104 Bullies Parents

738 42 9
                                    

RHIAN

Sa wakas tapos na ding mag-usap sina Bianca at Batchi parang ako din lang pag nagselos ito pero mas matapang si Bianca kesa sakin. Kung ako puro iyak ang ginagawa si Bianca iba lumalabas ang pagiging amazona nito pag nagagalit. Pero pinakamatapang talaga sa amin si Sheena sa liit niyang yun kayang kaya niyang patiklupin kahit sino pa ang kaharap niya.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang maayus na sila at magkahawak kamay pang lumapit sa amin.

" Yam don't start kung ayaw mong maghalo ang balat sa tinalupan!"-babala ni Glaiza.

" I'll be playing it cool panda. Relax"-Kindat pa nito.

Hinintay naming makalapit ang dalawa sa kinaroroonan namin at ngiting ngiting sumalubong pa si Yam na tila nang-aasar pa talaga.

Napapikit ng mariin si Batchi ng makitang palapit sakanila si Yam.

" Batch relax will you. Makikipagkilala lang ako sa taong nakapagpatino sa'yo."-ngiting salubong ni Yam.

" Yam please naman oh kakaayus palang namin wag ka ng humirit please konting konti na lang bibingo na ako sa asawa ko"-alalang sabi ni Batchi.

Pero mapang-asar din ang babae at dumukwang kay Batchi ng sobrang lapit. Pagkuway tumingin kay Bianca.

" What did you do to her at ganyan na lang ang takot nitong notorious na butiki na ito."-asar na tanong nito kay Bianca na nakakuyom na ang kamao.

" Bianca calm down she's a friend"-kalma ko sakanya dahil baka bigla nitong bigwasan ang kaharap.

" Yam can you please stop joking around"-alalang sabi ni Batchi.

"Sorry Batch grabe ang laki talaga ng pinagbago mo. Hi I'm Yam Concepción ex-gf ni Batch at teacher ni BJ"-pakilala niya kay Bianca.

" Bianca Howell Galura wife of Batchi and the mother of BJ"-sarcastic na sagot ni Bianca.

Napangiti ng mas maluwag si Yam na tila hindi apektado sa pag-aalburuto ni Bianca.

" Now I get how this bamboo here is tamed. Congrats Bianca. I'm happy of what Batchi has become now. Kung hindi ako nagkakamali ikaw ang first love nitong butiki na'to palagi ka niyang nababanggit out of  nowhere way back nung kami pa. Don't worry wala akong balak umeksena sa inyo I just miss her as my old friend, besides my pinagsamahan din kami ng asawa mo"-paliwanag nito.

Napangiti na si Bianca sa kaharap.

" I'm sorryfor being rude awhile ago. It's just that I opt to protect what's mine and I don't wanna share to somebody else pagdating dito sa kawayan na sinasabi mo"-deretsong titig ni Bianca kay Yam.

" I know,hindi matatakot sa'yo ng ganyan si Batch sa'yo kung hindi ka niya mahal ng totoo. I envy you though dahil noon maski anong gawin ko walang epekto samantalang sa'yo tingin palang tiklop na siya agad"-ngiti nito ng mapait.

" Sorry for that then. But Batchi here is a different person now. I'm so lucky though."-smirk ni Bianca.

Tumunog ang phone ko and the principal's waiting us in his office already.

" Guys lets go na sa principals office. Mauna na tayo dun while waiting the other kids and their parents"-imporma ko.

Napangisi ang mga batang kasama namin at nagpatiuna na papuntang office. Isang mabining katok ang ginawa ko at pinagbuksan kami ng secretary ng principal.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now