2-9

68.1K 761 24
                                    

"Leyla...marry me.."

Feeling ko may malakas na sumabog sa harapan ko, hindi ko alam kung tama ba ang dinig ko o nabibingi lang ako,

"Ha..?"

"Mag pakasal tayo.." teka nga! nababaliw na ba siya?

"Kasal? Tayo?..lasing ka ba?" Hindi makapaniwalang saad ko,

Naguguluhan ako, Bakit kame mag papakasal? ano na naman ba ang trip niya?

"Wala akong choice leyla, Kung hindi kita papakasalan kukunin nila si gael sayo" pinadaan niya ang kamay niya sa kanyang buhok,

"A-ano?! T-teka nga! Diba nangako ka na hindi kukunin ng magulang mo ang anak ko,"

"Kaya nga magpakasal tayo eh," kunot noong saad niya,

"Gumawa ka ng paraan," Saad ko,

"Ginagawa ko na, Kaya magpakasal na tayo." Nag propropose ba siya? Ang romantic naman,

gusto kong matawa sa mga pinagsasabi niya pero halatang seryoso siya kaya pinigilan ko na lang..

"Hindi, Walang kasalan at hindi niyo makukuha ang anak ko sakin, Wala kayong karapatan!" Mahinahon pero may diin na saad ko,

Huminga siya ng malalim, at pinadaan ulit ang kamay niya sa kanyang buhok, Mukhang galit siya pero kinokontrol niya.

"You know what, Kasalan mo naman lahat to eh, Kung hindi ka umalis at sinabi mo sakin na buntis ka pala, Edi sana nagawan natin ng paraan noon, pero ano? Umalis ka na lang bigla." Paraan? anong ibig niyang sabihin?

tinignan ko siya ng masama,

"Bakit kung sinabi ko sayo, Anong gagawin mo? Sasabihin mo sakin na ipalaglag ko ha! Ganon ba?!"

parang nag akyatan lahat ng dugo sa ulo ko ng hindi siya umimik, shit ka! napaka walang kwentang lalaki mo talaga! Gusto kong isigaw sa mukha niya yan pero hindi ko magawa.

"Umalis ka na." May diin na saad ko bago siya talikuran at bagsakan ng pinto,

Ngayon alam ko na, Na ang tanga-tanga ko noon at minahal ko ang lalaking tulad niya,

Sobrang tanga..

Magang-maga ang mata ko ng magising si gael, Nag pasalamat na lang ako at hindi na nag tanong ang anak ko kung bakit,

Pero nakapag desisyon na ko,

Aalis kami..

Mag hahanap ako ng ibang lugar, yung malayo dito, Malayo kay grey.. Malayo sa kanila..

Kagaya ng dati, Iniwan ko kay claire si gael bago pumasok sa trabaho,

"Anyare sayo te?" Salubong ni malou sakin pero hindi ko pinansin, ayoko ng ikwento pa sa iba ang pag iyak ko kanina,

Buong oras ng trabaho ko nag iisip ako kung saan kami pupunta ngayon,

Hindi na pwede sa probinsya namin, Baka alam na nila kung saan yon, Hays!

Puro problema na lang, Kailan ba matatapos to?

Buong araw akong wala sa sarili ko, Feeling ko pagod na pagod ako, Kahit wala naman akong maasyadong ginawa,

"Para ho," saad ko bago bumaba ng jeep, Muntik pa kong lumagpas, tsk!

Mabagal na tinahak ko ang kalsada patungo sa bahay,

Medyo madilim na pero marami pa ring mga tao sa labas at mga trysikel na nag dadaan,

"Trysikel miss?" Tignan mo to, Nakita ng naglalakad mag tatanong pa,

Hindi ko pinansin ang trysikel driver hanggang sa umalis siya sa gilid ko,

"Leyla! Bakit ngayon ka lang? kanina pa kita tinatawagan" Tarantang saad ni clare habang patakbong lumapit sakin,

"Sorry medyo busy, Makulit ba si gael," balewala na saad ko,

"Leyla...Anong gagawin natin?" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang pag piyok ng boses niya,

"M-may problema ba? Anong nangyari?" Nakaramdam na ko ng kaba ng umiiyak na talaga siya,

"S-sorry leyla...hindi..ko..alam kung anong nangyari..Bigla na lang may kumuha na mga lalaki kay gael,"

Parang gumuho ang mundo ko,

"Tumawag..na..ko..ng..police.."

Dahan-dahan akong naglakad papasok sa bahay ko..
Alam ko...

"Leyla, Sorry..."

Alam ko na sila ang kumuha kay gael

"Anong..gagawin..ko..?" mahinang saad ko bago tumulo ang luha ko,.

"Naghahanap na ang mga--"

"W-wag mo na ipahanap..Alam ko kung nasaan si gael" wala sa sarili na saad ko,

Naupo ako sa sahig ng bahay ko.

"Ha? nasaan?" ani claire.

Sigurado ako na ang mga magulang ni grey ang kumuha sa kanya, Sila lang ang kukuha sa kanya..

"N-nasa lola niya, Please claire iwan mo muna ako.." Mahinang saad ko.

"P-pero sigu--..Sige..ikaw ang bahala, tatawag ko na ang mga police"

"Salamat..." saad ko bago siya umalis.

Kinuha ko ang cellphone ko, Puro text at missed call ni claire ang nakita ko,

Huminga ako ng malalim bago pinatong sa dalawang tuhod ko ang ulo ko,

Bakit kasi hindi pa kami umalis kanina, bakit pumasok pa ko sa trabaho ko, bakit ko iniwan ang anak ko..

Lahat ng pwedeng isisisi sa sarili ko ginawa ko na,

pero..

"Wala na nga siguro akong choice.." bulong ko.

Ano bang laban ko sa kanila?

Wala...

Tinignan ko ang cellphone ko at nag compose ng message..

'Magkita tayo..Please..."

'SEND'


Tama..

pakasalan siya ang dapat kong gawin...


-----

I dont know why im so madrama today! Hahaha
Feeling ko rin ang gulo ng UD ko, May pinag dadaanan yata ako! JK!

YAN LANG PO ANG KINAYA!

VOTE AND COMMENT PO!


GreenMasCARA

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now