2-22

64.5K 712 16
                                    

"Ahh..aray! Tama na nga!" Tinulak ko ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko. Hindi ko alam kung masahe ba ang ginagawa niya o minamanyak niya lang ako. "Tsk! Tama na sabi eh!" Tinignan ko siya ng masama.

"Arte. Pinagsisilbihan ka na nga" umalis siya sa likod ko tapos umupo sa tabi ko. "What do you want for dinner?" Tanong niya habang nililipat ang TV.

"Mag luluto ka? Yan na lang, favorite ni gael yan eh" kinuha ko sa kanya ang remote.

"Yeah." Sagot niya.

"Kahit ano na lang" kung andito si gael malamang tawa na ng tawa yon. Gustong-gusto niya ang cartoons na to eh!

"Anong recipe non?" Napatingin ako kay grey dahil sa sinabi niya. Recipe saan?

"Ha?"

"Kahit ano, anong pagkain yon?" Sarap niyang bigwasan.

"Ewan ko sayo" binalik ko ang atensyon ko kay spongebob.

"Sa labas na lang kaya tayo mag dinner?" Sabi niya pa.

"Ayoko, tinatamad akong lumabas."

"Ganyan ka ba talaga pag wala si gael? Para kang walang buhay." Kunot noo niyang tanong,

"Oo, si gael lang ang buhay ko eh" sagot ko, miss ko na talaga ang anak ko. Parang bagot na bagot ako pag wala siya. 3days matapos ka na!

"Paano naman ako?" Nagulat ako ng bigla niyang pinatong sa balikat ko ang ulo niya. Kanina pa siya ganyan sakin.

Pagkatapos ng nangyari kanina sa kusina umakto na siyang ganyan. Bigla na nga lang akong minasahe tapos Pag sisilbihan niya daw ako. Ano na naman kayang trip niya? Yung hiyang naramdaman ko kanina napalitan na ng inis sa kanya.

Ginalaw ko ang balikat ko para maalis ang ulo niya.
Pinili kong wag sagutin ang tanong niya. Hindi ko naman siya buhay eh. Problema ko siya. Tsk!

"Paano ak--Ahh! Shit!" Hinawakan niya ang leeg niya at mukhang nasaktan talaga siya. Napalakas yata ang tulak ko sa ulo niya.

"Sadista ka talaga! Ahh...nabali yata ang leeg ko" hinimas himas niya ang leeg niya. Makokonsensya na sana ako sa ginawa ko sa kanya peron nakita kong ngumisi siya.

"Nabali? Edi sana patay ka na," inirapan ko siya. Pinag tritripan niya talaga ako.

Nanahimik siya kaya akala ko titigil na siya sa pangungulit sakin pero naramdaman ko na lang ang kamay niya sa balikat ko. Tinignan ko siya pero nakatingin lang siya sa TV.

Ginalaw ko ang balikat ko para maalis ang kamay niya pero hindi niya pa rin tinanggal.

"Uhmp!" Napayuko siya sa lakas ng siko ko sa sikmura niya. Di niya ba talaga ako titigilan?

"Leyla..gusto mo ba talagang nasasaktan ako?" Tanong niya habang iniinda ang sakit. Alam ko masakit talaga yon. Nilakasan ko talaga eh.

'Wala naman yang physical na sakit na nararamdaman mo ngayon kesa sa sakit na naramdaman ko dahil sayo' gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko ginawa. Ayokong sumbatan siya at nakaraan na yon. Tapos na. Ayoko ng balikan pa namin.

"Kahit nung college days natin ganyan ka. Kailan ka ba mag babago? Hindi ka ba pwede maging sweet sakin kahit konti lang?"kakasabi ko lang na ayoko ng balikan ang nakaraan namin eh!

Tinignan ko siya. Hindi ko alam kung seryoso siya o pinag tritripan niya pa rin ako.

"Pag nagbago ka na" sagot ko. Tinuon ko ulit ang atenyon ko sa TV hindi ko kayang tignan siya ng matagal. Parang sasabog dibdib ko pagtinitignan ko siya.

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now