2-7

77.2K 885 42
                                    

Tulala ako habang nakaupo sa papag namin, Ang himbing ng tulog ni gael, Paro ako kahit ang pumikit lang mag-damag hindi ko nagawa,

Gulong-gulo ang isip ko sa mga sinabi ng mama ni grey kahapon.

Naalala ko na naman ang mga nangyari..

"Ano pang hinihintay mo hija? Ayusin mo na ang mga gamit niyo," nakangiti niyang saad,

hindi ako makasagot sa gulat ko, Parang naputol ang dila ko,

"Hija? aish, nevermind, come my grandson, puntahan na natin ang daddy mo,"

Hinawakan niya ang kamay ni gael,

"Opo,"

"Sandali po!" Bigla kong saad kasabay ang pag hila kay gael,

Halata ang pagkagulat sa mukha ng babaeng kaharap ko,

"Gael pumasok ka muna sa bahay sige na,"

"Pero nanay gusto makita ni gael si tatay," nakanguso niyang saad,

"Makinig kay nanay gael, Pumasok ka muna sa bahay," Mahinahon na sabi ko, malungkot na tumango siya,

"Aww! nalungkot tuloy ang apo ko," Tinignan ko ulit ang babaeng nasa harap ko,

"Excuse po, Sino po ba kayo?"

"Oh, I forgot to intruduce myself, Sorry hija masyado lang akong naexcite sa apo ko..," nilahad niya kamay niya sa harapan ko,
"Im Vivien Smith-oxford, Greys mom." Kahit may hinala na akong mama siya ni grey, nagulat pa rin ako sa sinabi niya,

Hindi ko tinanggap ang kamay niya kahit na alam kong kabastusan yon,

"Sorry po maam, Pero hindi po anak ng anak niyo ang anak ko, Kung pwede lang po umalis na kayo, Magandang gabi po." Malamig na saad ko bago naglakad papunta sa bahay,

"May karapan kami sa bata." natigilan ako sa paglalakad ng magsalita siya,

"Ano pong ibig niyong sabihin?" lumingon ulit ako sa kanya.

"Hindi mo pwedeng tanggalin ang karapatan namin sa anak mo hija, Apo ko siya anak siya ni grey, May karapatan kami sa bata," Saad niya.

"Hindi niyo po siya apo," Naiinis na ko, natatakot pero pinapanatili ko pa ring kalmado ako,

Huminga siya ng malalim,

"Halatang sabik ang bata sa daddy niya hija, bakit hindi mo siya ipakilala? Ayaw mo bang mabuo ang pamilya niyo?"

"Umalis na po kayo," Saad ko,

Tinignan niya ko ng matagal bago nag salita ulit,

"Ayokong gawin ito pero kung mag mamatigas ka.. mapipilatan akong iharap to sa korte.., Pag isipan mong mabuti hija, Aalis na ko.."

Huminga ako ng malalim, Alam ko wala akong laban a korte pag nagkataon, mayaman sila kaya anong laban ko,

Bwiset talaga siya! bakit sinabi niya sa mama niya ang tungkol kay gael! Shit talaga!

Tumayo ako ag dimiretso sa cr, Humanda siya sakin!

"San ka po pupunta nanay?" sabi ni gael na kakagising lang, si gael pala! San ko naman iiwan ang anak ko sa ganito kaaga? Ayoko naman na isama siya..

"Bibili lang ako ng almusal," sagot ko habang nagsusuklay,

"Bibili lang po kayo pero nakabibis dapat? Bakit ganon?" Takang tanong niya,

LOVELUST (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora