35 G's Back

1.1K 41 2
                                    

Kasalukuyang nakatambay ang mga babae sa garden. Pinagmamasdan nila si Rhian na tulala at linalaro ang pagkain na nasa plato nito.

" Lakas talaga ng kamandag ni panda noh?! Mula nung umalis siya parang nabiyuda ang peg ni Rhian"-nguso ni Kath sa mga kasama.

" Yan ang problema na sinasabi ni G. You see pag nandito si Glaiza puro selos insecurities pag wala she couldn't function well"-Sanya.

" Glaiza wants Rhian to knock some sense out of her head. Pasalamat siya mahaba ang pasensya ni G."-Solenn

Lumapit ang mga buddies kay Rhian.

" Rhian alam mo maganda ka sana eh kaya lang either my amnesia ka, slow,insensitive or shunga lang!"-banat ni Kath

" Para kang namatayan sa inaasta mo Amigah. Pag ganyan ka ng ganyan baka hindi na bumalik si panda ayusin mo sarili mo"-Angge.

" Alam mo bang isa ka sa mga rason bukod sa talagang pakay niya dun kaya siya umalis?. "-napatingin siya kay Sanya na nagtatanong ang mga mata.

" Hindi na din niya alam ang gagawin niya just to make you trust her heartily and wholly. Nahihirapan siyang umalis knowing that masasaktan ka ulit but she has to. The reason is mainly because of you."-Abby.

" You keep on asking about her first love. Bakit pag nalaman mo ba kung sino ang taong yun anung gagawin mo? iiyak,magseselos, maiinsecure at worst magdududa ka kay Glaiza. Paano mo pagkakatiwalaan ang ibang tao kung mismong sa sarili mo wala kang tiwala."--Solenn.

" Kapag hindi mo inayos ang sarili mo Amigah kami na mismo ang magsasabi kay Glaiza na wag na siyang bumalik!"-seryoso ng saad ni Angge.

" Alam mo ba na sinabi niyang napapagod na siya sa selos at duda mo. Kaya kahit masakit sakanya kelangan ka niyang layuan. Paulit ulit na lang kasi kayo. Ayaw man naming gawin pero kung walang mangyayari kami ang maglalayo sa inyong dalawa."-Abby.

" Isa lang ang hiniling niya sa'yo bago siya umalis.Tiwala. Not only to her but most of all to yourself."-Kath.

" Kung ipagpapatuloy mo yang ganyan. Expect mo ng wala ng Glaiza na babalik sa buhay mo!"-banta ni Sanya.

" Tsaka Amiga kung ako ang tatanungin mo. Hindi babaero si Glaiza hindi siya yung tipong pinagsasabay sabay ang mga tsiks diyan."-Angge.

" Yeah that's right. Unlike Batchi na pinagsasabay sabay ang mga jowa di ba Kath? Masyado lang accomodating si Glaiza that's why namimisinterpret ng ibang babae at they take advantage of it."-Solenn.

" At alam mo bang sabi ni panda kung makita ka daw niya na masaya sa piling ng iba. She will let you go kasi daw pag siya ang kasama mo lagi kang umiiyak tsaka kahit may gawin siya o wala bigla ka na lang daw nagkaka...."-bitin ni Kath sa sasabihin.

" Nagkaka ano?"-curious na tanong ni Rhian.

Humihigop naman ng kape si Angge ng pasimple dahil napapatawa na siya kay Kath.

" Nagkakatamtrums yun nga. Tama ba?"-baling ni Kath kay Abby.

Nabilaukan naman si Angge sa pag inom ng kape. Maya maya pa ay may linabas na maliit na papel si Kath at binasa ang kanyang dialogue.

" Tantrums pala Rhi"-nahihiyang saad ni Kath at humagalpak na ng tawa ang mga buddies.

" If you continue being like that then say goodbye to your panda. Let's go buddies"-tawag na ni Solenn sa mga kasama.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now