2-1

83.6K 1K 30
                                    

"Pang lady spacer lang talaga to, kaya lang mukhang wala pa kayong matutuluyan kaya pwedeng kayo muna ang umupa ng anak mo," tinignan niya si gael na buhat-buhat ko,

"Gabi na rin, Kawawa naman yung bata," Saad niya pa habang binubuksan ang pinto,

"Maraming salamat po," saad ko, Pagod na nga si gael, Umaga pa lang nasa byahe na kami, tapos puro lakad ang ginawa namin makahanap lang ng uupahan, buti may nakita na rin ako,

"Eh, Wag mo na kong i-po, mag kaedad lang yata tayo eh," Tumawa siya, "Claire pala, May dalawang baby boy, Dakilang may bahay," sabay tawa niya ulit. "Isang linggo ng walang nakatira dito kaya maalikabok, Sandali kukunin ko lang ang walis," Umakyat siya sa hagdan na nasa gilid namin,

Nilibot ko ang paningin ko, May isa pang pinto ang nakasara malapit sa hagdan, May kahoy na upuan sa gilid noon pahaba hanggang sa bintana ng uupahan namin,

Ang loob naman ng bahay ang tinignan ko,

Maliit lang ang apat na sulok ng bahay na ito, Pang isa-hang tao lang talaga, May maliit na kusina sa dulo katabi ang pintong maliit na nakasara, na tingin ko ay cr, May bintana na katabi ang mismong pintuan, Maliit lang pero mukhang malinis naman,

"Gael baba ka muna," Saad ko bago binaba siya binaba,

"Nanay hindi pa ba tayo uuwi? Namimiss na ni gael si lolananay.." kinukusot niya ang isang mata niya, Alam ko na hahanapin niya ang lola ko at hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya yon,

Dinala ko siya sa labas at pinaupo sa upuan don,

"Dito ka lang, Aayusin lang ni nanay ang loob, Wag kang aalis diyan," Saad ko,

"Opo," tumango siya,

Mabilis akong natapos sa pag lilinis dahil sa tulong ni claire, tsyaka hindi naman sobrang dumi ng loob, Alikabok lang,

"Salamat ha," sabi ko kay claire,

"Nako wala yon, Mag pahinga na kayo, Bukas na natin pag usapan ang tungkol sa renta," Sabi niya bago umalis,

Magaan ang loob ko sa kanya, At tingin mabait talaga siya.

Bumalik ulit si claire na may dala ng banig at maliit na electricpan,

"Nakakahiya naman, pero salamat talaga," yon talaga ang kailangan namin ngayon, Wala akong dalang gamit, puro damit lang namin, Isang malaking maleta ag backpak, yan lang ang kinaya kong dalhin.

"Ayos lang, Hindi naman ginagamit to, naka stuck lang," kinuha ko yon,

"Thankyou talaga claire," Nakakahiya man pero ayon talaga ang kailangan namin ngayon.

Naglatag agad ako at binihisan si gael, Paghiga niya pa lang tulog agad, Napagod talaga ang baby ko, tinitagan ko siya sabay haplos sa buhok niya, Ang bilis talaga ng panahon, Parang kailan lang nasa tiyan ko pa lang siya ngayon, Ang laki na niya..

Nag buntong hininga ako ng maalala ang mga nangyari sakin sa loob ng limang taon..

Nung bumalik ako ng probinsya hindi ko alam na buntis pala ako, kung hindi pa ako nahimatay dahil sa init ng pahon hindi ko pa malalaman. Namin,

Takot ang naramdaman ko ng marinig ko sa doctor na three months na kong buntis, Nung una naisip kong bumalik sa maynila kasi alam kong itatakwil ako ni lola,  sasabihin ko kay  grey ang kalagayan ko pero natakot ako, naiisip ko na baka hindi niya kami tanggapin, kaya nanatili ako sa probinsya kahit kung ano-ani ang naririnig ko sa mga kabaryo namin.

Akala ko itatakwil na talaga ako ni lola pero

Hindi siya nag tanong, Wala akong narinig sa kanya.. tahimik lang siya lagi, kahit mag kasama kami parang hindi niya ko nakikita, At sobrang sakit sakin non. Mas gugustuhin ko pa na sigawan niya ko araw-araw kesa ang umakto siyang hindi ako nakikita.

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now