2-4

76.3K 830 18
                                    

Sobrang sama ng pakiramdam ko kahapon kaya akala ko mag kakasakit ako, Pero buti na lang hindi nangyari yon,

"Ubusin mo yan ha, Pupunta tayo ng mall pagkatapos mo. Okay?" Saad ko kay gael habang kumakain siya, Puro lutong ulam sa karindirya na lang ang kinakain namin mag ina kaya naisapan kong mag mall ngayon para makabili na ng mga gamit namin,

"Opo nanay ko," Sumubo siya ng konti pero kung makanguya akala mo puno ang bibig, Natawa na lang ako sa ginawa niya, Napaka bibo niya talaga, kaya lang sobrang kalat pag kumakain, Tapon-tapon sa sahig yung mga kanin niyang puro sabaw,

Hanggang ngayon wala pa rin akong trabaho, Maganda sana yung trabaho Sa G.O corporation, Bwiset lang ang boss, Hindi ko matatagalan na kasama si grey ng ilang oras,

Tahimik na kami ng anak ko, ayokong paguluhin pa ang buhay namin dahil sa kanya,

pero kahapon hindi ko inasahan na pupunta siya dito, Sa mismong bahay ko, Malaking palaisipan sakin kung bakit siya nag punta dito, Pati ang mga emosyon na nakita ko sa mata niya, Hindi ko alam, Ang gulo niya talaga,

Wala lang siguro siyang magawa sa buhay niya, Tsk! teka nga! Bakit ba iniisip ko pa ang lalaking yon? naman! erase erase! Wala na kong pakelam sa kanya,

Masaya na ko na kasama ko si gael sa buhay ko..

"Nanay!"

"Oh?" gulat na tanong ko, Pag tingin ko sa pag kain niya wala na, malinis na rin yung sahig namin,

"Tapos nang ka ng kumain?" takang tanong ko,

"Kanina pa po tapos si gael, Bakit ka po nakatingin dyan nanay?" Sabay turo niya sa pader, 

"Ha? wala, May iniisip lang si nanay. Ligo ka na" saad ko bago tumayo, Pag gulo talaga sa buhay ko si grey! Tsk!

Pagkatapos kong ayusan si gael, Mabilis na nag ayos ako, tapos nag byahe na kami pa punta sa pinaka malapit na mall, .

Pag dating sa mall sobrang dami ng tao, Parang may event na nagaganap sa first floor,

Binuhat ko na si gael dahil Sobrang siksikan ang dapa kong gawin makarating lang sa escalator,

"Nanay may artista," artista?

"Sino?" gusto ko mang tumingin sa likod ko, pero hirap na kong makagalaw,

"Hindi po alam ni gael, May tao lang sa malaking white na tv"

"Ahh.." Hindi ko siya naintindihan..

Pag dating sa thirdfloor nilapag ko na siya, Hindi ko talaga kayang buhatin ng matagalan ang anak ko, tsk,

Puro pang kusina muna ang binili ko, Ayon kasi ang kailangan namin, tsyaka na lang ang kama pag nakahanap na ko ng trabaho, Mahigit isang libo rin ang nagastos ko ngayon eh,

"Hawak lang kay nanay ha, Maraming tao baka mawala ka," Tumango tango siya mas hinigpitan niya ang pag kapit sa laylayan ng damit ko,

dalawang plastic bag na kasi  ang hawak ko, Kung alam ko lang na maraming tao ngayon iniwan ko na lang siya sa bahay.

Napahinto ako sa paglalalad ng makita ang kotse-kotsehan na naka display sa isang shop, Walang toys si gael. Naiwan lahat sa probinsya, Puro hiram lang sa mga anak ni claire ang laruan niya ngayon,

"Gael gusto mo ba---Gael!" shit!  nataranta ako ng makitang wala siya sa gilid ko, Nasaan siya? nakakapit lang siya kanina sakin ha,

Malakas na tumunog ang hawak kong plastik ng bigla kong bitawan yon.

"Gael!" malakas sigaw ko, halos lahat ng taong kasabay ko at masasalubog ko ay nakatingin sakin,

"Kuya nakita mo ba yung bata sa tabi ko kanina?" tanong ko sa dalawang lalaking nakita ko,

"Hindi miss eh," Sagot nung isa, bakit hindi?! Nasa likod ko sila diba?! Shit!  Nagulo ko ang buhok ko at agad na binalikan lahat ng dinaanan namin,

"Shit..Gael!" halos naikot ko na ang buong third floor pero hindi ko siya makita,

"Miss anong problema?" Lumapit sakin ang isang security guard, Hindi ko alam kung saan siya galing,

"N-nawawa po ang anak ko, Paki hanap po please.." Naiiyak na ko sa takot na nararamdaman ko, Linga ako ng linga sa paligid ko, Hindi ko alam kung nasaan na ang anak ko,

"Uminahon lang po tayo maam, Hahanapin po namin ang anak niyo, Bumaba po muna tayo para ma paging natin," saad niya, Tumango ako tapos sumunod sa kanya,

Nang madaanan namin ang mga pinamili ko mabilis kong dinampot yon tapos bumaba na kami,

Lumapit si manong guard sa isang babae, At may sinabi,

"Maam dito po," tawag sakin ni kuyang guard, Natataranta ako at hindi ko alam ang gagawin ko,

"Miss nawawala yung anak ko," mabilis na sabi ko,

"Uminahon lang po kayo maam, Anong pangalan ng bata?" kinalma ko ang sarili ko,

"Gael navarro.."

"Maam ano pong suot niya ilang taon na?" tanong ulit nung babae,

"Naka white siya na panda tapos maong short, may bitbit siyang panda na stuff toys,"

"Okay po maam," sabi niya tapos sinabi niya lahat ng sinabi ko sa maliit na mic na nasa harap niya, tatlong beses niyang ginawa yon,

"Maam mag hintay lang po tayo, Im sure pa punta na po dito ang anak niyo" Saad niya tapos ngumiti siya sakin, tumango ako at tumingin sa paligid habang nag dadasal na sana makita ko na ang anak ko,

Every five minute nag papaging siya tungkol kay gael, Pero lumipas na ang isang oras dalawa lima, nauubos na ang mga tao sa mall nag sasara na ang mga shop sa loob, Mag sasara na ang mall

pero

walang nag dala sakin ng anak ko,

"M-miss nasaan na ang anak ko?.." luhaan na saad ko, Halata na aawa sakin yung babae pati si kuya guard,

"Maam wala po ba kayong kasama?"

"W-ala.."

Natahimik sila, iyak na ko ng iyak, takot na takot hindi ko alam ang gagawin ko..

"Maam baka naman po may nakakita na kakilala niyo tapos inuwi na sa inyo, Naikot ko na po ang buong mall pero hindi ko talaga makita ang bata.." Saad ni kuyang guard, Imposible yon, Wala naman akong kilala dito kaya sino ang mag uuwi sa kanya..

"Umuwi po muna kayo maam, check niyo po muna sa bahay niyo.." Hindi ko na sila maintindihan, Gulong gulo ako, hindi ko alam kung nasaan ang anak ko sino ang nakakuha sa kanya kung may nakakuha ba sa kanya, paano kung nakalabas na siya ng mall, Saan k siya hahanapin,.

Gael...nasan ka na?..

Yan ang huli kong naisip bago dumilim ang paningin ko..









******
Kyaaaahh! bakit nawala si gael?!

OMG NASAN NA SIYA?!


VOTE AND COMMENT GUYs XD


GreenMasCARA

LOVELUST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon