13

89.1K 979 19
                                    

Pagmulat ko ng mata ko, Nagulat ako sa tumambad sakin.

"WAAAHHH!!" Sabay bangon ang ginawa ko, Si-si-si SHIT!!

"Ang ingay mo naman" parang paos na sabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?!" gulat na tanong ko, Bakit kami mag kasama sa iisang kama?! Double shit talaga! pupungas-pungas siyang bumangon,

"Goodmorning" sabi niya na may ngiti sa labi. napalaki lalo ang mata ko ng makita ang katawan niya na walang damit, narape ba ako? Agad kong tinignan ang sarili ko sa ilalim ng kumot, nakadamit naman ako pero hindi sakin ang t-shirt na to! pero alam ko wala akong suot na bra ngayon..

"A-anong ginawa mo sakin?" tumawa siya ng mahina, Pakiramdam ko nakakatawa ang itsura ko ngayon kaya siya natawa.

"Easy wala akong ginawa sayo" hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa kanya. Hindi naman kasi kapani-paniwala ang itsura niya eh!

"Totoo?"

"Wala ng-- Ah! hinawakan ko pala ang boobs mo pero saglit lang naman, Nakita ko kasi," Sabay tawa niya,

"A-ano?! bastos ka talaga!" Pinag-papalo ko siya ng kamay ko, "Bastos bastos bastos!" tawa lang siya ng tawa na parang hindi nasasaktan sa mga ginagawa ko.

"Akala Aray!, Akala ko ba namimiss mo na ko?" Napahinto ako sa pagpalo sa kanya. Namimiss?

"A-anong namiss?"

"Grey namimiss na talaga kita" Pinaliit niya yung boses niya Sabay yakap sakin. Pero tinulak ko siya kaagad.

"A-ano bang pinagsasabi mo!" tumawa na naman siya, halatang tuwang-tuwa sakin ang lalaking to!

"Ginawa mo yon kagabi," titig na titig na siya saki kaya nailang na ko, iniwas ko ang tingin ko sa kanya bago dahan-dahang bumaba sa kama. "Nasan ba ang damit ko"bulong ko habang papaalis sa kama, Ano bang ginawa ko kagabi? Bakit hindi ko maalala.

"Sa banyo" tinignan ko siya ng masama ng makitang nakangiti siya habang pinapadaanan ang buong katawan ko. Halos abot naman sa taas ng tuhod ko ang t-shirt na suot ko pero pakiramdam ko nakahubad ako sa paningin niya. Manyakis talaga!

nilibot ko ang paningin ko at nakita ko naman agad ang Cr na nasa likod ko lang, Naglakad agad ako palapit don. Pag bukas ko ng pinto Mukha ko kaagad ang nakita ko, at nagulat talaga ako sa itsura ko, Yung make-up na nilagay ni farrah kahapon sabog na tapos may lipstick pa sa gilid ng labi ko. Sabog-sabog pa ang buhok ko! Shit! Nakakahiya ang itsura ko! Buti na lang walang bakat ng laway sa pisngi ko. Grabe! humarap ako sa kanya ng ganito! kaya pala tawa siya ng tawa! shit

Lumapit ako sa maliit na lababo na nasa harap ko, may batong lamesa pa. Don ko nakita ang suot ko kagabi, Sosyal ng banyo, Malaki lang ata ng konti ang kwarto ko sa dorm, dito eh!

"Wala pala akong toothbrush..Nasan na ba kasi ang bag ko?" ayokong lumabas dito na hindi pa bihis eh! Nilapit ko ang mukha ko pinto, "WALA KA BANG EXTRANG TOOTHBRUSH?!" malakas na sigaw ko. Nag hantay ako ng sagot pero hindi siya nagsalita. "GREY!" sigaw ko ulit.

"Pwede mong gamitin yung akin!" narinig kong sabi niya,

"Kadiri ka! Bakit ko gagamitin yung sayo!" narinig kong parang papalapit siya sa pintuan ng banyo.

"Sus! Hinalikan mo nga ako kagabi, Kaya ayos lang yan!" tumawa na naman siya. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Hinalikan ko siya?!

"S-sinungaling.."

"Sa taas na cabinet, meron don" sabi niya pa.

Habang nag totoothbrush ako inisip ko kung ano bang nangyari kagabi, at bakit andito ako sa ewan ko kung bahay niya ba, kasama siya? shit! hindi ko talaga maalala kung ano ang nangari kagabi, Basta alam ko kasama ko sina farrah, Oo nga pala! iniwan na naman ba nila ako? Hindi na talaga ako sasama sa dalawang yon!

Pagkatapos kong mag-ayos lumabas na ko,

"N-nasan na yung bag ko?" nakita kong nakatayo siya sa gilid ng kama habang hawak ang cellphone niya, Mukhang kakaligo niya lang din dahil basa pa ang buhok niya, tapos naka-sando na siya ngayon.

"Sa labas," sagot niya na hindi ako nilingon. Busy masyado sa katext tsk!

Paglabas ko lumapit agad ako sa sofa na nasa gilid ko, Nakapatong don yung shoulder bag na pinagamit sakin ni farrah. Naupo ako tapos hinanap ang cellphone ko,

10 missed call
50 text message

"Eight missed call kay lola? Patay!" tinignan ko kagad yung mga text galing sa kanya.

Bakit hindi mo sinasagot?

Aba! sagutin mo ang tawag kong letchugas ka!

Puro mura na ang nabasa ko galing sa kanya.

Yung ibang text galing kay farrah at loisa pero hindi ko na binasa,

"Patay talaga ako! baka tumawag sa dorm yon! Shit naman!" Hinanap ko kaagad yung sandals ko at mabilis na sinuot, bago patakbong lumapit sa pinto, Bubuksan ko na sana yung pinto pero bigla na lang bumukas kaya nagulat ako.

"HAA!" Nakatingin lang sakin yung lalaking nag bukas ng pinto, Napansin kong may pagkaka-hawig sila ni grey pero parang seryoso ang mukha niya hindi kagaya ni grey na halatang maloko.

"Kung makasigaw naman, Mukhang monster ba ang kapatid ko?" sabi bigla ng babaeng nasa likod niya habang nakataas ang kilay,

"Sorry.." Nilagpasan ako nung lalaki kasunod yung babae, Suplado!

Alam ko sila yung sinasabi na pinsan ni grey pero nakalimutan ko kung anong pangalan nila, Basta kulay yon eh, Red blue green pink? Ano nga ba?

"GREY!" Sigaw nung babae, kaya napalingon ako sa kanya. "Nakakainis si kuya two rounds pa lang knock-out na!" reklamo niya kay grey habang nakakapit pa sa braso nito " Mag laro na kasi tayo!" Ngumuso pa siya. Parang bata lang.

Tinignan ko yung lalaking nakaupo sa sofa, parang ang layo naman ng ugali nila ng kapatid niya. Kinabahan ako ng bigla siyang tumingin sakin kaya napaiwas agad ako ng tingin. Shit! nahuli ako!

"Later. Ihahatid ko lang si leyla," narinig kong sabi ni grey.

Ano ba kasi ang pangalan niya?..

Tahimik lang siya habang nag lalakad kami pa punta sa kotse niya,

"Bakit ka nakatitig kay green kanina?" Tanong niya bigla, habang binubuhay ang sasakyan. Green? Sino yon?

"Gre--Ah! yung lalaki sa taas, Green pala ang pangalan niya.."

"You Didn't answer my question." napalingon ako sa kanya ng marinig ang seryosong tono niya. Galit ba siya?

*****

VOTE AND COMMENT XD

GreenMasCARA

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now