7

99.9K 1.1K 35
                                    

Lakad lang ako ng lakad kahit hindi ko naman alam ang lugar na to, Kinakabahan ako pag may masasalubong akong mga lalaki,

Shit! nasan na ba ako?

Gusto kong sumakay ng taxi pero baka kulangin naman ang dala kong pera.

Napaatras ako ng makita ang limang lalaking makakasalubong ko.

"Shit chix bro!" sigaw nung isa bago patakbong lumapit sakin. "Miss bakit mag isa ka lang?" tanong niya pa.

Napadikit ako sa pader na nasa gilid ko, ang lapit masyado ng mukha niya.

"M-may kasama ako.." Sobrang lakas na talaga ng kabog ng dibdib ko,

"Wala naman eh!" sabat nung isa na nasa gilid ko na, Amoy na amoy ko ang nakakadiring amoy ng sigarilyo sa hininga niya.

"Sumama ka na lang samin, Paliligayahin ka namin!" sabi nung isa tapos nag tawanan sila na parang mga baliw.

Shit! dapat sumama na lang ako kay grey eh!

"Tara na!" hinawakan nung isa ang braso ko kaya napatili na ko.

"HAAA! bitawan mo nga ako!" pilit kong inaagaw pabalik ang braso ko.

"Wag ka nang pakipot miss, masasarapan ka rin mamaya!" hinigit na rin ako ng isa pa,

"HAA! tulong!" sigaw ko,

PEEP PEEP PEEP!

"Tangina! tara na!" sigaw nung isa,

Parang silang mga dagang mabilis nag takbuhan, dahil sa malakas na busina na yon.

Tumigil sa harap ko ang itim na kotse bago bumaba ang bintana,

"Ano sasakay ka o hindi?" tanong niya,

Hindi na ko nag isip, binuksan ko kaagad ang pinto ng kotse niya, Nanginginig ang kamay ko dahil sa sobrang takot na naramdaman ko.

Napahinga ako ang malalim pagupo ko,

"Seatbelt."

Sobrang kinakabahan pa rin ako ngayon. Ang tanga-tanga ko talaga! bakit ba kasi sinama nila ako dito tapos iiwan lang pala, sobrang naiinis talaga ako sa dalawang yon!

"Hey,"

nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.

"H-ha?" lumingon ako pwesto niya.

"Okay ka lang?" tanong niya,

"O-oo.." napayuko ako at tinitigan ang mga tuhod ko.

"A-ano b--" tinulak ko siya kaagad,

"Seatbelt" sabi niya bago may kinuha sa gilid ko,

Clik

Umayos siya ng upo bago paandarin ang sasakyan.

kung hindi siya dumating baka narape na ko ng mga lalaking yon. Dapat mag pasalamat ako.

Mag sasalita nako pero Nagulat ako ng mabangga ng kamay niya ang legs ko,

"Sorry."

Dinikit ko ang sarili ko sa bintana, bastos talaga! Hindi pala ako mag papasalamat sa kanya!

Tahimik lang kami hanggang makarating sa dorm ko,

"Salamat.." mahinang sabi ko bago tanggalin ang seatbelt pero hindi ko matanggal,

"Bakit ayaw.." bulong ko.

"Ignorante mo naman," lumapit siya sakin kaya napadikit ako sa upuan ko, Shit! ang bango niya! ano ba tumigil ka leyla!

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now