76 The Twins

1K 36 1
                                    

GLAIZA

Kabuwanan na ni Rhian ngayon. I feel excited and nervous. I'm praying that my wife will be okay all throughout her pregnancy until she give birth.

Nagleave na din ako sa mga work ko except sa pamamahala sa HGC. Umukopa na ako ng private room dito sa ospital para in case manganak na ang asawa ko is hindi na ako magpanic.

My wife is sleeping peacefully kanina lang ay humilab ang tiyan nito kaya naman para akong hilong talilong yun pala ay false alarm lang. Hindi ko na mapigilan ang antok ko kaya naman. Pagtabi ko kay Rhian ay nakatulog agad ako dahil wala naman siyang kakaibang nararamdaman kaya kumampante ang pakiramdam ko.

I was in deep sleep ng yugyugin ako ni Rhian.

" Loveeeee"-hiyaw niya.

Napabalikwas ako ng bangon ng makita ko ang itsura ni Rhian na hirap na.

" Call Dr. Sue. Manganganak na ako!"-muli niyang hiyaw.

Hindi ako makakilos sa sobrang kaba ko.

Pinitik ng malakas ni Rhian ang ilong ko at doon palang nagfunction ang utak ko. Mabilis kong pinindot ang intercom connected sa room ni Sue at mabilis na sinabihan ito.

Butil butil na ang pawis ni Rhian.
Sumabog na din ang panubigan niya at lalo akong nataranta sa nakita. Tatakbo sana ako palabas ng biglang bumukas ang pinto at nauntog ang ilong ko at dumugo ito.

"G sorry. Dalhin na natin siya sa delivery room!"-utos ni Sue sa mga nurse at tinulak na ang stretcher kung saan nakahiga si Rhian.

" Arayyyyyyy ang sakitttttt"-iyak ni Rhian.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

" Hubby dito ka lang please!"-pakiusap ni Rhian.

Dali dali akong nagsuot ng mask at lab gown. Kita ko na ang hirap ni Rhian at wala akong magawa kundi magdasal at tabihan siya.

" Wifey I'm here. You'll be okay. Just hold my hand."-panay halik ko sa kamay niya.

Sinalpakan ko ng tissue ang ilong ko dahil dumudugo pa ito dahil sa pagkabunggo kanina sa pinto.

" Rhian, kita ko na ang ulo ng baby. When I say push! push!.. Now push!!"-instruct ni Sue.

Isang matinding iri ang ginawa ni Rhian at halos mamuti na ang kamay ko sa higpit ng hawak niya.

" Hhhhhmmmmppppp"-impit nitong iri.

Rinig ko na ang palahaw ng iyak ng bunso namin.

" Oh your baby boy G!"-masayang sabi ni Sue at binigay na sa nurse para malinisan.

" Wifey, you did great. Isa na lang. Kaya mo yan Baby."- pampalakas ko ng loob sakanya.

" Rhian here comes your daughter. 1...2...3....Push!!"-muling instruct nito.

" Uuuuhhhmmmmpppp Hubbbyyyy"-sigaw niya.

" You're doing good Wifey konting push pa!"-sabi ko.

At isang matinding push pa ang ginawa ng asawa ko at sa pangalawang pagkakataon ay nadinig ko ang palahaw ng panganay ko.

" Congratulations G and Rhian"-tuwang bati ni Sue.

Naiyak na ako sa sobrang tuwa ng ipahiga nila sa dibdib ni Rhian ang mga anak namin. They crawl in my wife's bosoms. I cried in awe sa scenaryong nakita ko.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now