62 Sulking

1K 36 14
                                    

RHIAN

One week na kami dito sa France and nakapasyal na kami sa mga ilang magagandang spots dito. Nextweek babalik na kami ng Pilipinas andami na namang katawagan ng magaling kong asawa sa phone at sa twina'y ayaw nitong naririnig ko ang kung anumang pinag-uusapan nila. Ang likot ng mga mata nito habang may kausap, kapag napansin niyang palapit ako ay dali dali siyang nagpapaalam sa kausap. Tinatanong ko siya kung sino ang mga kausap niya ay wala siyang sagot ng matino. Nakakainis at nakakairita.

" Baby can I drink with Batchi and Mike?"-paalam niya.

Hindi ko siya inimikan.
Abala ako sa pagkalikot ng phone ko at nag-uupdate ako sa mga social media accounts ko.

" Wifey"-tawag niya at humiga sa lap ko.

"What?"-irap ko sakanya

" Ano na naman bang ginawa ko?"-pout niyang tanong.

Nagpapacute!parang ewan lang.

" Alam mo kung anong ginawa mo kaya wag kang magmaang maangan diyan!"-ingos ko sakanya.

" Rhian....Baby"-dugtong niya dahil sinamaan ko na siya ng tingin.

Napachuckle siya.

" Can I drink?"-iwas niya sa pagsisintir ko.

" Go ahead! laklakin mo lahat ng alak kung gusto mo!"-sabi ko at patuloy sa pagscroll sa account ko at nagdedelete ng mga old photos, the last time I check my account is noong kami pa ni Jason so I need to change my status at magbura dahil baka makita ni Glaiza ang mga ito.

" Oh shiiiiit"-napamura ako dahil aksidente kong naipost ang old pic namin ni Jason na magkayakap at magkadikit ang mga labi namin.

Saglit lang ay andami ng notifications na natanggap ko. Buburahin ko na sana ng hablutin ni Glaiza ang phone sa kamay ko.

Nagbabaga ang mga matang tumingin siya sakin.

" Love it was an accident buburahin ko na sana kaso nagkamali ako ng napindot"-paliwanag ko.

Hindi siya sumagot bagkus tinitigan pa niya ng maige ang pic at panay na din ang tunog nito sa dami ng notification.

She scroll my phone pihadong binabasa nito ang mga comments dun. Nag-iisang linya na ang mga labi niya at kunot na ang noo niya.

Pumikit siya ng madiin at kita kong sumungaw ang butil ng luha sa mga mata niya. It's the first time I see her in the verge of crying.

Inabot na niya sakin ng marahan ang phone at tumalikod.

" I won't sleep here!"-malamig niyang sambit.

" Love hindi ko sinasadya, I'll delete it na"--sabi ko at agad binura ang pic.

Lalapitan ko sana siya pero pinigilan niya ako.

" Don't come near me Rhian! Not now!"-matigas niyang salita at halos mabingi ako sa lakas ng pagbalibag niya ng pinto.

Nasabunutan ko ang sarili ko.

"Shit how can you be so careless!"-mura ko sa isip ko.

Hindi ko alam kung paano ko susuyuin ang asawa ko. It's really my fault. Iba pa naman ang ugali nito pag nagalit at nagselos. Kung hahayaan ko lang siya I'm sure she will ignore me totally.

After 2 hours ay hindi na din ako nakatiis at bumaba na ako sa attic at dumiretsong minibar. Pero walang tao dun. Nakita ko si Sheena sa kusina, napatingin siya sakin at nang-uusig ang mga mata.

A Rastro StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon