6

100K 1.1K 16
                                    

"Ito suotin mo girl" inabot ni farrah ang isang silver na damit, Pag ladlad ko non, lumuwa ata ang mata ko.

"Ano ba to? gagawin mo ba kong pokpok?" binato ko pabalik sa kanya yon,

"Makapokpok ka naman girl! Favorite ko kaya to!" tinapat niya sa katawan niya yung damit na kulang sa tela sa sobrang iksi, Ang laswa pang tignan.

"Wag naman yan." sabi ko.

"Tsk! Arte talaga ng virgin na to!" nagkalikot pa siya sa maliit na aparador niya,

"Eto?" hinarap niya sakin ang itim na damit, "Okay to, Hindi masyadong malaswa," sabi pa niya.

"Sige..Saan ba kasi tayo pupunta?" tumayo ako at kinuha yung damit sa kanya.

"Bar." bar?

"Yung may mga dancer na sumasayaw?" takang tanong ko. Anong gagawin namin don? humarap siya sakin tapos pinatong ang kamay sa bewang.

"Gaga! Yung disco bar, Tsk!"

diaco bar?

"Malay ko ba.." bulong ko, Naglakad ako para lumabas.

"Saan ka pupunta?" tanong niya bigla.

"Ha? mag bibihis." sagot ko.

"Bakit sa baba pa?" bigla kong naalala yung dalawang ka boardmate namin. Baka gawin ni farrah sakin yon.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" taas kilay na tanong niya.

"W-wala! sa baba na ko." Lumabas na agad ako ng kwarto namin.

Sinuot ko yung damit pag dating sa cr, Hanggang hita lang ang haba non at masikip sa katawan ko pero hindi naman siya malaswang tignan katulad nung silver na damit, parang tinipid sa tela eh!

Pag akyat ko nagulat ako sa suot niyang kulay itim na damit, Halos kita ang dibdib niya pati likod niya kitang kita.

"Sexy ko diba," umikot pa siya sa harapan ko, napailing na lang ako sa kanya. Sana naghubad na lang siya. Ang laswa eh!

"Maupo ka dito, Aayusan kita," lumapit siya sa kama niya para maupo,

"Wag na.. okay na ko." sagot ko

"Arte talaga! halika dito!" napahinga ako ng malalim bago lumapit sa kanya.

Kung ano-ano ang nilagay niya sa mukha ko tapos kinulot niya ang ilalim ng mahaba kong buhok.

"Ganda mo lalo girl!" hinarap niya sa mukha ko ang isang maliit na salamin. " light makeup lang ang ginawa ko pero ang ganda mo pa rin!" sabi niya pa.

Nakakapanibago ang mukha ko pero hindi nga makapal yung make-up, Napangiti ako dahil nagustuhan ko talaga ang ayos ko ngayon.

Nagmake-up din siya at pagkatapos niya tumayo na siya.

"Tara na!" tinignan ko siya, Nagagandahan talaga ako sa kanya kahit anong ayos niya naman maganda siyang tignan, Sexy pa.. Kaya lang ang landi niya talaga.

Sumakay kami ng taxi tapos sinabi niya kung saan kami bababa, Ilang minuto lang huminto kami sa harap ng building, May hagdanan paakyat sa pinto non kung saan maraming mga tao ang pumapasok.

"Loisa!" Hinigit niya ko paakyat sa hagdan, medyo nahirapan ako dahil sa sapatos na pinasuot niya sakin, Hindi talaga ako sanay sa mga ganito.

"Ang tagal niyo ha!" singhal niya samin.

"Sorry bff, Ang bagal nito eh!" tinuro niya ako.

"Lets go na," nauna na siyang pumasok sa loob. Kagaya ni farrah parang nag kulang din sa tela ang pula niyang damit.

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now