121 The Invitation

858 41 12
                                    


Kasalukuyan ng pinaplano ni Michelle ang mga gagawin mula sa pagbigay ng invitation hanggang sa pakikipag-usap at pag-aya kay Rhian na maging event organizer kasama siya.

She felt excited about it ni hindi man lang siya makaramdam ng takot o pag-aalinlangan. She's aware na may magagalit at masasaktan but she doesn't care at all. She doesn't know what Glaiza is capable of kapag nagalit ito dahil akala niya kagaya lang din ng iba na magagalit and that's all.

Binalaan na siya ng mga kaibigan na itigil na ang kahibangan kay Rhian dahil masaya na ito sa kanyang pamilya pero sadyang matigas si Michelle at wala ng nagawa ang mga kaibigan kundi hayaan na lang ito.

She's just too crazy to be with Rhian at   hindi niya hahayaan na makalampas ang pagkakataon na abot kamay na niya.

----

Samantala ay papunta naman sina Glaiza at Rhian kasama ng mga bata sa gallery kung saan nandun ang mga painting ng huli. They're very happy lalo na si Rhian dahil hindi niya sukat akalain na may magkakainteres sakanyang obra gayung isa lamang ito sa mga hobby niya.

Pagkarating nila ay sinalubong agad sila ng may-ari ng gallery dahil nandun na din naman ang buyer.
Isang may edad ng lalaki ang buyer at
ni hindi man lang ito tumingin sa ibang mga painting dun dahil ayon dito ay tila hinihikayat siya ng painting nung una palang niya itong makita kaya naman nagbiro pa ito na pati pala ang artist sa likod ng obra ay nakakaakit. Natapos ang transaction nila at nagbilin pa ang matanda na kung may bagong obra si Rhian ay ideretso na sakanya agad.

------

RHIAN

" Kung hindi lang matanda yun iisipin kong type ka ng buyer mo."-Basag ni Glaiza sa katahimikan namin.

Pauwe na kami dahil tumawag si Nay Caring na may bisita daw ako na kasama ni Batchi.

I leaned on Glaiza.

" Don't tell me you're jealous Hubby."-tukso ko.

" I'm  not Wifey. I'm just saying."-Taas kilay niyang sagot at lumingon sakin.

" Sino naman daw ang bisita mo?"-pag-iiba niya sa usapan.

" I don't know. Hindi naman nasabi ni Nay Caring kung sino."-Sagot ko.

" Why do I have this feeling na hindi ko magugustuhan ang bisita mo Mama"-AJ.

Umandar na naman ang pagiging detective nito.

" Me too"-segunda ni GJ.

Maya maya pa ay kita ko ng nagbubulungan silang dalawa at patingin tingin sakin.

" Would you mind sharing what you're  talking about?"-simpleng sawata ni Glaiza sa kambal.

" It's  a secret Dada"-sabay sagot ng mga ito at muling tumingin sakin ng matiim na tila they're giving me warning tungkol sa kung sinumang bisita ko na naghihintay sa bahay.

Parang may psychic superpowers ang mga anak namin. Minsan nakakatakot na din kapag sabay silang nagkakaganito. I just hope wag ng dumamay ang asawa ko dahil hindi ko sila kayang tatlo. It'll make me go nuts for sure.

Nakauwe na kami at kita na namin si Batchi sa labas at inip na patingin tingin sa orasan. Lumiwanag ang mukha nito ng makita kami.

" Tol sinamahan ko na dito yung bisita ni Rhian. I have to go dahil galit na naman si Bianca and BJ has also tantrums."-Agad nitong paalam at humalik sa kambal.

" Bye Baba, tell BJ to call us po we have something to tell him"-pahabol ni AJ.

" Sure buddy and please do para si Mimi niyo na lang ang aamuin ko.Thanks"-yakap  niya sa kambal at umalis na hindi ko na natanong kung sino ang bisita dahil sa pagmamadali nitong makauwe.

A Rastro StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon