2-16

65.3K 768 8
                                    

"Akala ko tulog ka na.." Saad ko nang makalapit ako sa lamesa kung saan nakapatong na ang ulo ni farrah.

"I can't sleep." gumalaw siya pagkatapos ay sumandal siya sa railing ng  terrace.

Binaba ko ang beer na hawak ko tapos lumapit sa kanya.

"May trabaho ka pa bukas diba, Baka hindi ka magising niyan" Saad ko

"Himala lumalapit ka na ngayon sakin ha, Lasing ka ba?" sagot niya na ang layo sa tanong ko. Pinagpatong niya ang dalawang braso niya sabay yuko ng konti para magpantay ang tingin namin.

Umatras ako ng konti para lumayo sa kanya.

"A-anong lasing...Hindi naman ako umiinom.." Shit! kinakabahan na naman ako. kailan ba mawawa tong kabang nararamdaman ko sa tuwing malapit siya.

"Hindi ka umiinom?... But the first time I saw you drunk, you told me that you love me. Remember?" Na gulat ako sa sinabi niya. Binaon ko na sa limot yon pero hindi ako makapaniwala na natatandaan niya pa rin yon.

"W-wala akong natatandaan.." Tinalikuran ko siya. "B-buhatin mo na ng--"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ang braso niyang bumalot sa leeg ko.

Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Sorry.."

Halos tumigil ang pag hinga ko ng tumama ang mainit na hininga niya sa panga ko.

"P-ara s-saan.." humigpit ang hawak niya sakin.

"For everything...I'm sorry.. for everything that I've done to you leyla,.... I regret.. it all..."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nagulat ako... Hindi ko akalain na maririnig ko yon mula sa kanya.

"Let's start over leyla..."

Yumuko ako ng pumatak ang luha sa pisngi ko..

Sorry? Nagsisi siya? Start over?Gusto kong matawa na ewan.

"Mawawala ba lahat ng sakit na naramdaman ko noon sa sorry at pagsisi mo.." matapang na sagot ko.

hindi porque nag sorry siya mawawala  na lahat yon.

Hinawakan ko ang kamay niya para alisin ito. tapos dirediresto akong nag lakad papunta sa kwarto ni gael.
Umiyak ako ng umiyak habang nakatingin kay gael. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Diba dapat masaya ako?

Dapat masaya ako dahil nalaman ko na pinagsisihan niya lahat ng ginawa niya sakin noon diba? pero bakit hindi ko makuhang maging masaya?

Naguguluhan ako sa sarili ko.

Sumisilay na ang liwanag sa labas pero hindi pa rin ako makatulog. Maya-maya lang gising na si gael nito.

tumayo ako para maligo. Ipag-luluto ko na lang ng breakfast si gael.

Pero pag baba ko nagsisi ako kung bakit bumaba pa ako. buti pang nanahimik na lang ako sa taas eh!

"Goodmorning leyla!" Saad ni farrah na nakaupo sa harap ng lamesa habang kumakain. Sa tapat niya si grey na hindi man lang lumingon sakin."Sasabay na ako kay grey ngayon nang magera ko ang pinsan niya! Gagong yon iniwan talaga ako kagabi" Dugtong niya  sabay kagat sa hotdog na hawak niya.

"S-sige.." Nag tataka niya akong tinignan tapos lumipat ang tingin niya kay grey na nasa harap niya. Tapos tingin ulit sakin.

"LQ?" walang lumabas na tunog sa bibig niya. Umiling ako sa kanya.

"Are you done? Let's go." Napalingon kami pareho kay grey ng bigla siyang tumayo.

Dinaanan niya ako na hindi manlang ako tinitignan. Diretso lang siyang lumabas.

"Hays! Kakasabi ko lang na subukan mong ayusin ang relasyon niyo eh, tsk" Niyakap niya ko. " Bye girl, kita na lang ulit tayo.." tumango ako.

ilang minuto pa lang silang nakakaalis ng marinig ko ang sunod-sunod na busina.

Bakit sila bumalik?

"Manang pakibuksan po yung gate" Utos ko sa katulong na nag liligpit ng pinag kainan nila kanina.

"Opo maam" Saad niya bago umalis. Ako na nag tuloy ng ginagawa niya.

"Madam welcomeback" Kumunot ang noo ko ng marinig yon, Madam?

"Thank you manang, May pasalubong ako para sayo. Andyan pa ba si grey?" Kumunot ang noo ko. kaya sumilip na ako.

"Nanay!" Napalingon ako sa hagdan nang marinig ko si gael, Kinukusot niya ang isang mata niya habang bumababa ng hagdan.

"Kakaalis lang po madam"

Sinalubog ko si gael tapos binuhat ko siya.

"Oh my! Leyla! I'm so happy to see you here!" Halata ang gulat sa magandang mukha ng mama ni grey. Yumakap ng ma higpit sakin si gael, Habang nakatingin sa kaya.

"M-magandang umaga po"

kinabahan ako ng makita ang lalaking papasok, Tumigil siya sa gilid ng mama ni grey. Alam ko papa siya ni grey, Pero shit lang hindi ko alam na nakakatakot pala ang papa niya. feeling ko kaharap ko si green ngayon eh.

"M-magandang umaga po.." bati ko sa lalaking matanda.

"Daddy! finally ma-mi-meet mo ang apo and yung wi---...uhmm nag pakasal na ba kayo ng anak ko?"

naguluhan ako sa tanong niya. Diba siya may gusto na makasal kami?

"O-opo.."

"Really? Oh my god! Civil wedding lang ba?" Tumango ako sa tanong niya. "We need to talk about your wedding church, I'm so excited na!" Naguguluhan ako talaga ako sa mama niya, Nung una ko siyang makilala hindi naman siya ganito.

"Ehem.." Napatingin ako sa papa ni grey. "Ang aga mong hyper mommy." natigil ko yata ang paghinga ko ng biglang tumingin sakin ang papa ni grey.

"It's finally nice meeting you ija...and gael.." Napangiti ako ng makitang ngumiti siya sakin.

Inabot ko ang kamay niyang nakalahad sakin.

"Ako rin po.."

"Gael I have a present for you..Look oh!" Nay kinuha na paper bag ang mama ni grey tapos inalabas yung laman non.

"Panda!" Sigaw ni gael sabay kuha non.. pero nilayo ng mama ni grey

"Gusto mo? Pahug muna si lola and lolo" Malambing na saad niya sabay tawa ..

Napangiti ako ng makitang tuwang-tuwang sila nang yakapin si ng anak ko.







-------

UPDATE UPDATE!

I'M PLANNING TO FINISH THIS BEFORE 2016 .. MATAPOS SANA!

•••••
GreenMasCARA



LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now