10 The Serenade

1K 42 4
                                    

"Can we talk?."-Mike to Sheena.

"Sure. About what?."

"By the way, you did great awhile ago."

"I just gave her the dose of her own medicine. I can't tolerate such behavior like that and you know it. Hindi pwedeng pumasok sa isang industry ang mga brat na kagaya nila. I admit me and my sisters are brats, but we see to it that we are professional at work and deal with people properly regardless of their status in life. They must know on how to be grateful especially sa mga subordinates nila, even the person who has the lowest position deserve respect, dahil hindi magiging tagumpay ang isang kumpanya without them."

Tumango-tango naman si Mike bilang pagsang-ayon at lalo siyang naamaze sa babaeng kaharap.

"Sabi mo mag-uusap tayo?."

" Yes, tungkol ito kina Rhian t Bianca at sa mga kapatid ko."

" Why? May nangyare bang masama sakanila?."

" No, wala pero kasi ilang araw na daw na hindi maganda ang pakikitungo ng mga kapatid mo sakanila."

" I'm sure may ginawa na naman 'yang mga kapatid mo kaya tinopak na naman 'yung dalawa."

" Kaya nga eh. Kaya daw kung maaari sana tulungan mo sila para mapaamo sila ."

" Ano ako bali!? Gagawa-gawa sila ng problema tapos ako pa mag-iisip ng paraan. No way.!"

"Hindi sa ganun, kumbaga magbigay ka ng tips sakanila kung paano mawala ang topak nila total ikaw nakakakilala sakanila."

" Pag-iisipan ko. If ever man tulungan ko sila, hindi ibig sabihin nun okay na tayo huh! Kaya ikaw umayos ka kung gusto mong bumalik ang friendship natin. Ni hindi ka pa nagpapaliwanag kung bakit ngayun lang ikaw nagpakita at nagparamdam."

" I know that's why I'll make it up to you. Bumubwelo palang ako,kita mo nga at behave naman ako ah."

"Dapat lang. Let's just talk later, after dinner para makaisip tayo ng paraan para mawala galit nung dalawa."

---------------------------------------

Howell Mansion

" So anong plano niyo?."-tanong ni Sheena sa mga Galura, nakatambay sila sa living room at nag-iisip kung anong taktika ang gagawin nila para maabswelto sila sa mga kapatid nito.

"Flowers/Chocolates?-sabay sagot ni B at G.

" Hindi na uubra 'yang mga 'yan almost everyday nakakatanggap sila ng mga ganyan sa mga admirers nila baka itapon lang nila pabalik sa inyo. Let me remind you ha hindi porket sinasamahan ko kayo dito para mag-isip ng paraan eh okay na tayo hindi ko pa din nakakalimutan atraso niyo."

"Oo na, kaya nga ito na eh, isasama namin si Mike sa gagawin naming pakulo para naman mabawasan atraso namin sa'yo kahit papano." -Batchi.

" Ano!? Bakit ako nakasama diyan, eh wala naman akong ginawang kalokohan."

"Bakit? okay na ba kayo? abswelto ka na ba kay Sheena? umayos ka tol pambawi mo na din 'to kahit papa'no, may naisip na akong way sana lang umubra. Sheena salamat sa tulong. We got this.."

" Okay,sige na baka makita pa ako ng mga kapatid ko baka madamay pa ako sa toyo nila 'pag nakita nilang kausap ko kayo."

" Siguraduhin mo lang na hindi kalokohan 'yang naiisip mo Bro. 'Di ko na kaya 'tong silent treatment ng yoyon ko."

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now