

Shit ang gwapo!

"Tss!" pinagpag niya ang damit niya, Ang arte naman.

"Sorry..." mahinang bulong ko bago lumakad sa gilid,

Nakatayo lang siya don at tahimik na nakatingin sa ulan, Nakita ko na ang lalaking to hindi ko lang matandaan ang pangalan. Ang hina ko talaga mag memorya ng pangalan.

"Green sabay na tayo!" napalingon ako sa pasukan ng building namin. Shit! humarap agad ako sa gilid,

Ang malas ko talaga!

"Ahh!" Tili ko ng maramdaman ang pagakbay sakin ng kung sino.

"Wala kang payong?" nakangiti siya at sobrang lapit ng mukha niya sa pisngi ko, amoy na amoy ko tuloy ang hininga niya, Shit talaga ang bango niya. Umalis agad ako sa gilid niya para matanggal ang kamay niya sakin.

"M-may hinihintay ako.." mahinang sabi ko,

"Boyfriend?" tanong niya habang nakangiti.

"H-hindi.."

"So wala kang boyfriend?" titig na titig na sabi niya.

Bakit niya ba tinatanong?

"A-aalis na ko.." naglakad agad ako pero hinigit niya ko pabalik,

"Wait!"

"Grey let's go!" Sigaw nung lalaki na nabangga ko kanina.

"Mauna ka na dude," sagot niya habang nakatingin pa rin sakin.

"Ihahatid na kita, San ka ba nakatira?"

"H-hindi na, Diyan lang ako nakatira," iniwas ko ang tingin ko sa kanya, Hindi ko matagalan ang mga titig niya sakin.

"Yun naman pala eh, Tara na!" hinigit niya ko paalis,

"T-teka umu--" nagulat ako ng may payong siyang binuksan, Hindi ko napansin na may dala pala siya..

"Tara na, Pakipot ka masyado eh! haha!" halatang nagbibiro ang boses niya, Wala na kong nagawa kaya naglakad na lang ako.

"Ano bang pangalan mo?" tanong niya, Mabagal lang kaming naglalakad dahil sa lakas ng ulan.

"Leyla.."

"Ang sexy ng dating ah! hahaha!" Ang manyak niya talaga.

"Joke lang! seryoso mo masyado eh!" tumahimik na lang ako,

"Ilan taon ka na?" tanong niya pa.

"Twenty."

"Ahh, Mukhang sixteen ka lang." nambola pa, Pero madalas nga akong pagkamalang bata, maliit lang kasi ako, halos hindi nga ako umabot sa balikat niya eh. ang tangkad niya naman kasi.

Nakita kong malapit na kami kaya tumigil na ko, nagtataka siyang napalingon sakin.

"D-dito na lang, Salamat ah"

"Sa dorm ka nakatira?" tinuro niya yung tinitirhan ko ngayon, Tumango ako sa kanya.

"Ahh, Sige.." ngumiti siya tapos inabot niya ang payong sakin.

"H-hindi na, malapit na lang naman ako.." umiling ako sa kanya.

"Kunin mo na," kinuha niya ang kamay ko para hawakan ang payong,

"Wag--"

"Bye leyla!" tumakbo siya agad, Napatingin na lang ako sa kanya pero nagulat ako ng lumingon siya para kumaway,

Napangiti ako ng tumakbo na siya ulit.

Dub dub dub dub

Shit! Wag kang tanga leyla! playboy yon!

Buong magdamag akong hindi makatulog kakaisip sa kanya, Kaya pag pasok ko antok na antok pa ko.

"Hoy leyla!" napakurap ako ng pitikin niya ang noo ko. "Tulala ka na naman! ano bang nangyayari sayo?" takang tanong ni farrah.

"Wala, Inaantok lang.." sagot ko,

"Gusto mong sumama samin mamaya?" napalingon ako kay loisa ng magsalita siya.

"Oo sumama ka samin." excited na sabi ni farrah.

"Ha? saan?" takang tanong ko.

"Manlala-laki!" sabay na sigaw nila bago nag apir.

Ang landi talaga nila! tsk!

"Hindi--"

"Wag kang Kj! Sasama ka samin!" Singit agad ni farrah na sinamaan ako ng tingin.

May magagawa pa ba ako..Kaya tumango na lang ako sa kanya.

"Don't worry girl, Kaming bahala sayo!"

"Right"

tumawa silang dalawa, Hindi maganda ang tingin ko sa mangyayari sakin mamaya.

Bahala na!

*****

GreenMasCARA

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now