2-8

70.8K 872 24
                                    

Kahit nangako si grey na hindi nila kukunin ang anak ko sakin hindi pa rin ako mapakali, ilang araw na kong lutang kakaisip tungkol don. Natatakot ako.

Pinatong ko sa may baba ko ang kamay ko, Andito ako sa coffee shop at iilan lang ang customer namin,

Napaka tahimik kaya hindi ko mapigilan ang mag isip ng kung ano-ano.

Kung sakaling gawin talaga ng parents niya yon, alam kong wala akong laban.

Nag buntong hininga ako, Ano bang gagawin ko at ano bang ginagawa ng grey na yon?
Tatlong araw na ang kalipas simula ng mag punta ako sa office niya at hanggang ngayon hindi pa rin nag papakita ang manyak na yon

Teka nga! bakit ba hinihintay ko siya? Tsk! Umayos ka nga leyla!

Napabuntong hininga ulit ako..

Mababaliw na yata ako.

"Pang Sampung buntong hininga mo na yan te, Ano bang problema?"

"Hay nako bakla! Kahapon pa ganyan yan," singit ni heidi.

Inikot ko ang mata ko tapos tinanggal ko ang pag kakapatong ng kamay ko sa baba ko.

"Wala, Marami lang akong iniisip" sagot ko sa mga kasamahan ko, Napansin ko ang tinginan nila,

"Bakit hindi ka sumama samin mamaya, Gimmick, Nang makalimutan mo muna ang mga iniisip mo" Saad ni heidi

"Korak te!" Singit ni malou

"Alam niyo naman na may anak na ko, kaya hindi na ko pwede sa mga gimmick gimmick na yan," sagot ko,

"Hay nako leyla, maaga ka talagang tatanda!" ani malou sabay irap sakin,

Hinayaan ko na lang sila, tsyaka wala naman akong hilig sa mga ganon, Malamang tutunganga lang ako,

Pero..

Feeling ko nga ang tanda ko na tsk! puro problema ba naman kase ang iniisip ko, nag buntong hininga ulit ako. Buhay!

Natahimik kaming tatlo ng may dumating na customer,

Naging busy na kame hanggang mag uwian kaya hindi na nila ako napilit na sumama sa kanila.

"Nanay! Nasan pasalubong ni gael?" Salubong agad ng anak ko pag bukas ko ng pinto, Shit! nakalimutan ko yung bulate niya, Naman!

naupo ako sa lapag at agad naman lumapit si gael sakin,

"Sorry baby nakalimutan ni nanay, Bukas na lang ha," sabay himas ko sa ulo niya.

"Ayy...Pero okay po" sagot niya

Ano ba yan! Ayoko pa naman nasisira mga pangako ko sa kanya,

"Bukas talaga baby ibibili kita ng bulate mo, Pa kiss na, Yung matunog ha," hinawakan ko ang dalawang pisnge niya at mahinang pinisil,

"Uhhmuua!"

"Sarap naman" nakakatuwa talaga ang anak ko, Hindi ko na mapigilan na kuritin ang pisnge niya.

Hindi ko kakayanin kung mawawala sakin ang si gael..

------

TOK TOK TOK!

Dahil sa malalakas na katok na yon nagising ako sa himbing ng tulog ko, Sino bang baliw ang bibisita samin sa ganitong oras, Shit!

"Walang tao!" sigaw ko, tinatamad na dinukot ko sa ilalim ng unan ko ang cellphone ko,

TOK TOK TOK!

bwiset!

"Sandali!" tinamatad na naupo ako at tinignan ang oras sa cellphone ko, Alas tress na ng madaling araw, Sino ba tong kumakatok!

lumapit ako sa pintuan,

"Sino yan?" tanong ko,

"Sino yan?!" Sigaw ko ulit ng hindi sumagot ang nasa labas,

Kinabahan ako ng hindi pa rin sumagot ang nasa labas, Baka mag nanakaw!

Lumapit ako sa bintana at binuksan yon para sumilip, pero dahil sa dilim sa labas hindi ko ma aninag ang mukha ng tao sa labas,

Shit! Mag nanakaw nga yata, Tatawag na ba ako ng polic--

"Leyla.."

Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko ng marinig ang familiar na boses na yon, Anong ginagawa niya dito?

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto,

"Grey, anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko,

Seryoso siya at halata ang pagod sa kanyang mukha,

"Leyla...Marry me.."

"Ha...?"

-----

SHORT UPDATE GUYS!
WAIT NIYO UD KO MAMAYA XD

PLEASE VOTE AND COMMENT

GreenMasCARA


LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now