88 Goodbye for a Moment

762 34 2
                                    


Pauwe na sila sa Howell Mansion. Nagpasya silang doon na lang magcelebrate dahil maaga pa naman at bukas pa ng hapon ang flight ng mga buddies.

" Kayong dalawa ha. Aalis na't lahat si Kath binubully niyo pa din!"-sermon ni Bianca.

" Katuwaan lang naman 'yun"-rason ni Glaiza.

" Eh kung ako kaya ang matuwa sa'yo at itali kita sa punong mangga na puro hantik matuwa ka kaya!"-galit na baling ni Rhian sa asawa.

" Of all places! Ghaaad Batchi! napahiya na yung tao tinatawanan niyo pa!"-matalim na tumingin si Bianca kay Batchi .

Napayuko ang dalawa dahil aminado sila na sumubra nga ang pangbubully nila kay Kath.

" Pagdating natin sa bahay I want you to apologize to Kath. Do you hear me Glaiza!"-matigas na sabi ni Rhian.

Mabining tango lang ang sinagot nito.

" Ikaw din Batchi ayusin mo sarili mo ha. I'm sure nagtatampo sa inyo si Kath dahil tahimik na siya mula nung tinatawanan niyo siya and did you see her skin puro pantal na!"-sermon ulit ni Bianca.

" We'll make it up to her"-sabay nilang sabi para hindi magalit ang mga asawa nila.
----

Pagkarating nila sa mansion ay pinuntahan muna ni Batchi at Glaiza ang mga anak nila bago sila nagplano ng peace offering para kay Kath.

Nang masigurong okay na ang mga bata ay nagpasya silang magluto para sa lahat celebration/ despedida na din pero may gagawin silang iba para kay Kath.

" Mike we need your help sa kitchen para mas mapabilis ang pagluluto"-sabi ni Batchi.

-------

RHIAN

We sneak peak sa mga asawa namin at nakita namin sila sa kitchen. Nakaapron pa silang tatlo at walang imik na nagsisikilos sa kusina. Kahit hindi sila mag-usap usap ay tila alam na nila kung anong gagawin ng bawat isa.

Seryoso sila sakanilang ginagawa kaya naman hindi na kami nang-istorbo.

Pinuntahan namin ang buddies na tinitingnan pa din ang kalagayan ni Kath.

" Kath kami na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ng mga asawa namin"-sabi ko dito.

" Okay lang yun Rhian sanay na ako sa mga 'yun"-ngiti nito.

" Pero hindi okay samin. They're way out of line this time."-Giit ni Bianca.

Buti na lang at maagap ang mga buddies at hindi na masyadong halata  ang pantal nito.

Nangingiti na lang sina Solenn.

" Pagdating dito kay Kath sobrang comfortable silang gawin ang mga bagay lalo na sa kalokohan dahil inispoiled din ng baklang 'yan!"-Sanya.

" Kung sakin nila ginawa 'yan makakatikim talaga sila sakin!"-inis na sabi ni Abby.

" So where are those idiots bakit kayo ang humihingi ng pasensiya at hindi sila?"-upset na tanong ni Solenn.

" Nandun sila sa kusina mga Amigah. Mukhang may pakulong gagawin. Ang seseryoso ng mga mukha eh"-balita ni Angge.

" Nagtaka nga ako at hinila din nila si Mike sa kusina. Marunong bang magluto si Mike?"-curious na tanong ni Sheena dahil hindi naman namin nakikita si Mike sa kusina ngayun pa lang.

" Mas makikilala mo pa siya pag mag-asawa na kayo"-Abby.

" Silang tatlo lang naman ang mga naging student ni Gordon Ramsay na nakakuha ng pinakamataas na compliment at grade sa renowned chef sa buong mundo."-Pagmamalaki ni Sanya.

A Rastro StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon