2-6

78K 975 24
                                    

"Hindi ka pa ba uuwe?" tanong ko pagkatapos kong patulugin si gael, Alas tres na yata ng madaling araw pero hanggang ngayon andito pa rin siya,

Kanina pa ko naiilang sa kanya, Paano habang pinatulog ko si gael nakatingin lang siya samin.

"Pinapauwi mo na talaga ako," Mahinang saad niya,

"Oo, Anong oras na eh," tumayo ako tapos tinignan siya,

"Ihahatid na kita sa labas," sabi ko pa,

Inabot niya ang sapatos niya at sinuot yon bago tumayo,

"Hindi na, make sure na naka double lock ang pinto niyo pati yung mga bintana," Tinuro niya yung bintana, "Delikado na ang panahon ngayon," sabi niya pa, Nagulat ako sa sinabi niya, Ano daw? hindi ko napigilan ang matawa,

"O bakit?" takang tanong niya,

"Wala," Lumapit ako sa pinto at binuksan,

"Sige na umalis ka na," inirapan niya ko,

"Oo na, Aalis na. Excited masyado." sabi niya bago lumabas ng bahay, Tinignan ko ang likod niyang papalayo.

Feeling ko ibang grey ang kaharap ko ngayon, Parang hindi na siya yung lalaking nakilala ko noon,

"Grey," tawag ko,

"Hmm?" humarap siya sakin.

"S-sorry pala kanina.. at salamat.." Hindi siya sumagot, tinignan niya lang ako,

Kinabahan ako ng naglakad siya palapit sakin, paghinto niya sa tapat ko pinag patong niya ang dalawang kamay niya sa dibdib sabay yuko palapit sa mukha ko,

"Ano--"

"Apology not accepted." Saad niya.

"H-ha?"

"Ang lakas kaya ng sampal mo, So dito na lang ako matutulog" sabay ngiti niya, Shit! akala ko.. wala!

"H-hindi pwede noh! Umalis ka na nga!" tinulak ko siya ng mahina,Pakiramdam ko namumula ang pisngi ko ngayon. Shit naman! 

akala ko talaga hahalikan niya ko!

"Sige na, Inaantok na ko. Baka maaksidente pa ko niyan, Sige ka,"

"Pakelam ko sayo! alis na!" Tinulak ko siya ulit pero hinuli na niya ang kamay ko.

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso,

"Stop pushing me, Leyla." seryoso ang pagkakasabi niya, tapos biglang ngumiti ulit

"Oo na, Goodnight." nagulat ako ng tunulak niya ko ng mahina papasok ng bahay,

"Lock the door," sabi niya pa bago isara yung pinto.

Tulala ako habang nakatingin sa saradong pinto, Bakit ganon.. Kahit limang taon na ang lumipas,

Ganon pa rin ang nararamdaman ko sa kanya..

Baliw ka na talaga leyla!

Nakatulog akong si grey ang laman ng isip ko,

---

Isang buwan na ang nakalipas nung nawala si gael, Nakahanap na rin ako ng trabaho sa isang maliit na coffee, Maliit lang sahod pero okay na rin, Atleast may monthly income kami ni gael,

Isang buwan na pero hindi ko na ulit nakita si grey.. Kahit anino niya lang, Ano na bang nanyari sa kanya bakit hindi na siya bumalik sa bahay? Lagi kong tanong sa isap ko,

heto na naman ako, Sinabi ko nang ayakong magulo ang buhay namin dahil sa kanya pero wala akong ginawa kundi ang hintayin ang pag balik niya sa bahay, hays! nababaliw na yata ako! ako lang nag papagulo ng buhay ko eh!

"Earth to leyla, hello!" napakurap ako ng biglang may kumaway na kamay sa mukha ko,

"Kaya wala tayong customer eh," ani heidi, kasamahan ko sa trabaho,

"Sorry," Tinanggal ko ang kamay ko sa baba ko, tapos tumayo ako ng maayos,

dalawang linggo na rin ako dito, at halos ng kasamahan ko dito close ko na, mababait kasi sila, tapos apat lang kami,

"Everyday ka na lang tulaley ate, Wala kang boyfriend noh!" ani ng bakla pero babae naming kasamahan, Babae siya pero kung umasta parang bakla eh,

"Bakla ikaw lang naman ang maraming jowabels eh!" Tumawa si heidi,

Ako ang pinaka bata sa kanila pero ako lang ang may anak, puro dalana daw sila,

Pag nag lolokohan sila naaalala ko si farrah at loisa sa kanila, Kung ano-anong kalokohan rin kasi ang alam nila,

Na-mimiss ko tuloy sila.. Makikita ko pa kaya sila,

Tanga ko kasi! nakita ko na si grey pero ni isang beses hindi ko sila natanong sa kanya,

Ilang customer lang ang pumasok samin sa maghapon kaya hindi ako napagod, Nagbihis na ko ng matapos ang shift ko,

"Mauna na ko ha," Paalam ko sa kanila,

"Sige ingat girl!"

Isang sakay lang ng jeep pauwi samin, kaya kahit mababa lang ang sahod hindi na ko aalis don, Mas okay na don kasi makakauwi agad ako,

Pagdating ko sa tapat ng bahay ko may nakita akong itim na kotse, Kinabahan agad ako, Hindi ko alam kung dahit sa takot o excited ako, grey..

Mabilis ang bawat hakbang ko palapit sa bahay,

Nakita ko si claire sa baba ng hagdan niya habang kausap ang isang babae, Akala ko siya na..

"Leyla!" napalingon sakin yung babaeng kausap niya, nilakihan ako ng mata ni claire, pero hindi ko alam kung para saan yon.

"Buti dumating ka na," sabi niya habang papalapit sakin, 

"Kanina ka pa hinihintay ng ale na yan, kilala mo ba?" bulong niya sabay ngiti sa babae,

ha?

nagtataka akong napatingin sa babaeng may blonde na buhok, Parang foreigner siya tapos nasa fifty na siguro ang edad niya pero bakas pa rin ang kagandahan sa mukha nito, At halatang mayaman, parang donya eh,

"Magandang gabi po," Magalang na saad ko,

"Good evening hija, Are you leyla navarro,"

"Opo maam," bakit kilala niya ko, Bigla siyang ngumiti tapos pinagdikit niya ang dalawang palad niya, Parang na eexcite,

"Finally! Where's gael? I wanna meet him,"

"P-po?" bakit kilala niya ako? pati ang anak ko? sino ba siya?

"Nanay!" Napalingon kami pareho sa taas ng hagdan, tumatakbong bumaba si gael palapit samin,

"Ohh! Siya na ba si gael?" tanong niya habang namimilog ang bibig at mata niya,

"Come to lola, My grandson," Sabi niya pa kahit hindi naman ako sumagot,

"Lola?" takang tanong ni gael,

hindi ko alam kung ano ang nangyayari! lola? grandson?

"Yes, ako ang mommy ng daddy mo baby," sabi niya pa sabay yuko sa harap ni gael,

"Kamukhang-kamukha mo ang daddy mo apo ko,"

Halata ang saya sa tinig niya,

"Daddy ni gael? talaga po! nasaan na po ang tatay ni gael?"

"Nasa bahay, Puntahan natin gusto mo," sunod sunod na tumango si gael,

"Nanay puntahan natin si tatay!" lumapit siya sakin sabay hila ng kamay ko,

Shock na shock ako sa nagyayari na halos hindi ako makagalaw o makapagsalita,

Shit!

Bakit andito ang mama ni grey?!







*******

PLEASE

VOTE AND COMMENT

THANK YOU! XD


GreenMasCARA


LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now