126 Indifferent G

719 44 13
                                    

RHIAN

Hinatid ako ni Glaiza hanggang entrance ng venue at bumalik agad sa sasakyan while waiting for Arcis message dahil hindi pa niya alam kung saan sila magpeperform.

Agad akong sinalubong ni Michelle na maluwag ang ngiti at giniya niya ako sa nakalaang table namin along with our college friends.

I was engrossed sa pakikipagkwentuhan ng magsalita ang host ng event at may pakulo silang kiss cam game which is tatlong pares ang izozoom ng camera sa screen at para may thrill daw ay palevel up ang gagawin nila which is smack kiss for the first torrid ang second and last na mapipili will do a French kiss. It doesn't matter daw kung same boys same girls ang mahuli ng cam dahil katuwaan lang naman daw. Pero dagli akong kinabahan ng kami ni Michelle ang nailawan at gagawin ang French kiss. Si Glaiza agad ang unang naisip ko dahil alam kong hindi niya magugustuhan ang game na ito. I talk to Mich na wag na lang naming gawin pero ang lakas ng parcheer at pagkantiyaw ng mga colleague namin at maging ang MC. Pikit mata ko na lang na ginawa ang challenge at sa wakas natapos na din ang game pero hindi ko na inimikan si Michelle dahil ramdam ko sa halik niya na she wanted more kaya naman tinulak ko na siya at hindi na tumabi pa sakanya. Nanginginig ang buong katawan ko sa pagkabahala dahil sa nagawa ko.

Napaiyak na ako ng magmessage si Glaiza at nasa lugar na siya kung saan sila kakanta.

Nagsimula ng magsalita uli ang MC at may magpeperform daw at kasama pa ang original na vocalist ng banda na matagal ng tumiwalag sa grupo. Tumigil yata ang pagtibok ng puso ko ng tumambad sa harapan ko ang banda kung saan ang sinasabing bokalista ay ang mismong asawa ko.

" Hey Rhian hindi mo naman sinabi na singer din pala ang asawa mo. Grabe nasa kanya na yata ang lahat"-Janina.

" Hindi ko alam na dito sila kakanta. Sinong nag-invite sakanila?Kanina pa ba sila dito sa loob?"-I ask worriedly.

" Si Rachel ang nagimbita kasi friend niya si Arci. And yes kanina pa sila nandito before magstart yung kiss cam game. I'm sure nakita niya yung kanina. Just explain to her Rhi. "-concern na sabi ni Janina.

Tumango na lang ako at nagpasalamat.

" Good evening everyone kami po pala ang Valkyries and I'm so thankful dahil sa homecoming na ito ay nakareunion din namin ang aming magandang poging original vocalist ng banda namin.Ako po pala si Arci ang kasalukuyang main vocalist and the original vocalist Glaiza Althea"-Masayang panimula at pakilala ni Arci.

" Hello Happy Alumni Homecoming sa inyo and salamat sa partner kong vocalist dahil ininvite niya ako to perform with them once again"-ngiting titig ni Glaiza kay Arci.

Biglang sumingit ang MC at inintriga sina Arci at Glaiza.

" Ayun sa aming source eh mag-ex daw kayo. And Glaiza here is happily married. So how come?"-

" Uhm ofcourse hindi porket naghiwalay na kami hindi na pwedeng maging magkaibigan. Music connect us together so here we are"-Glaiza.

Kumindat pa si Glaiza na nagpakilig sa mga babae na nandoon.

Sumenyas na siya at nagsimula na silang kumanta.

" They look good together on stage"-biglang sulpot salita ni Michelle.

I just ignored her dahil I feel uncomfortable with her around me since that kiss.

Nagrequest pa ng isang kanta ang mga batch namin at ang huling kinanta nila ay ang kantang ginawa ni Arci para kay Glaiza noon. As I'm watching them perform kita ko ang saya sa mukha ni Glaiza at hindi maiwasang maging sweet sila ni Arci on stage.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now