56 Blow Off

1K 38 2
                                    

GLAIZA

Seriously! Pinagkaisahan nila akong lahat. I feel like I want to punch someone right now.

Tinawagan ko si Jak para maschedule ako ng laban sa underground. I told him na wala siyang pagsasabihan kahit kanino. I need to release the tension that's inside my body dahil kung hindi baka makasakit ako ng mga taong hindi ko dapat masaktan.

Luckily the underground is open 24/7. I have a fight at 2 am and I get myself ready. Binendahan ko na ang kamay kong may sugat, I need to go to Rhians room nandun ang susi ng motorbike ko. I will just ignore her. I'm still not in the mood to talk to anyone of them especially my witch of a fiance.😠

Dahan dahan kong binuksan ang room ni Rhian. Nakahinga ako ng makita ko siyang mahimbing ng natutulog. I tiptoed silently not to make a noise dahil mababaw lang itong matulog. Konting ingay lang and I'm dead.

" Para kang magnanakaw sa itsura mo!"-biglang salita niya sa gulat ko.

Di ko siya pinansin and I grab my key at tuloy tuloy na akong lumabas ng kwarto.

Rinig ko ang mabilis na yabag niya pasunod sakin kaya tumakbo na ako sa may garahe.

" San ka pupunta?"-tanong niya.

Patuloy lang ako sa paglalakad papuntang garahe na parang walang narinig.

" Talk to me please Love"-makaawa niya .

"Hindi na uubra sakin yan!"-sabi ko sa isip ko.

Sumakay na ako sa motor at sinuksok ang susi.

" Guard pakibukas ng gate!"-sigaw ko.

Pinaandar ko na ang motor at linagpasan siya.

" if you continue ignoring me and be like that. Maybe we can call off the engagement!"-rinig kong sabi niya at lalong sumulak ang dugo ko sa sinabi niya.

Tinitigan ko siya at inaarok if she meant what she say. Pumikit ako para pigilan ang luha ko.

Pinaingay ko ng malakas ang motor ko at pinasibad ito ng mabilis ng mabuksan na ang gate.
--------

RHIAN

Glaiza is so mad sa aming lahat lalo na sakin.

The buddies help me to explain na it's fake hickey pero hindi man lang nabawasan ang galit niya. I get her point. What if nakasakit siya ng inosenteng tao knowing na hindi niya kayang pigilan ang pag-alpas ng galit niya. She ignores all of us.

Sabi ng mga kapatid niya pabayaan muna namin siya pero hindi ako mapakali what if bumalik na naman siya sa mga kalokohan niya.

Nagkukulong siya ngayun sa kwarto niya. Wala kaming lakas ng loob na lapitan siya dahil kasalanan naman namin.

Ala una na ng madaling araw pero hindi pa ako dalawin ng antok. I can't sleep without Glaiza beside me.

Nag-aalala ako dahil dumudugo ang kamay niya but she doesn't want to be touched.

Nakarinig ako ng mahinang pagbukas ng pinto. I saw her sneaking out quietly. Nakita kong kinuha niya ang susi ng motor niya sa table. Hindi na ako nakatiis kaya naman nagparamdam na ako sakanya pero deadma pa din. Hinabol ko siya hanggang garahe at pilit siyang kinakausap pero matigas talaga siya kaya naman nakapagsalita ako ng mga bagay na lubos ko ding pinagsisihan. Nang sinabi ko na I'm calling off our engagement umasa ako na magwawala siya magagalit o kahit murahin ako pero wala. Tinitigan lang niya ako at halos paliparin na niya ang motor palayo sakin.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now