129 Breaking their Agreements

690 48 24
                                    


Hindi makasagot at makatingin ng diretso si Batchi kay Rhian.

" Batchi alam kong alam mo kung nasaan si Glaiza ngayun atleast sabihin mo man lang para alam ko kung nasaan siya"-makaawa nito.

" Rhian kasi ano ...."-nagdadalawang isip na sabi ni Batchi.

Napakamot batok ito at napasulyap kay Bianca. Tinanguan siya ni Bianca na sabihin na ang totoo dahil karapatan din ni Rhian na malaman kung nasaan at kung anong nangyayare kay Glaiza.

" Bumalik na siya sa pagpipiloto at nasa Israel siya ngayun, hinatid niya ang President doon and they'll comeback after 3 days"-Batchi said.

" Does she know that I'm here in the hospital?"-Rhian ask while crying.

Umiling si Batchi.

" She cut off any connections Rhian nalaman ko lang kay Capt. Manalo na siya ang naghatid sa President doon. Wag kang mag-alala, kelangan niya yun para sa sarili niya at makapag-isip ng maayus. That's a sacred country kaya alam kong makakatulong sakanya ang pagpunta doon"-Assured Batchi.

Tumango tango na lang si Rhian dahil naiintindihan niya ang ibig sabihin ni Batchi.

" By the way Mom and Dad are coming over they cut their business trip shortly ng malaman ang nangyare sa inyo ni Glaiza"-Bianca informed her.

" I'm such a mess! wala na akong ibang ginawa kundi saktan at pasakitan si Glaiza."-Hagulhol na nito.

" Don't say that sissy dahil hindi din aayun si Glaiza kapag narinig ang mga sinabi mo. Sure nasaktan mo siya but that wasn't intentional. Kagagawan yan ng mga taong walang magawa sa buhay kundi mainggit sa ibang tao."-Alo ni Bianca.

" Hindi ka matitiis noon Rhi. Bigyan mo siya ng sapat na panahon para maghilom ang kung anumang sakit na nararamdaman niya ngayun."-Batchi.
----

RHIAN

Pinalabas din ako ni Sue ng masigurong okay na ako at ang dinadala ko. Pagdating namin ng bahay ay agad sumalubong ang kambal at umaasang kasama namin si Glaiza pero ng hindi nila ito makita ay agad na napawe ang tuwa at pananabik sa mga mata nila.Ghad! I couldn't take this anymore lalo na kapag nakikita kong nasasaktan ang mga bata ng ganito. AJ is trying hard to be strong at hindi nagpapakita ng kahinaan but I know deep inside him he's in pain. GJ on the other hand is sulking at me already dahil bakit daw wala pa at hindi nagpaparamdam ang Dada niya na hindi ko masagot dahil kasalanan ko lahat ng ito.
----

After a week ay nalaman kong nandito na uli sa Pinas si Glaiza pero hindi man lang ito nagpakita kahit sa mga bata. Bawat araw na dumadaan ay lalo ng lumalayo ang loob ni GJ sakin.

Buti na lang at sa pagtravel ni Glaiza ay nandun si Kate na nagsilbing espiya ko sa bawat ginagawa ng asawa ko noong nasa Israel sila. Kate sent me a video kung saan nasa bar sila at napasubong kumanta si Glaiza sa stage sa pambubuyo na din nina Kate. Kita kong napipilitan siyang umakyat ng stage pero pinagbigyan na lang din niya ang mga kasama nila, nang matapos na siyang kumanta at kita ang paghanga sa mga taong nandun dahil na din sa malakas nilang palakpakan at may isang babaeng lumapit sa asawa ko at bumulong dahilan para ngumiti si Glaiza ng todo at tumango.

" Oh hipag wag mag-isip ng kung ano ano. Explain ko sa'yo pag-uwe namin diyan"-awat agad sakin ni Kate dahil nakavideo call kami at napansin niyang nag-iiyak na ako sa nakita ko.

" Wag kang mag-alala dahil hindi ko na siya kelangang bantayan dahil wala ng interes sa ibang babae yan. Sa'yo lang."-Kate giggled.

" Talaga? kita mo ngang hinahayaan lang niyang puluputan ng mga Israelitang sawa diyan!"-irap ko sakanya.

A Rastro StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon