15

89.7K 893 11
                                    

"Dismissed"

Natapos din sa wakas! Pakiramdam ko lalabas na ang utak ko kung hindi pa titigil si prof. Eh! Nakakapagod talagang mag-aral.. Inayos ko na ang gamit ko para makauwi na.

"Ang tagal mo naman."

"Ay puke!" sigaw ko sa lalakeng nasa pinto.

"Bastos mo, Hahaha!"

"Bakit kasi nang gugulat ka?" tinuloy ko na ang paglalakad ko, Naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

"Malay ko bang magugulatin ka!" napairap ako sa kanya.

"Dadaan ka ba sa dorm niyo o punta na tayo sa party?" tanong niya. Bakit ba nakalimutan ko yung party..

"Diretso na tayo...Saglit lang naman ako," bakit pa ako aayaw, Alam ko naman na mapipilit niya rin ako mamaya.

Pagdating namin sa bahay daw nila violet talagang napa nganga ako, Parang mansyon ang bahay nila sa sobrang laki. Tuloy-tuloy lang ang paglalakad ni grey, Grabe parang ayokong tapakan ang sahig nila sa sobrang kinis. Pagbukas niya ng salamin na pintuan narinig ko ang napakalakas na tugtog at tumambad sakin ang mga taong halos nakahubad na, May iba't ibang kulay ng ilaw ang nagsasayaw sa buong paligid. Akala ko ba birthday party?

"Pool party!" sabi bigla ni grey na halatang excited na, Pool party? Tumakbo niya at dirediretsong tumalon sa tubig.

"WHOOO!!"

sigaw ng mga tao. Parang tuod akong nakatayo pa rin sa pinto. Shit lang! Bakit ba ako sumama!

"Leyla right!" Nagulat ako sa biglang paglitaw ni violet na parang nakahubad sa harap ko, Sobrang kipot ng suot niyang two piece.

"A-ah oo, Happy birthday." nahihiya kong sabi.

"Thankyou. Though I did'nt invite you.." Nakataas ang kilay niya sakin Tapos bigla siyang ngumiti. "Tara! maraming pagkain don," hinigit niya ko, Sobrang dami kaming nadadaanan at halos lahat sila pinapalo ang pwet niya o kaya ay sumisipol sa kanya. Babae o lalaki ganon ang ginagawa.

"Here." inabot niya sakin ang kulay dilaw na plato, Ng makalapit kami sa mahabang lamesa na puno ng pagkain. "Kumain ka lang ng kumain, Libre lang yan." Tumawa siya ng mahina.

"S-salamat."

"Maiwan na muna kita ha," Sabi niya bago umalis. Totoo nga ang sinasabi ni Farrah na masama ang ugali niya. Napailing ako, Kumuha ako ng pagkain bago tumingin sa paligid.

"Saan ako uupo?" walang upuan, Puro nakatayo tapos yung iba nakaupo sa gilid ng pool, Kakain na nga lang akong nakatayo. Lumapit ako sa gilid kung saan walang masyadong tao at don na lang kumain. Paubos na ang kinakain ko ng makita ko si grey na papalapit sakin, Naka short at sandong itim na siya ngayon.

"Bakit dyan ka kumakain?" tanong niya paglapit niya. Gusto kong ipukpok sa ulo niya ang hawak ko kaya lang baka awayin pa ako ng mga babae dito.

"Uuwi na ko."

"Ha? kakadating lang natin ah!" yun na nga eh!  kakadating lang natin iniwan mo na agad akong parang tanga dito!. Gusto kong sabihin pero nanahimik na lang ako.

"Sandali lang." sabi niya tapos iniwan na naman ako. Nakakainis naman! para talaga akong tanga dito na nasa gilid at ako lang ang naka uniform samin. Shit! pagbalik niya may dala na siyang dalawang pulang baso.

"Oh." 

"Ayoko uminom!" tinulak ko pabalik yung kamay niya.

"Pineapple juice lang yan." kinuha ko na yon pero inamoy ko muna, Juice nga lang.

"San ko lalagay to?" pinakita ko yung hawak kong pinggan.

"Ako na." kinuha niya yon bago umalis ulit.

"Leyla!" papalapit na naman sakin si violet pero ngayon may kasama na siyang dalawang babae na nakataas ang kilay sakin. Pakiramdam ko ububully nila ako, "Tara! Mag swimming tayo!" nakangiti siya sakin pero feeling ko plastik na ngiti lang yon.

"Hindi na, Wala akong damit eh." sagot ko.

"So? pwede ka naman mag hubad, Naka-panty-bra ka naman diba?" sabi nung kasama niya. Taga university din siya hindi ko lang alam ang pangalan niya.

"Hindi ako marunong lumangoy.." dahilan ko na lang para tigilan na nila ako.

"Puro butas siguro panty---"

"Cassie!" suway ni violet,

"Okay okay," Tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko tapos ngumiti sakin. "Joke lang yon. Wag ka sana maoffend."

"O-okay lang.."

"Come on leyla, mag swimming na tayo!" hinigit bigla ni violet yung kamay ko.

"T-teka lang.."

"What are you doing Violet?" nakita ko sa gilid namin si grey na papalapit.

"Easy grey! mag swi-swimming lang kami!" hinatak niya na ulit ako,

"Violet!"

SPLASH!!

Napahawak agad ako sa palda ko ng bumagsak kaming apat sa pool.

"See, mababa lang diba, Hindi ka malulunod." saad ni violet bago sila lumangoy paalis na nag tatawanan. Sobrang namumula na ang pisngi ko sa kahihiyan ngayon. Yung ibang tao pinagtatawanan ako yung iba naman parang walang pakelam sa nangyari. Nakakainis sana hindi na ko sumama, Ibubully lang pala ako dito.

"HAAA!" sigaw ko ng maramdaman ang biglang pag angat sakin paupo sa side ng pool, ni Green?

"Ayos ka lang ba?" tinayo ako ni grey sa braso.

"O-oo.." napatingin ulit ako sa pool pero wala na si green don. Bakit niya ko tinulungan?

"Magpalit ka muna, Then ihahatid na kita." sabi niya, Inakbayan niya ko tapos naglakad na kami paalis. Hiyang hiya ako sa itsura ko ngayon. Bakat na bakat ang bra ko, Shit! nakakainis sila!

Umakyat kami sa mataas na hagdan bago tumigil sa harap ng isang malaking pinto na may kulay brown. Sobrang lamig ng naramdaman ko pagpasok sa loob.

"K-kaninong kwarto?" tumayo ako malapiy sa pinto at hinimas ang dalawang braso ko.

"Kay green." binuksan niya yung malaking aparador. "Wala bang pangbabae dito.." bulong niya pa habang kinakalkal yung damitan ni green.

"B-baka magalit yon dahil pinapakelaman mo ang gamit niya." sabi ko.  Sana tuwalya mu na ang iabot niya lamig na lamig na ko eh!

"I dont mind." nagulat ako ng marinig ang boses mula sa likod ko kasabay non ang pagsara ng pinto. "Grey, How many times do I have to tell you, na wag mong kalimutang isara ang pinto ng kwarto ko." dagdag niya. Tumaas ang balahibo ng maramdaman ang pagdaan niya sa gilid ko. Walang damit na likod niya lang ang nakita ko.

"Oo na, Weirdo." sagot ni grey.

Okay! Bakit nasa isang kwarto ako kasama ang dalawang lalaki? Kinabahan ako sa naisip ko. Shit!

******
OMG! Threesome ba ito? Hahaha

VOTE AND COMMENT!

GreenMasCARA

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now