8 GZ and B2

1.1K 43 4
                                    

15 Years Ago

Kasalukuyang nasa  bahay ng Galura ang  pamilya Howell para magkaroon ng konting salu-salo bibihira lang silang makumpleto dahil  na din  sa trabaho at ngayon sila nagkaroon ng pagkakataon na magkasama sama ng buo. Magkaibigang matalik si Felix Galura at Gareth Howell kung kaya't wala silang sikreto sa isa't isa, kahit sa
mga anak nila ay alam nila ang bawat galaw ng mga ito.

Dali-daling tumakbo ang mga batang Howell papasok ng bahay pagkababa nila ng sasakyan at hinanap ang kanilang mga kinakapatid.

"Girls, 'wag n'yong kulitin mga kinakapatid n'yo. They are sick."-sigaw ni Mommy Clara

"Glaicha!B!Mike!."-sabay sabay na tawag nilang tatlo.

Rinig naman ng tatlong Galura ang pagtawag sakanila at tumakbo ng paika-ika sa loob ng kwarto ni Glaiza at nagtago.

"Hoy, ano ba?! Dun nga kayo sa mga kwarto niyo. Bakit dito pa kayo nagtago?." -sita ni Glaiza sa mga kapatid.

"Eh Bro alam mo naman sina Bianca at Sheena biglang pumapasok sa kwarto namin ng walang pasintabi at alam mo naman nakakalimutan naming maglock ng room atleast dito safe kami kasi mahilig kang magkandado ng pintuan." -esplika ni Batchi.

"Oh, Shoot! 'Di ko nalock 'yung pinto sandali at ilo...."- hindi na niya nagawang humakbang dahil nakita na nila ang kanilang mga pinagtataguan na bakas sa mukha ang inis at pagkairita.


"Kanina pa namin kayo tinatawag. Nandito lang pala kayo. Why are you hiding from us?." - gigil ni Bianca.

Umurong naman ang tatlo at mahigpit na napahawak sa kumot. Naghihilahan sila sa kumot hanggang sa tuluyang naagaw ng mga Howell at tumambad sa kanila ang mga Galura na ngayon ay namumula sa hiya dahil sila ay nakasuot ng palda, kakatuli lang nila at hindi pa masyadong magaling.

Nanlaki ang mga mata ng mga batang babae sa nakita at nagsihagikhikan.

" Mike, anu 'to 'wag mong sabihing natuluyan ka na kundi sasabunutan kita!." -Sheena.

"B, para kang walis tingting sa itsura mo!." -pigil tawa ni Bianca.

"Glaicha, bakit ka suot ganyan mahaba? Praktis ka magmadre?."- inosenteng tanong ni Rhian.

"Daaad!."- sabay sabay na hiyaw ng tatlong nakapalda.

---------------------------------------------------------

Sa living room nagkwekwentuhan ang kanilang mga magulang.

"Pare ano bang nangyare sa mga anak mo at nagkasabay pang magkasakit?" -Gareth.

" Ang totoo niyan pare kakatuli lng nila last week sa ngayun nagpapagaling pa sila alam mo na mga nagbibinata na. Hehehe!."

"Ano?! Kumpadre naman bakit hindi mo sinabi agad, pinuntahan na sila nina Bianca sa taas!."- histerikal ni Mommy Clara.

At walang anu-ano'y nakarinig sila ng sigaw mula sa taas.

Tarantang umakyat ang mga matatanda at nakita nila ang mga batang Howell na tumatawa habang nakatingin sa mga nahihiyang Galura.

"Bianca, Sheena, Rhian! Come here! Stop laughing! Didn't I tell you that they are sick!?. Naku ang titigas ng mga ulo niyo manang mana kayo sa ama niyo!."-saway sakanila ni Mommy Clara.

"Mare, mabuti pa siguro sabihin na natin sa mga bata ang sitwasyun ng mga anak ko, lalo na si Batchi at Glaiza." -turan ni Felix kay Clara.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now