82 Indict For

867 33 1
                                    


9 Months na ang kambal pero napakadali nilang umintindi advance ang isip ng mga ito. Nagmana sila kay Glaiza sa katalinuhan at 9 months ay parang taon na ang edad ng mga ito yun nga lang at bulol pa sila magsalita at hindi pa masyadong makalakad. Glaiza see to it na they still treat them as their age but  they are wary na pag may isang taon na ang mga ito ay mas magiging mature na lalo ang mga ito.

Bago tumulak ang mga buddies sa France ay nagtrain muna si Kath sa HGGC at si Glaiza mismo ang nagsupervise sakanya dahil pagbalik niya ng France ay siya ang tatayong CEO sa company nila habang naka bakasyun ang ama nito.

" Ms. Halili you're 5 minutes late"-sita ni Glaiza kay Kath.

Ngayun lang niya nakaencounter ang ganitong Glaiza, too formal , bossy , strict, intimadating at business-like pag nasa loob na ng office kaya naman Kath tried her best to be as professional as she can be, she need to catch up and meet her expectation. After her training Glaiza will evaluate her performance and didiretso ang resulta sakanyang ama. Malalaman lang niya ito pag nakabalik na siya sa France.

Lunch break na nagpasama si Kath kay Glaiza sa malapit na department store para bumili ng undies niya dahil bigla siyang nagkameron at hindi siya nakapagdala ng napkin kaya naman nagkastain ang undies niya. Buti na lang nakahiram siya kay Kim ng tampon. Nakabili siya ng 2 for 100 kaya naman yun na ang kinuha niya. Hindi niya sinabi kay Glaiza na undies ang bibilhin niya dahil nahihiya siya dito. Linagay muna niya sa glove compartment ng sasakyan ni Glaiza ang natirang nabiling undies dahil hindi niya nabitbit ang bag niya dahil sa pagmamadali kanina, nakapagpalit na din siya, she will just take it later pag nakabalik na sila sa office 5pm pa naman ang uwian.
They use Glaiza's car and deretso na sila sa house nito para makapaglunch.

Tapos na ang office hours at uwian na hinatid muna siya ni Glaiza sa mansion dahil dun muna sila kasama ng mga buddies. Nawala na sa isip niya ang nabiling undies na naiwan niya sa sasakyan ni Glaiza dahil sa dami na din ng trabahong kelangan nilang tapusin dahil Sabado kinabukasan at walang pasok.
Ayaw ni Glaiza na may maiwan na trabaho before they hit the weekends.

--------

RHIAN

It's Saturday and Hubby and I need to go for grocery it's our schedule to do some groceries pag weekends.

After lunch we just attend to our twins and pinaubaya na namin kina Nay Caring ang kambal dahil tulog na ulit ang mga ito pagkatapos kumain at mapaliguan.

" Wifey let's go para maaga tayo makauwe I'm still sleepy."-Tawag ni Glaiza sakin.

" Give me a minute!"-sigaw ko.

Ganito siya, laging nagmamadali mas gusto niyang magkulong kami dito sa bahay kesa lumabas, saka na lang daw kami mamasyal ng bongga kapag malalaki na ang mga bata.

We arrive sa grocery store good thing at nailista na lahat ang bibilhin namin kaya naman wala pang isang oras ay tapos na kami at nakapila na lang sa counter para magbayad.

" Wifey mauna ka na sa car. Magpapatulong na lang ako sa guard magbuhat ng pinamili natin. Pawis ka na oh"-alala niyang sabi.

Pumunta na akong car  at grabe nga ang pawis ko. Naghanap ako ng tissue. Binuksan ko ang glove compartment ng tumambad sakin ang isang blue paper bag. I got curious kaya naman tiningnan ko ang laman nito. Parang sinaksak ako ng ilang libong kutsilyo ng makita ko ang laman nito. It's a womans undergarments. Hindi ko napigilan at dali daling tumulo ang luha ko.

I saw Glaiza coming kasama ang isang guard and put the groceries in the trunk. I compose myself before I confront Glaiza. Mas lamang ang sakit na nararamdaman ko kaysa galit.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now