155 Bad Dream

621 34 1
                                    


GLAIZA

" Sino ka?"-tanong ko sa babaeng bisita ko.

" You really have an amnesia as Batchi told me. It's me Kylie isa sa mga nakafling mo."-deretsong sagot nito.

" Miss Kylie pasensiya ka na kung wala kang importanteng sasabihin but I have so many things to do. Can we talk some other time?"-ilang kong sagot dahil baka makarating sa amazonang asawa ko na may babae dito sa loob ng opisina ko ay baka maghuramentado ito dahil selosa daw masyado si Rhian.

" I just came here to invite you sa wedding ko, kayo nina Batchi."-nAkangiting balita niya.

" Sorry for being rude kanina, thanks anyway"-I said apologetically.

" It's okay G. Can I hug you?"-she ask.

" Sure"-sabi ko pero hindi ko inaasahan ang ginawa niya.

Kinawit niya ang mga braso niya sa leeg ko and press her lower body to mine.

" Kylie let go"-Sabi ko at pilit tinatanggal ang kamay niya sa batok ko.

" Can I have you one last time G?"-she said and buried her face on my neck at napahawak ako sakanya para ilayo sana siya sakin ng biglang bumukas ang pinto at huling huli ako ni Rhian na may kayakap na babae.

Nabitawan niya ang kanyang hawak at kita kong nakiraan ang sakit sakanyang mga mata. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil bago siya umalis ay napalitan na ng galit at pagkasuklam ang tingin niya sakin.

" Tol wag kang nakatunganga lang diyan, habulin mo si Rhian"-sikmat sakin ni Batchi.

" At ikaw naman Kylie makakalayas ka na! Ikakasal ka na manglalandi ka pa!"-rinig kong bulyaw ni Batchi.

Kumaripas ako ng takbo para habulin ang asawa ko, nakita ko siyang pasakay na ng sasakyan kaya hinawakan ko siya para pigilan siya, pero sinampal niya ako ng malakas kaya napabitaw ako sakanya.

" Did you read my message?"-garalgal na tanong niya sakin.

Napayuko ako at hindi makasagot.

" Obviously not dahil kung nabasa mo yun hindi mo gagawin ang makipagyakapan sa iba at sa loob pa ng opisina mo!"-galit niyang turan at tuluyan na siyang sumakay sa kotse at umalis.

Naramdaman ko na lang na umiiyak na din pala ako, anong gagawin ko? Napasuntok na lang ako sa pader sa frustration na nararamdaman ko.

Bumalik na ako sa opisina at kinuha ang phone ko na naiwan ko sa lamesa.

1 Message Received

From: Baby Wifey

Hubby I need a hug

Napadukmo na ako sa lamesa pagkabasa sa message ni Rhian.

" Tol si Rhian?"-Batchi

" Umuwe na, she doesn't want to talk to me, galit na galit siya sakin. Paano na 'to?"-malungkot kong sabi.

" Palipasin mo muna sama ng loob ng asawa mo saka ka magpaliwanag. Oo nga pala kailangan mong tapusin lahat yang nasa lamesa mo."-Turo nito sa mga papeles sa harapan ko.

" What? Batchi naman aabutin ako ng gabi dito baka lalong magalit sakin asawa ko niyan eh"-protesta ko.

" Finish that today then I'll give you a break."-Seryoso niyang sabi at tumalikod na.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now