2-21

63.6K 677 11
                                    

nakaligo't na ko't lahat pero hindi pa rin maalis sa isipan ko kung sino ba si greyella. Alam ko wala naman kapatid si grey eh Pinsan kaya? Ehh.. Hindi rin. Puro color ang pangalan ng mga pinsan niya. Ayy! Baka Hindi lang naman yata si green at violet ang pinsan niya. Psh! Bahala na nga!

"bakit?"

"Pukee!" Napasigaw ako sa gulat.

"SAAN?!" parang tanga na sumlip pa siya sa ilam ng lamesa. Mukhang tutulo pa ang laway! Bwiset! Hindi ko napigilan ang pag ikot ng mata ko. Sarap sinapain!

Kagabi lang parang napaka seryoso niya. Bakit ngayon parang baliw siya?

"Bakit ba kasi bigla ka na lang nag tatanong, di naman kita kinakausap!" Inirapan ko siya.

Hindi ko napansin na andito na pala ako sa kusina. Bwiset kasing greyella yan eh! Sino ba kasi siya?!

"Kasi.. kanina ka pa nakatayo dyan. Tulala ka pa" ngumisi siya sakin bago naupo sa harap ng lamesa. Pinag ekis niya pa ang tuhod niya. "Ipagluto mo na ako" saad niya pa sabay ngiti ng wagas sakin. Agad naman kumunot ang noo ko.

Hari? Ayos ha!

"Kanina ka pa dito di' ka pa nag luto!" Reklamo ko bago kumilos para ipagluto siya. Madali lang naman magluto kaya kahit nag reklamo ako ginawa ko pa rin ang sinabi niya.

"Wanna go somewhere?" Tanong ni grey habang kumakain kami.

"May trabaho ka diba?" Sagot ko.

"Tss. Di man lang tinanong kung saan" bulong niya na rinig ko naman. "Pwede ko naman gawin dito sa bahay ang trabaho ko. Besides, 3days wala sila manang dito. Sino na lang kasama mo?" Saad niya,

"Kaya ko naman mag isa dito no!" Sagot ko.

"Anong kaya? Paano kung may pumasok na mag nanakaw dito, marape ka pa!" Agad lumipad ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya. Mag nanakaw? Rape? Ano bang pinag sasabi nito?
"Minsan lang kita masolo, sasayangin ko pa ba?" Mahina lang ang pag kakasabi niya pero narinig ko pa rin. Kakalinis ko lang ng tenga eh!

Tsk! Sa tingin mo palang pakiramdam ko ninanakawan na ko eh! Paano pa kaya pag tumitig pa? Edi na rape na ako! Gusto kong sabihin pero hindi ko ginawa. Baka ano pa isipin niya. Manyak pa naman siya.

Sa kanya dapat ako mag-ingat!

Umiling na lang ako, parang ang saya niya pa na wala dito ang magulang niya at ang anak niya. Habang ako, parang mamamatay na sa pag kamiss kay gael, hindi ako sanay na hindi siya makita pag gising ko...

"Hugasan mo yung pinggan pag tapos mo dyan ha," saad ko bago tumayo.

"Wha-"

"Ako nagluto." Saad ko agad tapos iniwanan ko siya.

"Leyla naman!"

"Bahala ka sa buhay mo..." Bulong ko.

Dumiretso ako sa sala at binuksan ang TV lilibangin ko na lang ang sarili ko sa panunuod.

Pero nakailang lipat na ako sa TV wala pa rin akong makita na magandang palabas.

"Ang papangit! Tsk! Cartoons na nga lang" bulong ko sa sarili ko.

Tsk! Bumilis sana ang oras ng matapos na ang araw na to at ng makauwe na ang anak ko namimiss ko na siya eh.

Pero imbis na bumilis feeling ko ang bagal-bagal ng oras! Inip na inip na ako. Bumuntong hininga ako.

Wala pang isang taon simula ng bumalik ako dito sa maynila pero ang komplikado na ng buhay ko.

3days na kasama si grey

Kung noon siguro nangyari to baka masaya pa ako.

Pero ngayon, hindi ko alam. Dapat ba na maging masaya ako sa nangyayari sakin ngayon?

Nagulat ako ng marinig ko ang malakas na pagbagsak ng...pinggan? Tumayo ako para pumunta sa kusina.

Napailing ako ng makita ang basag na pinggan sa sahig.
Hindi nga ako nagkamali. Tsk tsk! Kawawang pinggan!

Magsasalita na sana ako ng biglang mahulog ulit ang pinggan, na gumawa ng napakalakas na ingay. Naman!

"Uubusin mo ba ang pinggan?" Halatang iritado siya ng tumingin sakin. Inirapan pa ako. Aba't gumaganti sa mga irap ko kanina.

Gusto ko matawa kaya lang hindi ko magawa, baka bigla akong batuhin ng basong hawak niya eh..

"Tsk tsk. Ako na gagawa niyan" saad ko. "Kawawa naman ang pinggan eh. Baka maubos" dagdag na saad ko.

Lakas talaga ng trip nito! Kanina iritado ngayon pangisi-ngisi na naman. Dapat yata hinayaan ko na lang siya dito eh!

Maingat ang paglapit na ginawa ko sakanya. baka makatapak ako ng bubog mahirap na

"Ligpitin mo na lang yung mga nabasag" utos ko.tapos kinuha ko ang basong hawak niya. "May gloves talaga.." bulong ko.

"Proteksyon yan" tinaas niya ang dalawang kamay niya. "Parang condom. Proteksyon" bigla kong nahulog yung baso pero buti na lang hindi nabasag. Tinignan ko siya ng masam.

"Bastos ka talaga!" Tinawanan niya ko.

"Anong bast--AH! pwe! May sabon!"

"Wag ka na ng magsalita." Pinunas niya sa braso niya yung bibig niya. dalhin sa ginawa ko na pag pigil sa kanya magsalita, nalagyan ng sabon ang bibig niya.

Tinignan ko siya ng mapansin na hindi niya ginawa ang inutos ko. Tinitignan lang ako ng walang hiya!

"Mag walis ka na. Ayusin mo--haa!"

Literal na tumalon ang puso ko ng maramdaman ko ang dibdib niya sa likod ko. Shit!

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko lalo na ng hawakan niya ang dalawang kamay ko at ginaya ang ginagawa ko sa baso.

Sobrang linis na ng baso .. Hindi ko alam kung ilang beses ko ng sinasabon yon. Hindi ko kasi magawang bitawan

"S-sabi ko ayusin mo yung nabasag eh" umasta akong walang pakelam sa ginawa niya kahit na pakiramdam ko bibigay na ang tuhod ko! Shit!

"Aayusin ko. Pagtapos natin mag hugas" nag tayuan ang balahibo ko ng ng tumama sa leeg ko ang hininga niya. Shit! Shit! Ang init!

Ano bang ginagawa mo! Papatayin mo ba ako!
Gusto kong isigaw sa kanya pero hindi ko magawa.

Ilang minuto na ang lumipas pero nanatili pa rin siyang tahimik. Pakiramdam ko rinig na rinig niya nga tibok ng puso ko.



"Hmm..Leyla"

"Uhmm?"

"Hanggang kailan mo sasabunin yung baso?" Saad niya. Alam ko nakangiti siya kahit hindi ko siya tignan.

Gusto ko ng ipukpok sa kanya ang basong hawak ko!

Pero...

Hanggang kailan ko nga ba sasabunin ang basong to?!

Shit!!!

"B-bwiset ka!" Sigaw ko sa kanya sabay siko sa sikmura niya.

Nakahinga ako ng maluwag ng nakawala ako sa kanya. Hindi na ako nag aksaya ng oras, lumabas agad ako ng kusina.

Nasa hagdan na ako pero rinig na rinig ko pa rin ang malakas na tawa niya.

Ang tanga ko! Nakakahiya!



------

SOBRANG TAGAL WALANG UD DIBA?
SORRY NA XDXD

**
GREENMASCARA


LOVELUST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon