138 Isla hindi Kaaya-aya

661 47 14
                                    

GLAIZA

Hawak kamay naming sinundan ni Rhian si Nanay Seling. Nakangising tumingin sakin si Denise na nasa kainan ginantihan ko siya ng matalim na tingin.

" Mga anak boodle fight tayo ngayun dahil ganito talaga kami kapag fiesta lahat ng taga isla sabay sabay kasama na din ang mga kaibigan ni Denise. Hala dun na kayo pumwesto kina Denise"-bilin ni Nanay Seling.

Nagpasalamat na lang kami at bahagya kaming natakam dahil sa dami ng seafoods sa harapan namin.
Papalapit na kami sa pwesto nina Denise ng makita kong nagbubulungan ang mga kasamahan nito habang nakatingin samin ni Rhian na magkahawak kamay. Kita kong pinapasadahan nila ng makahulugang tingin ang asawa ko and I'm not liking it. Bahagya akong nairita ng makaamoy ng usok ng sigarilyo dahil hindi man lang lumayo ang mga lalaki sa hapag kainan habang naninigarilyo. Lumapit ako kay Denise at binulungan ito.

" Can you tell your friends na lumayo layo dahil makakasama kay Rhian ang amoy ng yosi, baka gawin kong tambutso mga nguso ng mga yan!"-Seryoso kong sabi.

" Oh sorry. Wait here sasabihan ko lang sila then ipapakilala ko sila sa inyo"-sabi nito at linapitan ang mga kaibigan na mabilis namang tinapos ang ginagawa at lumapit na samin.

" G, Rhian mga friends ko si Jay, Kim, Gerald, Paolo and Julia. Guys si Glaiza and Rhian sila yung nakabili ng half ng Island na ito at sa yate ko"-pakilala niya samin.

Nagkamayan naman kami bilang respeto at hindi ko gusto ang ginawa ng isa sa mga kaibigan niya na matagal hinawakan ang kamay ni Rhian.

" Yoyon let's go. I'm famished!"-hila ko sakanya at inasikaso na ang pagkain niya.

" Ui wala pa pala ang manliligaw mo"-Kim.

" Malalate daw may tinatapos na photoshoot"-Gerald.

" May manliligaw ka?"-asar ko kay Denise.

" Anong akala mo sakin walang nagkakagusto. For your information Glaiza habulin ito, ganda kong 'to!"-sabay flip niya ng buhok niya.

" Dami mong sinabi, sige nga ng mabistahan yang manliligaw mo, pakilala mo sakin"-buyong asar ko uli.

" Baka maging crush pa nga ni Rhian yun dahil walang binatbat ang mga mokong na yan kay Carlos"-pagyayabang ni Kim.

" We'll let's see"-hamon ko.

" Wifey eat more okay. You need to use your hand to eat,bawal kutsara at tinidor dito"-baling ko kay Rhian na hindi pa kumakain dahil hindi siya masyadong marunong magkamay.

Kanina pa niya minasamasahe ang kaning nasa kamay niya pero kada isusubo na niya ay halos wala siyang makain dahil nahuhulog din ang mga ito. Namumula na ang mukha niya ng tumingin siya sakin.

I stared at her sweetly. Sinubuan ko na lang siya dahil paiyak na ang itsura niya.

" Ui ang sweet niyo naman! anung meron?kayo ba?"-intriga ng mga ito.

Sasagot na sana ako ng sumingit si Andi.

" May laro tayo mamaya, volleyball dayo vs taga isla siyempre ako na ang bumuo ng team isla at ikaw G at Denise ang kasama sa team namin dahil hindi na kayo dayo dito."-Andi.

" Ano naman ang premyo?"-tanong ng mga dayo.

" Pwede niyong idate ang mga dalaga at binata dito sa Isla na type ninyo at may cash prize siyempre."-tuwang sabi nito.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now