19

83.6K 861 24
                                    

Kinabukasan pagkatapos ng lahat ng klase ko nag desisyon akong pumunta sa condo niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong pumunta dito. Gusto kong malaman kung iniwasan niya ba ako, Pero natatakot din akong malaman. Naguguluhan na talaga ako. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng gusali, Nagulat ako ng makita ko si green na nakatayo sa harap ng elevator.

"Green!" lumingon siya sakin na naka-kunot ang noo. Lumapit ako sa kanya.

"Who are you" ha? bakit hindi niya ko kilala?
tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. "ohh.. What's your name again? lena, laila le--"

"Leyla.." putol ko sa panghuhula niya,

"Ah. So?" Napangiwi ako, tingin ko Hindi niya talaga alam kung sino ako.

"P-puntahan ko si grey..ibabalik ko rin to" inangat ko ang paper bag na hawak ko. napanisin ko na may hawig sila ni grey pero ang suplado ng dating niya. Nakakatakot tuloy.

"Ano yan?" Tumaas ang isang kilay niya

"H-ha? yung..damit na hiniram ni grey sayo to.." Kinakabahan talaga ako sa presensya niya. Tinignan niya lang ang hawak ko.

"Sayo na, Or throw it. I dont care." Itatapon ko? sayang naman! mukhang mamahalin pa naman ang mga to.

"Mr. oxford, Kasama niyo po ba siya?" pareho kaming napalingon sa receptionist na nasa likod na pala namin.

"Yes." tipid na sagot niya,

"Okay po sir, Maam." ngumiti siya samin bago bumalik sa pwesto niya Kasabay non ang pagbukas ng elevator. Buti na lang pala nakita ko siya, Sobrang tahimik namin sa elevator pakiramdam ko tuloy ang tagal namin sa loob. Pag bukas non tsyaka lang ako nakahinga ng maayos. Sobrang nakakatense siyang kasama.

Hindi na siya nag aksaya na kumatok sa pinto ng makarating kami sa harap non. Basta niya na lang binuksan. Madilim na lugar ang sumalubong samin. Wala ba siya? may natapakan akong kung ano sa paanan ko kaya napatingin ako sa baba kasabay non ang pagliwanag ng paligid kaya nakita ko ang mga damit na nakakalat sa lapag. Kumunot ang noo ko ng makitang may panty at bra din, malapit sa kwarto ni grey. Kanino to? Nakaramdam ako ng kaba ng maisip kung kanino ang mga nakakalat na damit na yon. Tumayo ako para lumabas na pero natigil dahil sa pagtawag ni green sa kanya.

"Grey!" nakita kong nakadungaw si green sa pinto ng kwarto, Shit! Dapat umalis na ko ngayon!

"Anong oras na dude?"

"Six, I guess. May bisita ka" sabi niya pa bago umalis sa harap ng pinto, Nakita kong pupungas-pungas na lumabas si grey sa kwarto na boxer short lang ang suot. Nanigas na ko sa kinatatayuan ko.

"Sin--Leyla?" tinignan niya ang kamay ko kaya napatingin din ako don. Hindi ko namalayan na hawak ko pa rin yung pulang dress, Binitawan ko bigla yon. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, Wala akong maisip, Basta gusto ko na lang umuwi.

"Ibabalik niya raw yung damit ko, Pero sinabi na iwan na lang sayo. Im going to sleep, Hindi ako makatulog sa kulit ni violet." Sabi ni green pero wala akong maintindihan. Blangko ang utak ko at pakiramdam ko konti na lang iiyak na ko,

"Nag text ka sana," sabi ni grey,

"H-ha?" para akong tangang nakatayo sa harap niya hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"A-aalis na ko.." ang umalis ang dapat kong gawin ngayon.

"Stay. Mag uusap tayo." yumuko siya para kunin ang mga nakakalat na damit, tapos binato sa loob ng kwarto. "Sa kitchen ka muna, Mag bibihis lang ako."

"H-hindi, U-uuwi na ko.." Tumikhim siya at tinitigan ako, Hindi ko siya kayang tignan kaya tinuon ko ang tingin ko sa kamay ko. hinigit niya ako bigla sa kamay at dinala sa kung saan, Hindi ko na talaga napigilan ang mapaiyak. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, Alam ko kasalana ko naman ang lahat, hinayaan ko ang sarili kong magustuhan eto tuloy ang napala ko.

"Ley--" alam ko nakatingin siya sakin pero wala na kong pakelam kahit nakikita niya ang pagiyak ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at naramdaman ko ang pag upo niya sakin. "Dito ka lang, Babalik ako." Umalis siya saglit at bumalik para may ipatong sa harap ko. Bago tuluyang umalis, Iyak pa rin ako iyak, Hindi ko alam kung bakit ako nag kakaganito. First time ko maramdaman ang  ganito kasakit na pakiramdam, Gusto kong sigawan at saktan siya pero alam kong wala akong karapatan na gawin yon. Una pa lang alam ko naman na hindi niya ko gusto, Lalo akong naiyak sa naisip ko, Sana sinunod ko lahat ng bilin ni lola para hindi ako nag kakaganito ngayon. Kasalanan ko talaga dahil ang tanga tanga ko.

"Oo na aalis na nga diba?!" natigilan ako ng marinig ko ang boses ng isang babae.

"Hindi kita pinapaalis, But you really need to go.  Sorry." Mahina lang boses ni grey kaya hindi ko masyadong maintindihan.

"Oo na, I get it! But i need to drink some water, Im thirsty. Saan ba ang kitchen mo?"

"Tss. Ikukuha na lang kita. Dito ka lang." Narinig kong may papalapit na yapak kaya agad akong tumakbo papasok ng banyo. Shit! ayokong makita siya o yung babae na yon. Kailangan ko na talagang umwi! Dapat kanina pa ko umalis eh! Bakit ba hindi pa ko umalis! nakakainis! humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko, namamaga na ang mata ko sa kakaiyak. Nag hilamos ako, Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na okay lang ako,  Paglabas ko sa bahay na to hindi ko na ulit kakausapin o titignan si grey. Ayoko na titigilan ko na ang katangahan ko sa kanya..

"Leyla." huminga ako ng malalim habang nakatitig sa repleksiyon ko ng marinig ko ang pagtawag niya sakin. Pabukas ko ng pinto diretso ang tingin ko sa itim na damit niya.

"G-gusto ko ng umuwi."

"Tss. Then leave." Umalis siya sa harapan ko at lumapit sa upuan ng lamesa para maupo. Parang umusok ang ilong ko sa galit na naramdaman ko.

"Bakit pinaghintay mo pa ako dito kung papauwiin mo rin pala ako?!" saad ko, Gusto ko na talagang ibato sa kanya ang lamesa! Shit!

"What? ikaw ang may gustong umuwi, Hindi kita pinapauwi. Tss!" natigilan ako sa sinabi niya. Shit hindi talaga ako nag iisip ng tama ngayon. Bahala na uuwi na talaga ako. Mabilis ang mga lakad ko na nilagpasan ko siya paalis ng kusina palabas ng condo niya, Ayoko na talaga! Babalik na ko ng probinsya namin!





------
A/N

Nahihirapan akong mag UD ngayon sa LOVELUST ko T.T

VOTE AND COMMENT po!



GreenMasCARA

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now