146 The Raging Bulls

552 38 8
                                    


GLAIZA

Napalitan ng pangamba ang galit na nararamdaman ko ng yumapos sakin si Rhian telling me that her tummy hurts, the beast in me subsided ng makita kong nanghihina ang asawa ko, now more than ever I need to control my anger, I need to keep myself sane to protect her, to protect them dahil kung hindi ay sarili ko mismo ang sisisihin ko kapag may nangyaring masama sa pamilya ko ng wala akong kamalay malay dahil hinayaan kong mangibabaw ang halimaw sa loob ko.

I felt relieve ng makita kong nabeast mode ang mga kapatid ko. Don't get me wrong dahil silang dalawa talaga ang magaling magtago ng katauhan nila unlike me. Si Mike na parang bakla pero conservative ngayon nakahubad na at tanging boxers na lang niya ang suot niya. Si Batchi lalong nanlaki ang butas ng ilong sa galit. Ramdam ko ang kanilang malakas na aura at alam kong walang makakapigil sakanila kahit pa ang mga buddies pwera na lang kay Nanay Caring pero alam kong kapag nakita niya ang sitwasyun ngayun dito sa isla pihadong hindi niya din pipigilan ang dalawa.

" Mike ano ba magdamit ka nga para kang ....."-Sita ni Sheena pero ng mapansin niyang iba na ang kilos at itsura ni Mike ay napatigil siya at yinakap na lang ang anak na si JM.

" Batchi ano ba natatakot ang anak mo sa itsura mo! para kang toro diyan sa laki ng butas ng ilong mo ano ba....."-Napasinghap si Bianca ng lumingon sakanya si Batchi at sinamaan siya ng tingin kaya tumigil na siya sa kakadakdak.

Linagay na din nila sina Bianca at Sheena sakanilang likuran.

" Mga hipag please pakitingnan si Rhian and pacify BJ and AJ"-pakiusap ko sakanila.

" Dada please let me!"-tigas na pakiusap ng anak ko.

" Just do as I say AJ please!Take care of your Mama for me."-utos ko sakanya at tiningnan siya ng nakikiusap.

Labag sa loob na tumango na lamang siya, alam kong kating kati na din siyang ipakita kung ano ang kaya niyang gawin sa pakikipaglaban but this is isn't the right time yet.

Pinaikutan na kami ng mga kalaban at hindi na ako nabigla ng gumuhit si Batchi sa buhangin na dinugtungan ni Mike na dinugtungan ko na din.

" Batchi!"-hintakot na sigaw ni Abby.

" Mike ano ba seryoso ka talaga diyan!"-hiyaw ni Angge na karga ang tulog pang si GJ.

" Hon wag mong sabihing.."-Nagkatinginan kami ni Solenn at tinanguan ko siya.

Dahil kung hindi ko dudugtungan ang ginuhit ng mga kapatid ko tiyak na ako ang pagbubuntunan nila. Ginuhit lang naman namin ang circle of death, kami ang nasa loob ng bilog at kung sino mang lalagpas na kalaban maski dulo ng daliri nito sa bilog na guhit ay katumbas nito ang kanilang buhay.

" Babe pakitawagan ang mga guardians to clean this mess after an hour"-sabi ko kay Sanya.

Guardians ang tawag namin sa mga taong tagalinis ng kalat namin sa pakikipaglaban, sila na ang bahala sa mga hindi sinuwerteng mabuhay pa sa pagharap samin.

Sabay sabay ng sumugod ang mga kalaban. Shit! hindi ko na iniinda ang mga tama ko dahil sa dami nila ay hindi ko na masalag ang mga atake nila.

Ramdam ko na ang sakit sa katawan at pagod ko pero binabalewala ko lang dahil madami pa sila.

Hindi din sila basta bastang kalaban matitibay din sila at mukhang sanay sa laban. Liningon ko saglit ang asawa ko to check on her na isang pagkakamali ko dahil nakalusot ang kalaban sa guhit sa pagkalingat ko. Buti na lang at mabilis ko siyang nasalag dahil kung hindi ay baka nasaktan na ang mag-ina ko. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo sa balikat ko dahil nadaplisan ng punyal ng kalaban.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now