43 The Chef

1K 34 2
                                    

BIANCA

Honestly, napatawad ko naman na si Batchi kaya lang gusto kong malaman kung hanggang saan ba ang kaya niyang gawin para patawarin ko siya.

Nagulat ako dahil, she make a bet. I'm not sure if seryoso siya o hindi dahil ang bet niya is puro kaberdehan.

She'll do the cooking and if I approve of it. She'll make me pay bigtime, kaya naman naalarma ako sa mga pinagsasabi ng mga buddies namin. May alam sila na hindi ko alam.

But I'll try my luck.Maybe they're bluffing. Nagsimula ng magprepare si Batchi ng mga lulutuin niya. Good thing is kumpleto sa kagamitan ang nakuha naming tutuluyan at nakapaggrocery kami bago dumating ang bagyo.

Hindi ko alam kung anung pakulo nitong si Batchi dahil nagsuot pa ito ng chef uniform na akala mo professional.

Pinapanood ko ang kilos niya sa kusina and I must say she knows what she's doing.

Mula na sa paghiwa ng mga sangkap ay masasabi kong papasa na siyang assistant ng isang chef.

" B quit staring nadidistract ako"-sita niya sakin.

" What will you cook ba?"-curious kong tanong.

" Secret. Tsupi dun ka muna hindi ako makapagconcentrate dito eh. Baka pumalpak ako!"--taboy niya sakin.

" Bianca dito ka muna wag mo muna siyang guluhin nawawala sa ulirat yan pag tinititigan mo."--aya sakin ni Abby.

" Does she really know how to cook?"-tanong ko sakanila.

Pero ngumiti lang sila ng nakakaloko. There's something fishy in here. I can smell it, kagaya nung dalawang business partner ko sa RK na hindi ko pa nakikilala ng personal dahil tanging mga assistant secretary lang nila ang pumupunta sa restaurant kapag may mga kaganapan. Mga assistant din nila ang always present sa mga business transactions namin pag tinanong ko naman kung nasaan ang mga boss nila ay sinasabi laging out of the country, may business tour at kung anu anu pa, kaya naman walang pagkakataon na makilala ko sila. All I know is they are called by their secretaries "Boss A and Captain B". If I ask them naman makikilala ko din daw sila in time.

Kung hindi lang si Dad ang nakiusap sakin na tanggapin ko sila to be my business partners hindi ko sila tatanggapin. But when I read their resumes minus the name. Hindi rin sila basta basta chef lang. They are the favorite student of Gordon Ramsay for Christ's sake and it's a no joke. Sobrang taas ko naman kung hindi ko pa igagrab to be their partners na mas malayo pa ang achievement nila kesa sakin. Lalo itong si Captain B I heard she also do flaring and bartending gusto ko tuloy siyang mapanood how to flare, at matikman ang alak na gawa nito.

Naaamoy ko na ang niluluto ni Batchi.

" Oh wow amoy pa lang ulam na!"-Angge.

'' Nagpapakitang gilas si butiki oh!"-kantiyaw ni Kath.

" Amigah wag mo naman masyadong galingan! Baka makalimutan ni Bianca ang pangalan niya niyan."-buska ni Angge.

" I'm starving, Batch isn't done yet?"-Solenn.

" Almost done!"-sigaw ni Batchi.

" Sa wakas sinipag ka din magluto. Thanks to you Bianca."-ngiti ni Sanya sakin.

" So she really do know how to cook? How?when? Puro lamon nga lang ginagawa niyan sa bahay!"-tuliro ko ng sabi. Di nga yata at madami pa kaming hindi alam sa mga magkakapatid.

" Come on para masagot ang mga katanungan mo. Let's eat first."-Abby.

" Kainan na!"-sigaw ni Batchi.

A Rastro StoryNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ