89 Punch

736 33 0
                                    


Matapos makipagbati nina Batchi Glaiza kay Kath ay nagpatuloy ang party nila. Nagpatugtug sila ng sweet music at isa isang sinayaw ng mga Galura ang mga buddies nila.

Nag-usap usap ang mga magkakapatid kung sino ang una nilang isasayaw. Balak nila na tig-iisang kanta nila isasayaw ang mga buddies at siyempre panghuli nilang isasayaw ang mga asawa nila.

Nakafix na ang listahan ng mga isasayaw nila ayon sa pagkakasunod sunod at maging ang mga kantang papatugtugin.

Mike        Batchi     Glaiza      Song

1. Sanya  Angge     Kath      Amazed

2. Kath    Sanya     Angge    I don't
                                               wanna miss                                                 a thing

3. Abby   Solenn   Sanya   If I Ain't                                                         got you

4. Solenn  Kath     Abby     You're                                                            Beautiful

5. Angge   Abby    Solenn    Wonderful
                                                   Tonight

6. Sheena   Bianca    Rhian   Faithfully

Pero bago yun ay nagsikain muna sila at nag-inuman ng konti. Maya maya pa ay naisip ni Mike na maglaro ulit sila.

" Guys total aalis na ang mga buddies bakit hindi uli tayo maglaro. I suggest ang  lalaruin natin is truth only para malaman natin kung ano pa ang hindi natin nalalaman sa isa't isa. After nating sumayaw. What do you think?"-tanong niya sa mga kasama.

Umayon naman silang lahat dahil may kanya kanya na silang naiisip na itatanong sa mga gusto nilang tanungin.

Pumailanlang na ang unang sweet music at gaya nga ng napag-usapan ay inaya na nila ang una nilang isasayaw ayun sa listahan.

Natapos na ang pangalawa at pangatlong kanta. Magkapartner na ngayun si Glaiza-Abby, Solenn-Mike,Batchi at Kath.

" Akma sa'yo yung kanta"-bulong ni Glaiza kay Abby.

Hinampas naman ni Abby si Glaiza sa balikat.

Napakunot noo si Batchi sa nakikitang kasweetan ng ex niya at ang kapatid.

Napansin naman ni Solenn ang itsura ni Batchi habang nakatitig ito ng masama kina Glaiza.

"Oh-oH I smell some trouble is coming"-sabi ni Solenn kay Mike.

Lumapit sila sa pwesto nina Batchi at Glaiza. Rinig nila ang pinag-uusapan nina Abby at Glaiza bagamat pahapyaw lamang.

" We did the right decision right Abby?"-dinig nilang tanong ni G.

" I think so. We're better off as buddies. Walang awkwardness"-ngiting sagot ni Abby.

Lalong kumunot ang noo ni Batchi sa mga narinig.

" Pangga may alam ka ba sa pinag-uusapan ni Abby at Glaiza?"-seryoso niyang tanong.

" Ha?! wala! hindi ko alam!"-tarantang sagot ni Kath.

Batchi confirmed na meron siyang hindi alam na alam ng mga ito. Sa paraan ng pagsagot ni Kath pihadong may linilihim ang mga ito.

Nag-aalalang tingin naman ang nabasa niya kina Mike at Solenn pero nanatiling tikom ang mga bibig ng mga ito.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now